-
| Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
|---|
Ang Bidao ay isang maramihang chain na platform ng disentralisadong pinansya (DeFi) at stablecoin. Ito ay ang unang "trustless" (hindi na kailangan pang ipag-alala) na stablecoin na iniugnay sa dolyar ng U.S. (USD) gamit ang Binance Chain platform. Isa sa mga pangunahing tampok ng Bidao ay pinahihintulutan nito ang iba't ibang magkakaibang cryptocurrencies na gagamitin bilang kolateral para sa BID stablecoins — kabilang ang TRON (TRX), Ontology (ONT) at Dash (DASH).
Ang bagong solusyon ng stablecoin na ito na ipinakilala ng Bidao ay ganap na ipinagsama sa Binance blockchain, tumutulong na makinabang ito mula sa bilis, pagiging maaasahan at kahusayan na inaalok ng platform. Nilalayon ng Bidao na magkamit ng mas higit na bilis sa transaksyon kaysa sa mga tradisyonal na ERC-20 token pati na rin ang pangmatagalang scalability (kakayahang magproseso ng maramihang transaksyon) salamat sa kadalian na kung saan ay maaaring magamit ang Bidao sidechains, at sa kahusayan ng matatalinong kontrata na inaalok ng Binance Chain. Ang layunin ay ang maipagsama-sama ang iba pang mga blockchain sa nalalapit na hinaharap.
Gamit ang Binance Chain bilang ang settlement layer (paghahatid ng cash o asset kapalit ng bayad) ay may samu't saring benepisyo na higit sa iba pang mga platform tulad ng Ethereum, kabilang ang kapansin-pansin na mas mabilis na oras ng pag-areglo (settlement) at nabawasang bayarin. Kakailanganin ng mga user ng Bidao ang BNB bilang karagdagan sa isang suportadong kolateral asset upang makabuo ng BAI stablecoins. Ang stablecoins na ito ay iniuugnay ng 1:1 sa dolyar ng US.
Dapat na labis na magkolateral ang mga user para makahiram ng BAI tokens (ang stablecoins ng BAI ecosystem), at nagpatupad ang Bidao team ng isang mekanismo ng katatagan na gumagamit ng ilang pamamaraan upang tiyakin na napapanatili ng stablecoin ang kanyang ugnayan o halaga sa 1 USD.
Kapwa itinatag ni Bastian Aigner and Long Zhang ang Bidao noong 2018. Si Aigner ay isang tagapagbuo ng AI at Internet of Things (IoT) na kapwa ring itinatag ang Crocoding — isang matagumpay na platform na ginagamit sa pagdidisenyo ng mga website. Sa kabilang banda, si Zhang naman ay nag-aral ng applied at computational math at statistics sa Duke University, at hawak niya rin ang tungkulin na research executive sa Duke Blockchain Lab.
Kasama rin sa Bidao team si Brian Condenanza, ang chief technology officer (CTO) at University of Oxford alumni, at si Caroline Kurpiers, ang chief marketing officer (CMO) ng Bidao na may malawak na background sa consulting at research.
Ang pangunahing layunin ng Bidao team ay ang lumikha ng isang blockchain-agnostic ecosystem na tahasang idinisenyo para sa mga aplikasyon ng DeFi. Bukod dito, hangad ng Bidao team na likhain ang unang bukas na akses (open-access) na stablecoin na tunay namang madaling gamitin, dahil sa saklaw ng mga kolateral asset na suportado ng platform.
Isa sa mga pangunahin na bukod-tanging tampok ng Bidao ay ang kanyang "trustless" (hindi na kailangan pang ipag-alala) na setup, na idinisenyo partikular para sa mga aplikasyon ng DeFi. Gumagamit ang ecosystem ng isang arkitektura na may tatlong pamamaraan (three-way) gamit ang BID bilang staking at pamamahalang coin, ang BAI bilang ang stablecoin na may 1:1 na pag-uugnay sa dolyar ng U.S. at sa kahuli-hulihan ang BNB bilang ang pangunahing kolateral token.
