-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Bitcoin SV ay ang resulta ng maraming drama sa BTC blockchain.
Nagsimula ang lahat ng ito noong nagdusa ang Bitcoin sa isang radikal na pagbabago o hard fork taong 2017 na naghati sa network at nagresulta sa paglikha ng isang bagong altcoin na tinawag na Bitcoin Cash.
Isang taon ang nakalipas, noong 2018, nagdusa ng sarili niyang radikal na pagbabago (hard fork) ang Bitcoin Cash, at isinilang ang Bitcoin SV.
Itinuturing ng Bitcoin SV (SV ay nangangahulugan na Satoshi Vision) ang sarili nito bilang ang orihinal na Bitcoin — isang cryptocurrency na nananatiling totoo sa mga layunin ng tagapagtatag na may alyas na Satoshi Nakamoto.
Kasama sa mga pangunahing pakay ng BSV ay ang paghahatid ng katatagan at pagtamo ng kakayahang magproseso ng maramihang transaksyon (scalability) , isang bagay na nahirapang makamit ng orihinal na BTC blockchain.
Sinasabi ng website ng proyekto: "Ang Bitcoin SV ay naglalayong magkaloob ng isang malinaw na pagpipilian para sa mga tagapagmina at pinahihintulutan ang mga negosyo na bumuo ng mga aplikasyon at website dito nang may buong pagtitiwala.
Ang isang taong na malapitang nauugnay sa paglikha ng Bitcoin SV ay ang negosyanteng Australyano na si Craig Wright, na umaangkin na siya si Satoshi Nakamoto. Siya ang tagapagtatag ng kumpanyang fintech na nChain, at nagsulong pabor sa radikal na pagbabago (hard fork) dahil hindi niya sinang-ayunan ang mga binagong panukala na ipinuwesto para sa BSV.
Ang negosyanteng si Calvin Ayre ay isa ring matining na tagasuporta ng Bitcoin SV, at regular na naghahangad ng mga oportunidad sa pamumuhunan sa mga proyektong itinayo sa itaas ng blockchain.
May ilang merkado o market na inaasahang itarget ng BSV — at mga kaso ng paggamit na gusto nitong makamit na sinasabi ng mga tagapagtaguyod (advocates) ay hindi kayang ibigay ng mga tulad ng Bitcoin at Bitcoin Cash.
Tinuturing ng ilan ang BTC bilang isang mapanghakang (speculative) asset, kaysa sa isang asset na akmang-akma sa pang-araw-araw na pagbabayad. Sa kabilang banda, inaangkin ng BSV na kaya nitong "palitan ang bawat sistema ng pagbabayad sa mundo ng isang may mas mahusay na karanasan para sa user, mas murang gastusin, at mas ligtas na antas ng seguridad.
Gusto rin ng Bitcoin SV na maglingkod bilang isang enterprise blockchain solution para sa mga kumpanyang interesado na matuto nang higit pa tungkol sa kung ano ang maiaalok ng teknolohiyang ito.
Kapag ikukumpara sa kanyang mga mas nakatatandang kapatid, nilalayon rin ng BSV na umangat sa perspektibo ng scalability . Inihahayag ng Bitcoin SV na may mas malaking sukat ito ng block kaysa sa mga nauna sa kanya, at bilang resulta, nakakaya nitong panghawakan ang mas maraming transaksyon sa pang-araw-araw.
Alamin ang tungkol sa BCH, ang pinagsangahan ng altcoin BSV
Paano maikukumpara ang BSV sa BTC at BSV sa pagraranggo?
Malaman ang higit pa tungkol sa Bitcoin sa pamamagitan ng crypto basics ng CMC Alexandria
CoinMarketCap Blog: Ang pinakabagong analisis sa Bitcoin at altcoin
Bagaman nilalayon ng BSV na mag-alok ng ilang konkretong pagpapabuti sa BTC, may ilang bagay na patuloy na may pagkakapareho ang dalawang cryptocurrency na ito: ang kanilang pinakamataas o maximum supply na 21 milyon.
Tulad din ng Bitcoin, sumasailalim din ang Bitcoin SV sa halvings , kung saan ang block rewards para sa mga tagapagmina ay nababawasan ng 50%. Ang tanging pagkakaiba lamang, samantalang ang Bitcoin ay nagkaroon ng tatlo sa mga kaganapang ito – noong 2012, 2016 at 2020 – ang Bitcoin SV ay nagkaroon lamang ng isa.
Ang pagkakatulad ay hindi nagtatapos dito. Gumagamit rin ang Bitcoin SV ng proof-of-work konsensus na mekanismo. Sakaling pamilyar ka sa konseptong ito, heto ang isang paalala: bago idagdag ang isang block sa isang chain, dapat na mahanap ng mga tagapagmina ang isang kasagutan sa isang kumplikadong matematikang palaisipan gamit ang kanilang kahusayan sa pagkukuwenta. Ang tagapagmina na unang makakagawa nito ay makakakuha ng isang block reward, at ang imprastrakturang ito ay tumutulong na maiwasan ang mga malisyosong pag-atake.
Nakalista ang Bitcoin SV sa malalaking exchange kabilang ang OKEx at Bitfinex — pati na rin sa dose-dosenang mas maliliit na platform. Gayunpaman, hindi ito nakalista sa Binance. Nagpasya ang kumpanyang ito na alisin sa listahan ang BSV dahil hindi natutugunan ng BSV ang mga pamantayan nito. Upang malaman nang higit pa ang tungkol sa kung paano i-convert ang fiat currencies sa crypto, iklik dito.