-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Basic Attention Token, o BAT, ay ang token na nagpapalakas sa isang digital advertising platform na nakabatay sa blockchain na idinisenyo upang mainam na gantimpalaan ang mga user para sa kanilang atensyon, habang nagbibigay sa mga advertiser ng isang may mahusay na balik-kita sa kanilang mga gastusin.
Ang karanasang ito ay naihahatid sa pamamagitan ng Brave Browser, kung saan maaaring panoorin ng mga user ang mga patalastas o ad na nakapagpepreserba ng privacy at makatanggap ng BAT rewards para sa paggawa nito. Sa kabilang banda, ang mga advertiser ay maaaring maghatid ng mga nakatarget na ads upang labis na mapalaki ang pakikipag-ugnayan at bawasan ang mga pagkalugi dahil sa pandaraya at pang-aabuso sa ad.
Ang Basic Attention Token mismo ay ang unit ng reward sa advertising ecosystem na ito, at ipinagpapalit-palitan sa pagitan ng mga advertiser, publisher at user. Maaaring magbayad ng BAT tokens ang mga advertiser para sa kanilang mga kampanya ng advertising. Mula sa budget na ito, ang isang maliit na bahagi ay ipinamamahagi sa mga advertiser, habang 70% ay ipinamamahagi sa mga user — samantalang ang mga tagapamagitan o intermediaries na karaniwang nakapagpapataas ng mga gastusin sa advertising ay inaalis sa ekwasyon upang mapabuti ang kahusayan sa gastos.
Naglunsad noong 2017 ang Basic Attention Token kasunod ng isa sa pinakamabilis mabentang initial coin offerings (ICOs) kailanman, kung saan ang platform ay nakalikom ng kabuuang $35 milyon sa ilalim ng isang minuto. Mula noon, ipinamalas na nito ang karanasan sa attention-based advertising sa mga user ng karamihang bansa sa pamamagitan ng Brave Rewards program nito.
Magmula noong Nobyembre 2020, ang Estados Unidos, ang United Kingdom at Canada ang may mga pinakaaktibong kampanya sa advertising.
Ang Basic Attention Tokens ay may dalawang tagapagtatag: sina Brendan Eich at Brian Bondy — dalawang mataas na kinikilalang indibidwal sa industriya ng internet browsing software.
Si Brendan Eich ay ang CEO ng Brave Software, Inc — ang punong kumpanya sa likod ng Brave browser at Basic Attention Token. Bago ang kanyang tungkulin sa Brave, si Eich ay ang nagtatag at CTO ng Mozilla at nag-imbento rin ng JavaScript noong 1995. Tumulong din siya sa paglulunsad ng isa sa mga pinaka-popular na web browser sa mundo noong 2004 — ang Mozilla Firefox.
Gayundin, sumali si Brian Bondy bilang CTO ng Brave at Basic Attention Token. Si Bondy ay isang matinding ekspiryensyadong engineer na may karanasan sa pagtatrabaho dati bilang isang senior software engineer sa Mozilla, software developer sa Corel Corporation at software development lead sa Khan Academy. Magkasama, sina Eich at Bondy ay may pinagsamang higit sa 50 taon ng karanasan sa pagbubuo ng software.
Sa kabuuan, ang Basic Attention Token website ay naglilista ng 16 na miyembro ng koponan, marami sa kanila ay may development, engineering o research background.
Ang pangunahing kaso ng paggamit para sa Basic Attention Token ay bilang isang payment token para sa pagpapatakbo ng mga kampanya sa advertising sa pamamagitan ng Brave Ads. Hanggang noong Nobyembre 2020, ang mga advertiser ay dapat mangako sa isang minimum na gastusin sa ad na $2,500 kada buwan para mailunsad ang kanilang kampanya, ngunit ang isang self-serve platform na may potensyal na mas mababang limitasyon ay kasalukuyang binubuo.
Sa kasalukuyan, ang advertising budget na ito ay dapat bayaran nang buo sa Basic Attention Tokens, na maaaring makuha ng mga advertiser mula sa isang iba't ibang klase ng mga third-party exchange platform. Mula rito, kumukuha ang Brave ng maliit na komisyon, at ipinamamahagi ang natitira sa mga tagapaglathala o publisher at mga user.
Isa sa mga pangunahing nakatatanging tampok tungkol sa Basic Attention Token at Brave Browser ecosystem ay ang kakayahang gantimpalaan (tip) ang mga user na hindi pa bahagi ng network — kabilang dito ang parehong mga website at indibidwal na mga user ng Twitter. Ang mga user na ito ay maaaring ligtas na magrehistro sa platform upang mangolekta ng anumang mga tip na kanilang naipon.
Parehong ang Basic Attention Token at Brave Browser ay nagkamit ng maraming user mula sa kanilang paglulunsad. Hanggang noong Oktubre 2020, ang Brave Browser ay may kabuuang 20.5 milyong aktibong user kada buwan, samantalang ang Basic Attention Token ay hinahawakan na ngayon ng kabuuang mahigit 368,000 natatanging wallet.
Tingnan ang Decentr (DEC) — isang web browser na pinalalakas ng blockchain at web 3.0 portal.
Galugarin ang AdEx Network (ADX) — ang advertising platform na pinalalakas ng blockchain.
Kilalanin ang CoinMarketCap Alexandria — ang komprehensibong koleksyon ng kaalaman sa crypto.
Maging una sa merkado na may pinakamalalaking balita, analisis, at update sa CoinMarketCap blog.
Ang Basic Attention Token ay may maximum na kabuuang supply na 1.5 bilyong token. Ito ay hindi maaaring dagdagan nang hindi lumilipat sa isang bagong token na matalinong kontrata.
Halos lahat ng supply na ito ay sa kasalukuyang nasa sirkulasyon. Bilang resulta, ang Basic Attention Token ay maaaring ituring na halos ganap nang nailabas o diluted.
Sa kanyang 2017 ICO, kabuuang 1 bilyong BAT token ang naibenta sa mga mamumuhunan, samantalang ang natitirang 200 milyong token ay naka-lock sa isang development pool, at 300 milyong BAT ang inireserba para sa user growth pool (UGP). Hanggang noong Nobyembre 2020, parehong ang mga address ng development pool at UGP pool ay halos wala ng laman.
Ang Basic Network Token (BAT) ay isang ERC-20 token. Sa gayon, ito ay itinayo sa Ethereum blockchain. Tulad ng anumang ERC-20 token, ang BAT ay sinesecure sa pamamagitan ng isang mariing tinest na proof-of-work (POW) konsensus na algoritmo na suportado ng isang malawak na Ethereum miner network.
Ang konsensus na algoritmong ito ay nagtitiyak lamang na ang mga balidong transaksyon ay nakukumpirma, habang ang pinagsamang trabaho ng Ethereum mining network ay tumitiyak na ang mga transaksyon ng BAT ay talagang hindi nababaliktad sa sandaling makumpirma.
Ang Basic Attention Token ay maaaring kasalukuyang ikalakal sa karamihan ng mga popular na cryptocurrency exchange platform, at sa kasalukuyan ay may napakahusay na paglikida. Ang Binance, Coinbase Pro at Huobi Global ay nabibilang sa mga pinaka-kagalang-galang na exchange para sa mga kalakalan ng BAT.
Tulad ng maraming cryptocurrencies, ang BAT ay maaaring bilhin nang direkta gamit ang fiat sa iba't ibang mga broker o maaaring ikalakal laban sa fiat asset sa mga platform tulad ng Kraken at Bithumb.
Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka: