Front page/ Cryptocurrency/ AR
Arweave

Arweave AR

Rank #121 Kasama
ArweavePresyo
-

-

-
Opisyal na website
Explorers
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.02%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.07%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

AR Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

AR Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Arweave

Ano ang Arweave (AR)?

Ang Arweave ay isang disentralisadong storage network na naghahangad na mag-alok ng isang platform para sa walang katapusang imbakan ng data. Inilalarawan ang sarili niya bilang "isang sama-samang pagmamay-ari na hard drive na hindi kailanman nakakalimot," ang network ay pangunahing hinohost "ang permaweb" — isang permanenteng, disentralisadong web na may bilang ng mga aplikasyon at platform na para sa komunidad.

Ang Arweave network ay gumagamit ng isang likas na cryptocurrency, ang AR, para bayaran ang mga "tagapagmina" upang walang katapusan iimbak ang impormasyon ng network.

Ang proyekto ay unang ibinalita bilang Archain noong Agosto 2017, kalaunan ay binago ang tatak sa Arweave noong Pebrero 2018 at opisyal na inilunsad noong Hunyo 2018.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Arweave?

Ang Arweave ay itinatag nina Sam Williams at William Jones, dalawang kandidato ng Ph.D. sa University of Kent. Dumating si Williams sa proyekto na may karanasan sa disentralisado at ipinamamahaging mga sistema, dahil nakapagbuo siya ng operating system na tinatawag na HydrOS bilang bahagi ng kanyang pag-aaral, habang ang pokus ni Jones ay nakatuon sa graph theory at neural networking. Habang nilisan ni Williams ang graduate school para magpokus sa kumpanya, iniwan ni Jones ang proyekto nang maaga noong kalagitnaan ng 2018 at tinapos ang kanyang Ph.D.

Ayon kay Williams, naisip niya ang ideya habang naglalakad paakyat ng bundok sa Scotland, kalaunan ay dinala ang konsepto kay Jones, na kasama niyang nagbuo ng mga teknikal na detalye. Matapos ilunsad ang Arweave, si Williams ay pinangalanan kalaunan bilang tagapayo sa Minespider, isang kumpanya na nagbibigay ng supply chain tracking para sa industriya ng panangkap (raw materials) na nakabatay sa blockchain, at siya ay naglingkod bilang tagapagturo para sa Techstars accelerator program.

Bagama't ang Arweave ay itinatag na may sentralisadong pamunuan, naglunsad ito ng isang disentralisadong nagsasariling organisasyon noong Enero 2020 na binubuo ng mga pangunahing miyembro ng komunidad upang isulong ang pag-unlad at pagpapalawak ng network at ecosystem nito.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Arweave?

Ayon sa yellow paper nito, hangad ng Arweave na tiyakin ang "sama-samang kakayahang mag-imbak at magbahagi ng impormasyon sa pagitan ng mga indibidwal at sa iba't ibang panahon ng bagong henerasyon." Upang maisakatuparan ang mithiing ito, ang punong permaweb nito ay itinayo sa itaas ng "blockweave," ng Arweave, isang baryasyon ng teknolohiya ng blockchain kung saan ang bawat block ay naka-link sa parehong block na sinusundan nito at sa isang random na nauna. Sabi ng Arweave ay nakapagpapasigla ito sa mga tagapagmina na mag-imbak ng mas maraming data dahil kailangan nilang magawang iakses ang random na sinundang mga block upang makapagdagdag ng mga bago at makatanggap ng rewards.

Nakapokus ang Arweave sa pagtatayo ng isang nakapagsusustenang ecosystem sa palibot ng network. Noong Hunyo 2020, inihayag nito ang "profit sharing tokens," (mga token na nagbibigay ng bahagi ng kita) na nagbibigay-daan sa mga developer upang makatanggap ng mga dibidendo kapag nakalikha ng network transaction fees mula sa kanilang aplikasyon, at naghohost ito ng mga incubator upang suportahan ang pagtatayo ng permaweb-based apps. Ang proyekto ay gumagana rin sa mga nagsisimula pa lang o startups sa pamamagitan ng kanyang "Boost" na programa, nag-aalok ng libreng imbakan at akses sa Arweave team at mamumuhunan ng industriya.

Noong Marso 2020, nag-anunsyo ang Arweave na nakatanggap ito ng $8.3 milyon sa pagpopondo mula sa Andresen Horowitz, Union Square Ventures at Coinbase Ventures. Ito ay kasunod ng isang mas maagang pamumuhunan noong Nobyembre 2019 na galing sa Andreessen Horowitz at Union Square Ventures, pati na rin Multicoin Capital.

