Front page/ Cryptocurrency/ BabyDoge
Baby Doge Coin

Baby Doge Coin BabyDoge

Rank #173 Kasama
Baby Doge CoinPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.01%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.29%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

BabyDoge Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

BabyDoge Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Baby Doge Coin

Ano ang Baby Doge Coin (BabyDoge)?

Ang Baby Doge Coin ay ang bagong meme cryptocurrency na may mataas na pangarap bilang ang "anak" ng orihinal na Dogecoin (DOGE). Hindi direktang lumikha ang Dogecoin ng sari-saring cryptocurrencies na naghahangad tularan ang kanyang napakalaking kinita sa halaga sa mga taong 2020 at 2021. Ang Baby Doge Coin at maraming iba pang mga proyekto tulad ng Shiba Inu ay tumitinging palawakin ang kanilang pagka-cute at mga tampok na kakayahang meme habang nagbibigay rin ng isang paraan para sa mga mamumuhunan na makagawa ng malalaking balik-kita. Gusto ng Doge Baby Coin na magkaloob ng parehong mga pagtalon sa halaga habang pinabibilis rin ang mga oras ng transaksyon, at ginagantimpalaan ang mga user ng isang porsyento sa bawat bayarin sa transaksyon o transaction fee.

Sumusunod ang Baby Doge Coin sa isang anim na yugtong roadmap upang madagdagan hangga't maaari ang halaga ng token. Naghahangad rin ang proyekto na magbigay ng mas higit na kaligtasan para sa kanilang komunidad ng mga may hawak (holders) sa pamamagitan ng naka-lock na paglikida at itinataguyod ang mga pagpapahalaga sa pagkalinaw (transparency), tiwala, komunidad, at kahabaan ng buhay. Ninanais nilang isali ang komunidad hangga't maaari at nakapagpatupad na ng mga third-party audit para tanggalin ang anumang pag-aalala ng rug-pulling.

Tulad ng iba pang meme cryptocurrencies, ang mga tagapagtatag ay hindi inilalagay ang kanilang sarili sa spotlight. Gayunpaman, ang pangunahing tagapagtatag ng proyekto ay ibinunyag online ang kanyang sarili bilang si Christian Campisi, tagapagtatag ng Pawz.com at isang malaking mananampalataya sa kawanggawa o charity para sa mga aso at alagang hayop na nangangailangan. Ayon kay Christian, kanilang ihahayag ang mas marami pang mga miyembro ng core team sa sandaling ang proyekto ay ganap nang isinasagawa.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Baby Doge?

Tulad ng iba pang meme cryptocurrencies, hindi malinaw kung sino ang mga tagapaglikha at pangunahing koponan sa likod ng BabyDoge. Binuo ng mga developer na ito ang BabyDoge gamit ang Binance Smart Chain upang lumikha ng isang ecosystem na bumabagay pa rin sa Ethereum.

Ang BabyDoge ba ay Papalo pa rin ng 1 Sentimo?

Ang BabyDoge, tulad ng iba pang meme cryptos, ay may malaking supply na 420 quadrillion tokens. Nagbibigay ito sa mga maagang mamumuhunan ng isang pagkakataon upang bumili ng malalaking bahagi ng supply at sakyan ito habang tumataas sa halaga dahil sa mas higit na paggamit ng iba at mga estratehiya tulad ng pagtatanggal sa coin o coin burning na gagawing mas kakaunti at mas mahalaga ang token.

Presyo ng BabyDoge

Maging maingat na hindi ilito ang BabyDoge token sa iba tulad ng Baby Cake (BABYCAKE), Baby Swap (BABY), o Baby Shiba Inu (BABYSHIBAINU). Ang token na ito ay nilalayong mapabuti hangga't maaari ang halaga nito at market cap, lalo na sa mga maaagang yugtong na ito.

Paano Gumagana ang Baby Doge Coin?

Bahagi ang Baby Doge Coin ng isang lumalaking panulukan ng crypto market na kinabibilangan ng malaking bilang ng mga digital currency na may temang aso. Ang paggamit sa mga token na ito ay dumedepende sa kung magkanong halaga ang magagawa nilang ibigay sa kanilang mga mamumuhunan. Sa ganoon, bawat isa ay sinusubukang magbigay ng mga pinaka-kaakit-akit na benepisyo para sa mga user tulad ng rewards, airdrops, at giveaways. Umaasa ang Baby Doge Coin na makaakit ng higit pang mga user sa pamamagitan ng muling pamamahagi ng transaction fees pabalik sa mga user, mga umuusling halaga mula sa pagtatanggal sa supply, at isang lumalaking listahan ng mga handog tulad ng isang DEX at NFT platform.

