-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang 0x ay isang imprastrakturang protokol na nagbibigay-daan sa mga user upang madaling makapagkalakal ng ERC20 tokens at iba pang mga asset sa Ethereum blockchain nang hindi umasa sa mga sentralisadong tagapamagitan katulad sa mga tradisyonal na cryptocurrency exchange.
Nakakamit ng 0x ang punsyon na ito ng disentralisadong exchange gamit ang isang koleksyon ng mga bukas na mapagkukunan, pampublikong nao-audit na matatalinong kontrata na gumagana nang magkakasama upang gumawa ng isang naibabagay, may mababang salungatan na protocol ng kalakalan na madaling maiaayon ng mga tagapagbuo (developers) sa kanilang mga produkto.
Ang protokol ay pinalalakas ng isang ERC20 utility token na kilala bilang ZRX. Ang Nodes (na kilala rin bilang mga relayer) na nagho-host ng isang order book na labas sa chain at nag-aalok ng mga aplikasyong nakaharap sa user na nagpepresenta ng impormasyong ito at nagbibigay-daan sa mga user para gumawa, magpunan at magkansela ng mga transaksyon ay binabayaran sa ZRX tokens (bilang mga bayarin sa pangangalakal). Maaari ring gamitin ang ZRX para makilahok sa pamamahala ng platform, na tumutulong sa mga may hawak (holders) para makapagmungkahi at bumoto sa mga pagbabago sa protokol.
Noong 2019, inanunsyo ng 0x ang isang overhaul ng ZRX token, nagdagdag ng ekstrang punsyonalidad, na nagpapahintulot sa mga may hawak ng ZRX na italaga ang kanilang stake sa isang market maker upang kumita ng pasibong rewards habang pinananatili ang kanilang kakayahang bumoto.
Ang 0x ay itinatag ni Will Warren at Amir Bandeali noong 2016. Ang dalawang kapwa-tagapagtatag ay patuloy na pinagsisilbihan ang platform, kung saan si Will Warren bilang CEO ng 0x, samantalang si Amir Bandeali ay CTO.
Inilunsad ang platform kasunod ng isang matagumpay na initial coin offering (ICO) noong 2017, kung saan ito ay nakalikom ng kabuuang halaga na $24 milyon — na may suporta mula sa mga prominenteng kumpanya sa pamumuhunan kabilang ang Polychain Capital, Pantera capital at FBG Capital.
Bago ang bentahan ng ICO, nagtrabaho si Warren sa ilang mga tungkulin sa research at sandaling pinanghawakan ang tungkulin ng teknikal na tagapayo sa Basic Attention Token (BAT). Si Bandeali naman, sa kabilang banda, ay nagtapos mula sa University of Illinois na may BSc sa Pinansya at pinanghawakan ang ilang mga posisyon ng kalakalan bago kapwa-itinatag ang 0x.
Ngayon ang team ay binubuo ng higit sa 30 indibidwal, kabilang ang mga inhinyero, researcher at tagadisenyo na nagtatrabaho upang i-update ang platform at panatilihin itong tumatakbo nang banayad.
Hindi katulad ng maraming iba pang mga protokol sa disentralisadong exchange ng Ethereum, sinusuportahan ng 0x ang parehong naikakalakal (ERC20) at hindi naikakalakal (ERC-723) na tokens. Nangangahulugan na maaaring magamit ito para sa walang permisong kalakalan ng isang malawak na saklaw ng mga asset, na nagbibigay sa mga may hawak (holders) ng isang paraan para bumili, magbenta at ipagpalit ang karamihan ng mga Ethereum asset sa higit isang dosenang apps.
Ang 0x protokol ay maaaring ilapat sa isang malawak na saklaw ng mga kaso ng paggamit, kabilang ang mga marketplace na estilong eBay para sa mga digital na kalakal at serbisyo, mga mesang kalakalan ng OTC, punsyonalidad ng exchange para sa mga protokol ng DeFi at mga simpleng makalumang disentralisadong exchange.
Bagaman maaaring gamitin ang 0x para magtayo ng labis na naibabagay na mga produkto ng exchange, maaari rin itong itayo sa loob ng mga produkto kung saan ang exchange ng asset ay isang sekondaryong tampok — tulad ng para sa mga in-game na pagbili at mga platform sa pamamahala ng portfolio.
Sa 0x protocol, nagbabayad ang mga kumukuha ng paglikida sa anyo ng ZRX tokens — ang bayad na ito ay ginagamit para pasiglahin ang liquidity ng market maker (relayer). Kailangan ring magbayad ang mga user ng isang protocol fee sa anyo ng Ether (ETH), na ginagamit para bayaran ang ginamit na gas (mekanismo sa pagpepresyo) sa anumang mga transaksyon na kanilang kinumpleto. Bilang isang bukas na mapagkukunang protokol, ang 0x ay hindi tumatanggap ng anumang share sa kitang ito, at sa halip ay suportado ng ZRX tokens na na-unlock bilang insentibo ng team at tagapagbuo (developers) — kasama ang kanyang paunang pagpopondo ng ICO.
Alamin ang tungkol sa Uniswap (UNI) — isang modernong alternatibo sa 0x.
Iklik dito para malaman kung paano gamitin ang Uniswap bilang isang baguhan.
Tingnan angFerrum Network (FRM) — isang platform na ginagamit para sa pagtatayo ng mga produktong pinansyal na batay sa blockchain.
Manatiling napapanahon sa mga pinakabagong balita gamit ang CoinMarketCap Blog.
Tulad ng maraming digital assets, ang ZRX token ay may nakapirming pinakamaraming (maximum) supply na hindi kailanman mahihigitan. Ito ay nakatakda sa 1 bilyong ZRX. Sa ngayon, halos tatlong kwarter ng pinakamarami o maximum na supply ang nasa sirkulasyon na, at maliit na praksyon na lang ang naka-lock up para sa staking ng rewards.
Hindi katulad ng maraming protokol, hindi kailanman pampublikong inilarawan ang emission rate para sa bagong ZRX tokens, na pinahihirap sabihin kung gaano katagal ang aabutin hanggang ang supply sa sirkulasyon ay ganap nang hihina. Ngunit sa 50% ng supply sa sirkulasyon na inilabas nang inilunsad ang token noong Agosto 2017 at 75% ng supply ang nailabas noong Oktubre 2020, nagpapahiwatig ito na maaaring makamit ang ganap na paghina sa kaagahan ng 2020s.
Ayon sa maagang blog entry ng CEO ng 0x na si Will Warren, kalahati ng kabuuang supply ng ZRX token ay ibinenta sa mga mamumuhunan noong 2017 ICO, samantalang bawat 15% ay nakareserba para sa organisasyon sa pangunahing pagpapaunlad ng 0x at pondo sa panlabas na pagpapaunlad ng proyekto, habang isang karagdagang 10% ay nakareserba para sa tagapagtatag na team (founding team) na may apat na taong iskedyul ng vesting at isang taong cliff , at ang natitirang 10% ay mananatili para sa maagang mga tagasuporta at tagapayo.
Ang 0x ay itinayo sa itaas ng Ethereum blockchain. Bilang resulta, protektado ito sa mga pag-atake ng pinagsamang pagsusumikap ng malakihang tagamina ng Ethereum at node network.
Para naman sa mga pinagbabatayang malalaking kontrata, ang bersyon 3 ng protokol ay nai-audit ng ilang ikatlong partidong kumpanya na nagsuri upang makita kung mayroong anumang mga pangunahing kahinaan, mga punsyong nasa likod ng eksena (backdoors) at paulit-ulit, kabilang ang ConsenSys Diligence — walang malalaking isyu ang natagpuan.
Gayunpaman, isang kahinaan ang napag-alaman sa matalinong kontrata na v2.0, na kalaunan ay naayos ng 0x core team. Ang kahinaang ito ay natuklasan ng isang independiyenteng researcher at hindi sinamantala. Patuloy na pinagagana ng 0x ang isang mapagbigay na bug bounty, upang tumulong tiktikan at ayusin ang anumang mga isyu bago pa man sila mapagsamantalahan.
Kasalukuyang available ikalakal ang ZRX sa higit 200 magkakaibang exchange platform, ngunit ang mga pinakapopular ay kinabibilangan ng Coinbase Pro, Binance at BitMax. Kaya itong ikalakal sa kasalukuyan laban sa hanay ng iba pang cryptocurrencies, kabilang ang Bitcoin (BTC), Tether (USDT) at Ethereum (ETH), pati na rin sa ilang fiat currencies, kabilang ang Dolyar ng US (USD), euros (EUR) at South Korean won (KRW).
Naghahanap na i-convert ang iyong fiat sa crypto? Alamin kung paano.