-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Chainlink (LINK) ay isang disentralisadong oracle network na naglalayong ikonekta ang matatalinong kontrata (smart contracts) sa mga data na galing sa tunay na mundo. Ang Chainlink ay binuo ni Sergey Nazarov, kasama si Steve Ellis bilang ang isa pang kapwa na tagapagtatag o co-founder . Nagdaos ito ng isang ICO noong Setyembre 2017, nakalikom ng $32 milyon, na may kabuuang supply na 1 billion LINK tokens.
LINK, ang cryptocurrency na likas sa disentralisadong oracle network ng Chainlink, ay ginamit para bayaran ang mga node operator. Dahil sa ang Chainlink network ay may sistema ng reputasyon, ang mga node provider na may malalaking halaga ng LINK ay maaaring magantimpalaan ng mas malalaking kontrata, habang ang kabiguan naman na maghatid ng tumpak na impormasyon ay nagreresulta sa kabawasan ng mga token. Inilalarawan ng mga tagapagbuo (developers) ang LINK bilang "isang ERC20 token, na may karagdagang ERC223 'transfer and call' na punsyon ng transfer (address, uint256,bytes), na nagpapahintulot sa mga token na matanggap at maproseso sa pamamagitan ng mga kontrata sa loob ng isahang (single) transaksyon." Kasunod ng 2017 $32 milyon LINK ICO, ang 32 porsyento ng LINK tokens ay ipinadala sa mga node operator para mahikayat ang ecosystem at 30 porsyento ay nanatili sa loob ng Chainlink para sa pagpapaunlad (35 porsyento ay ibinenta sa pampublikong bentahan ng token).
Ang Chainlink ay isang plataporma na naglalayong ugnayin ang puwang sa pagitan ng mga matatalinong kontrata na nakabatay sa teknolohiya ng blockchain (na pinalaganap ng Ethereum), at mga aplikasyon sa tunay na mundo. Dahil ang mga blockchain ay hindi makapagaakses ng data sa labas ng kanilang network, kailangan ng oracles (isang instrumentong defi) na gagana bilang data feeds sa mga matatalinong kontrata. Sa kaso ng Chainlink, ang oracles ay nakakonekta sa Ethereum network. Nagbibigay ang Oracles ng panlabas na data (hal. temperatura, lagay ng panahon) na nakapagpapasimula na paganahin ang matalinong kontrata (smart contract) sa sandaling matugunan nito ang mga paunang natukoy na kondisyon. Ang mga kalahok sa Chainlink network ay pinasisigla (sa pamamagitan ng gantimpala o rewards) para magbigay ng matatalinong kontrata na may akses sa panlabas na mga data feed tulad ng API information. Sakaling ang mga user ay magnais ng akses sa off-chain data, maaari silang magsumite ng isang kontrata ng paghiling (requesting contract) sa network ng Chainlink. Ang mga kontratang ito ay itutugma ang kontrata ng paghiling sa naaangkop na oracles. Ang mga kontrata ay may kasamang isang kontrata ng reputasyon, isang tugma sa order o order-matching na kontrata at isang nakapagtitipon o aggregating na kontrata. Ang nakapagtitipon na kontrata ay nagtitipon ng data ng mga piling oracles upang mahanap ang pinaka-tumpak na resulta.
Makakabili ka ng Chainlink (LINK) sa anumang exchange na sinusuportahan ang digital currency. Para sa pinakabagong listahan ng mga exchange at trading pair para sa cryptocurrency na ito, mag-click sa aming market pairs tab.