-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Algorand ay isang nakapagtataguyod, disentralisado at nakabatay sa blockchain na network na sumusuporta sa malawak na saklaw ng mga aplikasyon. Ang mga sistemang ito ay secure, maaasahan at mahuhusay; lahat ay mga kritikal na katangian para sa mga epektibong aplikasyon sa tunay na mundo. Susuportahan ng Algorand ang mga pagkukuwenta na nangangailangan ng garantiya ng maaasahang pagganap upang lumikha ng mga bagong anyo ng pagtitiwala.
Ang Algorand mainnet ay naging live noong Hunyo 2019, at nakayanan ang halos 1 milyong transaksyon kada araw mula pa noong Disyembre 2020.
Si Silvio Micali ay isang propesor ng computer science sa Massachusetts Institute of Technology, at ang nagtatag ng Algorand. Siya ay tumanggap ng Turing Award (noong 2012) para sa kanyang pangunahing kontribusyon sa teorya at praktika ng ligtas na dalawang-partidong pagkukuwenta , elektronikong cash, cryptocurrencies at mga blockchain protocol. Dahil dito isa siya sa mga pinakaunang lumikha ng crypto sa mundo.
Ang Algorand ay inimbento upang pabilisin ang mga transaksyon at mapabuti ang kahusayan, bilang tugon sa mababagal na oras ng transaksyon ng Bitcoin at iba pang mga blockchain. Dinisenyo ang Algorand upang mayroong mas mabababang bayarin sa transaksyon, pati na rin ang walang pagmimina (tulad ng proseso ng Bitcoin na umuubos ng labis na enerhiya), dahil ito ay batay sa isang walang pahintulot na purong proof-of-stake blockchain protocol.
Matutunan ang higit pa tungkol sa Ethereum.
Matutunan ang higit pa tungkol sa Avalanche.
Matutunan ang higit pa tungkol sa Web 3.0.
Basahin ang blog ng CMC.
Nakasaad sa simulain ng Algorand blockchain na 10 bilyong ALGO ang na-mint. Ang pamamahagi ng nakapirmi at di-mababagong 10 bilyong ALGO ay magtatapos sa 2030, sa halip na ang unang plano ng 2024. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa tokenomics ng Algorand, tingnan dito.
Ang Algorand blockchain ay isang walang pahintulot na purong proof-of-stake blockchain protocol. Hindi tulad ng mga proof-of-work blockchain, kung saan ang pinakapunong block ay dapat na patunayan sa pamamagitan ng sapalarang pagpili ng mga tagapagpatunay o validators (gamit ang lakas ng pagkukuwenta), sa purong proof-of-stake na pamamaraan ang lahat ng mga tagapagpatunay ay kilala ng isa't isa at dapat lamang na sumang-ayon sa susunod na block upang lumikha ng isang bagong block.
Maaaring mabili ang Algorand sa mga sumusunod na exchange:
Coinbase
Binance
OKEx
Kraken
Huobi
Matutunan ang higit pa tungkol sa pamimili ng cryptocurrencies dito.