Hindi tulad ng iba pang mga tradisyonal na platform, ang Bidao ay gumagamit ng isang bago at pinabuting arkitektura ng blockchain na itinayo sa Binance Chain upang magbigay ng isang mas mabilis, mababang gastos na alternatibo sa mga solusyong nakabatay sa Ethereum tulad ng Tether (USDT) at TrueUSD (TUSD).
Ang BID tokens ay maaaring "i-powerstake," na tumutukoy sa kasanayan ng patuloy na pagtatabi ng mga token sa isang pribadong wallet nang hindi inililipat ang mga ito. Sa ganitong gawain, ang mga may hawak (holders) ng BID ay makakatulong na suportahan ang Bidao network, at sabay na kumita rin ng staking rewards — kasalukuyan itong itinakda sa 3% APR bawat taon.
Ang mekanismo sa katatagan ng BAI ay naiiba rin mula sa karamihan ng mga katunggaling solusyon ng stablecoin, dahil ito ay gumagamit ng isang sistema ng nagpapabago-bagong bayarin sa katatagan (stability fee) upang imaniobra pataas ang demand para sa BAI kapag ang presyo nito ay bumabagsak sa ibaba ng kanyang iniuugnay na presyo (peg), o dagdagan ang supply ng BAI sa pamamagitan ng higit na mas nakakaakit na BAI collateralized debt positions (CDPs) sa mga manghihiram kung tataas ito sa kanyang iniuugnay na presyo (peg).
Higit na unawain ang stablecoins sa CoinMarketCap Alexandria.
Alamin ang tungkol sa Tether (USDT) — ang pinaka-popular na stablecoin na inaalalayan ng dolyar.
Magbasa tungkol sa Wrapped Bitcoin (WBTC) — isang asset na ipinagpapalagay na BTC para sa Ethereum.
Manatiling napapanahon sa market gamit ang CoinMarketCap blog.
Ang Bidao sa kasalukuyan ay may supply na 4,000,000,000 BID token. Mula dito, hindi bababa sa 1.8 bilyong token ang naibenta sa kanyang bentahan ng token noong Setyembre 2020 — na nakalikom ng $18 milyon. Ang anumang mga token na inilalaan sa bentahan ng token ng Bidao ay nakatakdang tanggalin sa sirkulasyon. Mula noong Oktubre 2020, ang eksaktong tokenomics para sa BID token ay hindi pa nailalabas.
Unang sinumulang ikalakal ang Bidao token noong Setyembre 2020, kasunod ng isang matagumpay na bentahan ng token. Ang kabuuang supply ng Bidao token ay inaasahang lumago sa implasyong rate ng flat na 3% bawat taon, na ang mga bagong na-mint na token na ito ay ipinamamahagi sa BID stakers.
Ang Bidao blockchain ay gumagamit ng isang proof-of- stake (PoS) konsensus na algoritmo bilang isang hakbang pangseguridad. Ang setup na ito ay inaatasan ang mga user na i-stake ang kanilang BID tokens para tumulong i-secure ang network.
Ginagamit rin ang BID token bilang ang pamamahalang token ng network, na nagbibigay sa mga may hawak nito ng karapatan sa pagboto at potensyal na magsumite ng mga panukala sa pamamahala — na maaaring makapagbago sa kung paano gumagana ang network kung napagbotohan ng mayorya.
Paunang inilunsad ang BID sa mga exchange noong Setyembre 2020, at maaari na ngayong ikalakal sa ilang mga platform kabilang ang mga sentralisadong exchange tulad ng Poloniex, Hoo at LBank, pati na rin ang disentralisadong exchange (DEX) Uniswap V2. Hanggang noong Oktubre 2020, wala ng available na BID sa mga kalakalang pares (trading pairs) na fiat. Upang matutunan kung paano bumili ng iba pang cryptocurrencies gamit ang fiat, iklik dito.