Mga Kaugnay na Page:

Alamin ang tungkol sa Filecoin, isang ipinamamahaging storage network mula sa mga tagalikha ng InterPlanetary File System.

Alamin ang tungkol sa Siacoin, ang likas na cryptocurrency ng Sia na ipinamamahagi sa cloud storage network.

Gustong malaman ang higit pa tungkol sa disentralisadong imbakan o storage? Basahin ang higit pa tungkol sa kung ano ang hinahangad makamit sa Alexandria, ang mapagkukunan ng kaalaman online ng CoinMarketCap.

Manatiling napapanahon sa mga pinakabagong inobasyon sa teknolohiya na inaalok ng blockchain gamit ang CoinMarketCap Blog.

Gaano Karaming Arweave (AR) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Ayon sa yellow paper nito, ang Arweave ay may maximum token supply na 66 milyong AR. Ang 55 milyong AR ay na-mina noong ang genesis block ng blockweave ay nilikha noong Hunyo 2018, at isang karagdagang 11 milyong ay unti-unting ipinakilala bilang block rewards.

Nagdaos ang Arweave ng isang kaganapan ng paunang bentahan (pre-sale) ng token noong Agosto 2017 kung saan 10.8% ng unang nilikhang token supply ang naibenta, at dalawang pampublikong bentahan ang nakumpleto noong Mayo 2018 at Hunyo 2018 kung saan 7.1% at 1.1% ng supply ang naibenta, ayon sa pagkakasunod. Naglaan ang kumpanya ng karagdagang 19.5% para sa isang pribadong bentahan, 2.9% para sa mga tagapayo ng proyekto, 13% para sa koponan o team (sumasailalim sa isang limang taong lock-up na may 20% na inilalabas bawat taon), 19.1% para sa pagpapaunlad ng ecosystem, at 26.5% para sa hinaharap na paggamit ng proyekto (sumasailalim sa isang limang taong lock-up na may 20% na inilalabas bawat taon).

Paano Sine-secure ang Arweave Network?

Ang Arweave network ay binuo sa isang binagong bersyon ng blockchain technology na tinatawag nitong "blockweave," na gumagamit ng "proof-of-access" konsensus na algoritmo — isang binagong bersyon ng proof-of-work. Sa PoA, ang bawat bagong block ay hindi lamang naka-link sa isang naunang block ngunit sa isang dating random na block rin, at parehong block ay na-hash para lumikha ng isang bago. Ang mga tagapagmina ay hindi kinakailangang mag-imbak ng isang buong blockchain, ngunit ang mga ito ay binigyang insentibo upang mag-imbak ng higit pang impormasyon upang patunayan na maaari nilang iakses ang mga lumang block na kinakailangan upang makapagmina ng isang bago.

Ang protokol sa pagmimina na ginagamit ng Arweave, ang RandomX, ay matagumpay na nai-audit ng apat na kumpanya ng cybersecurity — ang Trail of Bits, Kudelski Security, X41 D-Sec at QuarksLab — noong Agosto 2019. Ang proyekto ay nagpaplanong gumamit ng isang bagong algoritmo sa pagmimina simula sa kaagahan ng 2021 na kilala bilang SPoRA, na sinabi nito noong Disyembre 2020 ay na-audit ng NCC Group.

Saan Ka Makakabili ng Arweave (AR)?

Ang AR ay maaaring bilhin sa mga cryptocurrency exchange tulad ng MXC.COM, Bilaxy, Huobi Global, at Hoo, bukod sa iba pa. Maaari itong ikalakal laban sa stablecoin na Tether(USDT) pati na rin sa Bitcoin (BTC) at Ether (ETH).

Interesado ka bang bumili ng AR o iba pang cryptocurrencies tulad ng Bitcoin? Ang CoinMarketCap ay may isang simple at kada hakbang na gabay para turuan ka ng lahat ng tungkol sa crypto at kung paano bumili ng una mong mga coin.

Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka:

  • Ano ang Crypto Faucet?
  • Ano ang mga Crypto Debit Card?
  • Ano ang Web 3.0?
  • Ano ang Yield Farming?
  • Ano ang Pagpapautang ng Crypto o Crypto Lending?
Mga detalye
AR
¥ CNY

Arweave Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #121
  • Dominance sa Market
    0.02%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
    2018-07-13
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan