-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Compound ay isang DeFi na protokol sa pagpapautang na nagpapahintulot sa mga user na kumita ng interes sa kanilang mga cryptocurrency sa pamamagitan ng pagdedeposito ng mga ito sa isa sa ilang pool na sinusuportahan ng platform.
Kapag nagdeposito ang isang user ng mga token sa isang Compound pool, nakakatanggap sila ng mga cToken bilang kapalit. Ang mga cToken na ito ay kumakatawan sa stake ng indibidwal sa pool at magagamit upang matubos anumang oras ang basehang cryptocurrency na paunang idineposito sa pool. Halimbawa, sa pagdedeposito ng ETH sa isang pool, makakatanggap ka ng cETH bilang kapalit. Sa paglipas ng panahon, ang halaga ng palitan ng mga cToken na ito sa basehang asset ay tumataas, na nangangahulugan na maaari mong tubusin ang mga ito para sa higit pa sa mga basehang asset kaysa sa pauna mong inilagay — ganito ipinamamahagi ang interes.
Sa kabaligtarang aspeto, ang mga humihiram ay maaaring kumuha ng nakasigurong pautang mula sa alinmang Compound pool sa pamamagitan ng pagdedeposito ng collateral. Ang maximum na loan-to-value (LTV) ratio ay nagkakaiba-iba batay sa collateral na asset, ngunit kasalukuyang sumasaklaw mula 50 hanggang 75%. Ang ibinabayad na rate ng interes ay nagkakaiba-iba ayon sa hiniram na asset at ang mga humihiram ay maaaring maharap sa awtomatikong liquidation kung ang kanilang collateral ay bababa sa isang partikular na tukoy na limitasyon para sa pagmementena (maintenance threshold).
Mula nang ilunsad ang Compound mainnet noong Setyembre 2018, mabilis na lumobo ang kasikatan ng platform, at kamakailan lang ay lumampas na sa mahigit $800 milyon ang kabuuan ng halagang naka-lock.
Ang Compound ay itinatag noong 2017 nina Robert Leshner at Geoffrey Hayes, na kapwa nagtrabaho dati sa matataas na katungkulan sa Postmates — isang online na serbisyo sa paghahatid ng pagkain. Silang dalawa ay patuloy na humahawak ng mga ehekutibong posisyon sa Compound Labs, Inc — ang software development firm sa likod ng Compound protocol, kung saan si Leshner ay kasalukuyang nagsisilbi bilang CEO, habang si Hayes ay ang CTO.
Bagama't ang parehong tagapagtatag ay may karanasan sa pagtatatag ng matatagumpay na kumpanya, si Robert Leshner, sa partikular, ay dati nang aktibo sa pagtulong na palaguin ang espasyo ng blockchain, at pampublikong namuhunan sa mga sikat na crypto platform kabilang ang Argent Wallet, Opyn, at Blockfolio.
Ang team ng Compound ay binubuo na ngayon ng higit sa isang dosenang indibidwal — halos kalahati sa kanila ay nagtatrabaho bilang mga inihinyero.
Ayon sa Compound, ang mayorya ng mga cryptocurrency ay hindi kumikilos sa mga exchange platform, at walang nagagawa para sa mga may-ari nito. Ang Compound ay naglalayong baguhin ito gamit ang bukas na platform nito sa pagpapautang, na pinahihintulutan ang sinuman na nagdedeposito ng mga suportadong Ethereum token na kumita ng interes sa madaling paraan sa kanilang balanse o kumuha ng isang nakasigurong pautang — ang lahat ng ito ay sa paraang hindi nangangailangan ng tiwala ng isa't isa.
Ang pamamahala sa komunidad na ginagawa ng Compound ay ang nakapagbubukod-tangi sa kanya mula sa iba pang kahalintulad na protokol. Ang mga may-ari ng likas na governance token ng platform — ang COMP — ay maaaring magpanukala ng mga pagbabago sa protokol, magdebate at bumuto kung magpapatupad ng mga pagbabago na iminungkahi ng ibang tao — nang walang anumang pagkakasangkot na manggagaling sa team ng Compound. Maaaring kabilang dito ang pagpili kung aling mga cryptocurrency ang bibigyan ng karagdagang suporta, pag-aakma ng mga collateralization factor, at paggawa ng mga pagbabago sa kung paano ipinamamahagi ang mga COMP token.
Ang mga COMP token na ito ay maaaring mabili mula sa mga third-party exchange o maaaring kitain sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Compound protocol, tulad ng pagdedeposito ng mga asset o pagkuha ng pautang.
Alamin ang tungkol sa Aave — isa sa mga pinakamalaking kakumpitensya ng Compound.
Basahin ang tungkol sa yearn.finance — ang isa sa mga unang protokol sa yield farming.
Gusto mo bang tumaas pa ang iyong kaalaman sa crypto? Tingnan ang CMC Alexandria.
Basahin ang aming blog upang manatiling naaabisuhan sa mga pinakabagong balita at kaganapan sa industriya.
Tulad ng maraming digital asset, may naitakdang bilang lang ng mga COMP token na iiral kailanman. Ang kabuuang supply ay naka-cap sa 10 milyong COMP at sa oras na sinusulat ito, wala pa sa isang katlo ang nasa sirkulasyon (~3.3 milyon).
Sa 10 milyong token na ito, mahigit 4.2 milyong token lang ang maipapamahagi sa mga user ng Compound sa loob ng 4 na taon. Ang ikalawang pinakamalaking allotment (halos 2.4 milyong COMP) ay napupunta sa mga shareholder ng Compound Labs, Inc, samantalang 2.2 milyong token ang maipapamahagi sa mga tagapagtatag ng Compound at kasalukuyang team na may 4 na taong iskedyul ng paggawad.
Sa huli, 775,000 COMP ang nakareserba para sa mga insentibo ng pamamahala sa komunidad at ang natitirang 332,000 token ang ilalaan sa mga miyembro ng team sa hinaharap.
Ang eksaktong rate sa pagpapalabas ng COMP ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon, dahil ang mga bumoboto ay kayang dagdagan o bawasan ang rate ng pagpapalabas sa pamamagitan ng pagpasa ng isang panukala gamit ang pamamahala sa komunidad.
Ang lahat ng bagay sa Compound ay awtomatikong inaasikaso ng mga smart contract, na kumikilos upang gumawa ng mga cToken pagkatapos maideposito ang mga Ethereum at ERC20 asset, at pinahihintulutan ang mga user ng Compound na matubos ang kanilang stake gamit ang kanilang mga cToken.
Nagpapatupad ang protokol ng isang collateralization factor para sa lahat ng asset na sinusuportahan ng platform, tinitiyak na ang bawat pool ay sobra sa collateral sa lahat ng oras. Kung ang collateral ay bababa sa minimum na antas ng pagmementena, ibebenta ito sa mga liquidator sa 5% diskwento, binabayaran ang ilang bahagi ng pautang at ibinabalik ang natitirang bahagi sa isang katanggap-tanggap na collateralization factor.
Ang ganitong areglo ay tumutulong na tiyakin na napapanatili ng mga humihiram ang mga antas ng kanilang collateral, na nagbibigay ng pananggalang o safety net para sa mga nagpapautang, at lumilikha ng oportunidad na kumita ang mga liquidator.
Ang COMP ay kasalukuyang available na i-trade sa daan-daang cryptocurrency exchange platform, kabilang ang Coinbase Pro, Binance at Huobi Global. Maaari itong ipang-trade laban sa karamihan ng iba pang sikat na cryptocurrency, pati na sa hanay ng mga fiat currency, kabilang ang US Dollar (USD), Indian rupee (INR) at Australian dollar (AUD).
Hindi sigurado kung paano mag-convert ng fiat papunta sa mga cryptocurrency tulad ng COMP? Alamin ang higit pa dito.