Tulad ng marami sa mga bagong meme cryptos, ang BabyDoge ay itinayo sa Binance Smart Chain. Nagbibigay-daan ito sa proyekto upang makinabang mula sa mas mababang gas fees at block times na 10 beses na mas mabilis kaysa sa Dogecoins, ayon sa kanilang "Woofpaper." Ito ang pinakamahusay na paraan upang mabawasan ang mga bayarin o fees sa network habang naggagantimpala ng porsyento sa bayarin pabalik sa mga user. Tinatagurian ng BabyDoge token ang sarili nito bilang isang "hyper-deflationary" dahil magtatanggal ito sa supply sa parehong awtomatiko at manu-manong paraan sa paglipas ng panahon. Narito ang ilang iba pang mahahalagang tokenomics na makikita ng mga user:

  • 5% ng bawat 10% bayarin o fee ay muling ipapamahagi pabalik sa mga may hawak ng BabyDoge
  • 2.5% ng bayarin o fee ay ibebenta at iaambag sa paglikida bilang Binance Coin (BNB)
  • 2.5% ng bayarin o fee ay ipapares sa BNB upang bumuo ng isang paglikidang pares sa PancakeSwap DEX

Bukod pa rito, ang Baby Doge Coin team ay nakapagtanggal na ng 30% ng orihinal na supply, at 5% ng bawat muling pamamahagi ay tatanggalin rin. Ang lahat ng ito ay isang pagsisikap upang buksan ang isang pintuan ng halaga na sasalamin sa nangyari sa Dogecoin. Umaasa silang makapagbigay ng mababang entry point sa mga praksyon ng sentimo kung saan ang mga mamumuhunan ay maaaring bumili ng milyon-milyong token kung nais nila at makinabang kapag ang BabyDoge ay pumalo sa mga milestone tulad ng $0.01 na presyo.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Baby Doge Coin?

Ang Baby Doge Coin ay napaka-kasingtulad sa kanyang pamamaraan sa pagtatatag ng halaga kapag kinumpara sa malaking bilang ng iba pang dog coins tulad ng Shiba Inu, Alaska Inu, Doggy, CyberDoge, at Mini Shiba. Gayunpaman, ito ay may ilang iba't-ibang mga tampok at mas maaga nang nakauna sa pangkat upang makakuha ng malaking tagasunod sa social media at 250,000 na may hawak (holders) sa kanyang unang 21 araw. Ang static rewards at pagtanggal ng coin ay mga pamantayang tampok sa ganitong uri ng coin, ngunit maaari itong magtagumpay bilang ang unang tagapagkilos (first-mover) sa kalawakan ng meme crypto.

Ang hinaharap ng Baby Doge Coin ay kabibilangan ng isang ecosystem na may isang disentralisadong exchange, crypto credit card, at isang meme at NFT marketplace. Magkakaloob din sila sa mga layuning pangkawanggawa sa alagang hayop habang tinatahak ang daan.

Paano Nagpaparami ang Baby Doge Coin?

Ang Baby Doge Coin ay napaka-kasingtulad ng iba na umaangkin ng mala-pamilyang relasyon sa Dogecoin tulad ng MAMADOGE. May maraming kumpetisyon at hindi malinaw kung aling meme crypto ang mananalo na may pinakamaraming user at ang pinakamalaking halaga sa paglipas ng panahon. Kung ang Baby Doge Coin ay makakaiwas sa mga kakulangan sa kaligtasan at patuloy na itatatag ang kanilang komunidad ng mga may hawak (holders), maaaring sila ay may dakilang pag-asa na pabutihin ang yaman ng libo-libo!

Gaano Karaming Baby Doge Coins ang Nasa Sirkulasyon?

May kabuuang supply na 420 quadrillion Baby Doge Coins na may 295 quadrillion ang kasalukuyang nasa sirkulasyon — dahil sa 125 quadrillion (halos 30%) na ang natanggal gamit ang pagtatanggal ng coin o coin burning. Ang Baby Doge ay gumagamit ng tatlong punsyon upang mapabuti ang kakauntian ng Baby Doge: Reflection (pagdaragdag ng coins sa mga wallet ng may hawak), LP acquisition (idinadagdag bilang isang paglikidang pares sa PancakeSwap), at pagtatanggal ng coin o coin burning. Sa 10% transaction fee, ang 5% ay muling ipamamahagi sa mga may hawak ng Baby Doge Coin, at ang 5% ay ibinebenta sa pamamagitan ng kontrata sa BNB at idinadagdag nang awtomatiko bilang isang paglikidang pares sa Pancake Swap.

Nagpapanatili rin ang Baby Doge Coin ng isang charity wallet na tumatatanggap ng mga muling pamamahagi o redistributions upang ihandog sa mga charity partner.

Paano Sine-secure ang Baby Doge Coin Network?

Ginagamit ng Baby Doge ang Binance Smart Chain para magbigay ng isang Proof of Staked Authority consensus na umaasa sa 21 tagapagpatunay o validators para magbigay ng disentralisasyon at paganahin ang pakikilahok ng komunidad.

Saan Ka Makakabili ng Baby Doge Coin (BabyDoge)?

Kung nais mong bumili ng Baby Doge, ang mga nangungunang exchange para mangalakal sa Baby Doge Coin ay kasalukuyan ang XT.COM, LBank, PancakeSwap (V2), CoinW, at DODO BSC.

Makahanap ng karagdagang impormasyon dito tungkol sa pagbili ng cryptocurrency.

Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka:

  • Ano ang Crypto Faucet?
  • Ano ang mga Crypto Debit Card?
  • Ano ang Web 3.0?
  • Ano ang Yield Farming?
  • Ano ang Pagpapautang ng Crypto o Crypto Lending?
Mga detalye
BabyDoge
¥ CNY

Baby Doge Coin Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #173
  • Dominance sa Market
    0.01%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
    2021-06-01
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan