Front page/ Cryptocurrency/ ADA
Cardano

Cardano ADA

Rank #9 Kasama
CardanoPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.85%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.04%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

ADA Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

ADA Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Cardano

Ano ang Cardano (ADA)?

Ang Cardano ay isang proof-of-stake na blockchain plaftorm na nagsasabing ang layunin nito ay bigyang-daan ang “mga changemaker, innovator, at bisyonaryo” na magdulot ng positibong pandaigdigang pagbabago.

Naglalayon din ang open-source na proyekto na “muling ipamahagi ang kapangyarihan mula sa mga hindi nananagot na istruktura patungo sa mga laylayan hanggang sa mga indibidwal” — na nakatutulong na lumikha ng lipunan na mas ligtas, walang inililingid, at makatarungan.

Itinatag ang Cardano noong 2017, at dinisenyo ang ADA token para matiyak na ang mga may-ari ay makakalahok sa operasyon ng network. Dahil dito, ang mga may hawak ng cryptocurrency ay may karapatang bumoto sa anumang mga ipinanukalang pagbabago sa software.

Sinasabi ng team na nasa likod ng layered blockchain na nagkaroon na ng ilang kamangha-manghang use case para sa teknolohiya nito, na naglalayong pahintulutang mabuo ang mga desentralisadong app at smart contract nang may modularity.

Ginagamit ang Cardano ng mga kumpanya sa agrikultura para subaybayan ang sariwang ani mula sa bukid patungo sa hapag-kainan, habang ang iba pang mga produkto na binuo sa platform ay pinapayagang maitago ang mga pang-edukasyong kredensyal sa paraang hindi napapakialaman, at masupil ng mga retailer ang mga pekeng paninda.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Cardano?

Itinatag ang Cardano ni Charles Hoskinson, na isa rin sa mga katuwang na tagapagtatag ng Ethereum network. Siya ang CEO ng IOHK, ang kumpanyang bumuo sa blockchain ng Cardano.

Sa isang panayam para sa Crypto Titans series ng CoinMarketCap, sinabi ni Hoskinson na napasok siya sa mga cryptocurrency noong 2011 — at nilaro-laro niya ang mining at trading. Ipinaliwanag niya na ang kanyang unang propesyonal na pagkakasangkot sa industriya ay dumating noong 2013, noong gumawa siya ng kurso tungkol sa Bitcoin na kalaunan ay kinuha ng 80,000 estudyante.

Bukod sa pagiging isang negosyante sa teknolohiya, isa ring mathematician si Hoskinson. Noong 2020, nag-donate ang kanyang kumpanya sa teknolohiya ng ADA na nagkakahalaga ng $500,000 sa Blockchain Research and Development Lab ng University of Wyoming.

Ano ang Nagpapabukod-tangi sa Cardano?

Isa ang Cardano sa pinakamalalaking blockchain na matagumpay na gumamit ng proof-of-stake consensus mechanism, na hindi gaanong intensibo sa enerhiya kaysa sa proof-of-work algorithm na ginagamit ng Bitcoin. Bagama't mag-a-upgrade ang mas malaking Ethereum papunta sa PoS, mangyayari lang ang transisyong ito nang unti-unti.

Ipinagmamalaki ng proyekto ang pagtiyak na lahat ng teknolohiyang binuo ay dumaraan sa isang proseso ng peer-reviewed na pananaliksik, ibig sabihin, maaaring hamunin ang mga mapangahas na ideya bago i-validate ang mga ito. Ayon sa team ng Cardano, ang kahigpitang pang-akademiko na ito ay nakatutulong sa blockchain na maging matibay at matatag — pinapataas ang tsansa na maagapan nang maaga ang mga potensyal na hindi inaasahang panganib.

Noong 2020, nagdaos ang Cardano ng Shelley upgrade na naglayong gawing “50 hanggang 100 beses na mas desentralisado” ang blockchain nito kaysa sa iba pang malalaking blockchain. Noong panahong iyon, hinulaan ni Hoskinson na ito ang magbibigay-daan para tumakbo ang daan-daang asset sa network nito.

Mga Kaugnay na Page:

Basahin ang aming panayam sa tagapagtatag ng Cardano na si Charles Hoskinson

Malalim na pagsusuri sa teknolohiya sa likod ng Ethereum 2.0

Pagbutihin ang kaalaman tungkol sa mga kumplikadong termino ng crypto gamit ang aming glossary

Tingnan ang aming iba pang mga panayam kasama ang mga bigatin sa crypto

Gaano Karaming Cardano (ADA) Coin ang Nasa Sirkulasyon?

May maximum na supply na 45 bilyong ADA — ngunit noong naisulat ang artikulong ito, may umiikot na supply na humigit-kumulang 31 bilyon. Limang round ng pampublikong pagbebenta ng mga Cardano token ang ginanap sa pagitan ng Setyembre 2015 at Enero 2017.

Humigit-kumulang 2.5 bilyong ADA ang inilaan sa IOHK sa pagkalunsad ng network. Samantala, nagbigay ng karagdagang 2.1 bilyong ADA sa Emurgo, isang pandaigdigang kumpanya ng teknolohiya ng blockchain na nagsilbing tagapagtatag na entidad ng Cardano protocol. Panghuli, 648 milyong ADA ang ibinigay sa not-for-profit na Cardano Foundation, na naglalayong itaguyod ang platform at pataasin ang mga antas ng adoption.

Sa pangkalahatan, humigit-kumulang 16% ng kabuuang supply ng ADA ang napunta sa mga tagapagtatag ng proyekto, at pinaghati-hatian naman ng mga kapitalista ang natitirang 84%.

Paano Sine-secure ang Cardano Network?

Sine-secure ang Cardano sa pamamagitan ng isang “sustenable sa kalikasan at mapapatunayang ligtas” na PoS protocol na kilala bilang Ouroboros.

Sinasabi ng proyekto na pinahuhusay ng Ouroboros ang mga garantiya ng seguridad na inihahatid ng PoW consensus mechanism habang gumagamit ng higit na mas kaunting power — ipinapahayag na apat na beses itong mas episyente sa enerhiya kaysa sa Bitcoin.

Inilalarawan ito bilang kumbinasyon ng natatanging teknolohiya at mga mekanismong nabeberipika ng matematika, na dinagdagan pa ng sikolohiya ng pag-uugali at pilosopiyang ekonomika. Sa pangkalahatan, ang layunin ng Ouroboros ay makamit ang sustenable at etikal na paglago.

Dahil sa mekanismo ng insentibo, ginagantimpalaan ang mga kalahok sa network para sa kanilang pakikisangkot.

Saan Ka Makakabili ng Cardano (ADA)?

Bilang isa sa pinakamalalaking cryptocurrency sa buong mundo pagdating sa kapitalisasyon sa market, hindi ka gaanong mahihirapan sa pagbili ng ADA sa malalaking exchange kabilang na ang Binance, Coinbase, eToro, at HitBTC.

Kung nahihirapan kang makahanap ng trading pair na ibinubuklod ang ADA sa iyong lokal na currency, tingnan ang gabay na ito sakung paano i-convert ang fiat papunta sa Bitcoin — na nagbibigay sa iyo ng gateway sa pagbili ng mga altcoin.

Mga detalye
ADA
¥ CNY

Cardano Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #9
  • Dominance sa Market
    0.85%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
    2017-09-01
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan