-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Sa maikling pananalita, itinuturing ng Cosmos ang sarili nito bilang isang proyekto na lumulutas sa ilan sa "mga pinakamahirap na problema" na kinahaharap ng industriya ng blockchain. Naglalayon itong mag-alok ng isang pangontra para sa "mabagal, mahal, hindi produktibo at nakapananakit sa kapaligiran" na proof-of-work protocols, tulad ng mga ginagamit ng Bitcoin, sa pamamagitan ng pag-aalok ng isang ecosystem ng mga konektadong blockchain.
Kasama sa iba pang mga layunin ng proyekto ay bawasan ang pagka-kumplikado ng teknolohiyang blockchain at gawing hindi mahirap para sa mga tagapagbuo o developers , salamat sa isang modular framework na pinalilinaw at ginagawang madali ang mga disentralisadong app. At ang hindi pahuhuli, ginagawang mas madali ng isang Interblockchain Communication protocol para sa mga network ng blockchain na makipag-usap sa isa't isa — iniiwasan ang pagkakawatak-watak sa industriya.
Ang mga pinagmulan ng Cosmos ay maaaring tuntunin pabalik sa taong 2014, noong ang isang pinakabuod na kontribyutor sa network, ang Tendermint, ay naitatag. Noong 2016, isang white paper para sa Cosmos ang inilathala — at ginanap ang isang bentahan ng token sa sumunod na taon.
Ang ATOM tokens ay kinikita sa pamamagitan ng isang hybrid proof-of-stake na algoritmo, at sila ay tumutulong na panatilihing secure ang Cosmos Hub, ang flagship blockchain ng proyekto. Ang cryptocurrency na ito ay mayroon ding tungkulin sa pamamahala ng network.
Ang mga kapwa tagapagtatag ng Tendermint — ang gateway sa Cosmos ecosystem — ay sina Jae Kwon, Zarko Milosevic at Ethan Buchman. Bagaman si Kwon ay nakalista pa rin bilang ang pinakapunong arkitekto, bumaba siya bilang CEO noong 2020. Iginigiit niya na bahagi pa rin siya ng proyekto ngunit pangunahing nagpopokus sa iba pang mga inisyatiba.
Siya ngayon ay napalitan na ni Peng Zhong bilang CEO ng Tendermint, at ang buong board of directors ay nabigyan ng malaking pananariwa. Kabilang sa kanilang mga layunin ay ang paghusayin ang karanasan para sa mga tagapagbuo (developers), paglikha ng masigasig na komunidad para sa Cosmos at pagtatayo ng mga mapagkukunan ng kaalaman nang sa gayon ay mas maraming tao ang nakakaalam kung ano ang kaya ng network na ito.
Isang pangunahing alalahanin para sa ilan sa mga industry center ng crypto na nasa mga antas ng pagkakawatak-watak na nakikita sa mga blockchain network. Daan-daan ang umiiral sa kasalukuyan, ngunit napaka-kaunti sa kanila ang nakakayang makipag-usap sa isa't isa. Nilalayon ng Cosmos na baligtarin ito sa pamamagitan ng pagiging posible nito.
Inilalarawan ang Cosmos bilang isang “Blockchain 3.0” — at tulad ng nabanggit natin kanina, isang malaking layunin ang nagtitiyak na ang imprastraktura nito ay madali nang magagamit. Hanggang sa ngayon, ang Cosmos software development kit ay nagpopokus sa modularity (ang kakayahan ng sistema na maipagtarya-tarya at muling maipagsama). Nakapagpapahintulot ito sa madaliang pagtatayo ng isang network gamit ang mga tipak ng code na umiiral na. Sa pangmatagalan, inaasahan na ang mga kumplikadong aplikasyon ay magiging madaling buuin bilang resulta.
Ang scalability o ang kakayahang magproseso ng maramihang transaksyon ay isa pang prayoridad, nangangahulugan na mas higit na transaksyon ang naipoproseso sa isang segundo kaysa sa mga makalumang blockchain tulad ng Bitcoin at Ethereum. Kung sakali mang makamit ng mga blockchain ang adopsyon ng mainstream (popular na pagtanggap), kakailanganin nilang magawang makaangkop sa mga pangangailangan o demand pati na rin sa umiiral na mga kumpanya o website na nagpoproseso ng bayad — o maging mas mahusay pa.
Tingnan ang mga simpleng depinisyon para sa mga salitang crypto sa aming glossary
Malaman ang tungkol sa blockchain basics gamit ang CMC Alexandria
Magbasa pa tungkol sa mga pinakabagong tampok sa aming blog
Ang ATOM ay may napakatiyak na kabuuang supply — eksaktong 260,906,513. Sa mga ito, sa oras ng pagsusulat, halos 203,121,910 ang nasa sirkulasyon. Kapaki-pakinabang na mataandaan na ang cryptocurrencies na ito ay hindi minina — sa halip ang mga ito ay kinita sa pamamagitan ng staking o pamumuhunang taya.
Dalawang pribadong bentahan ang ginanap noong Enero 2017, na sinundan ng isang pampublikong bentahan noong Abril ng taong yon. Nakalikom ito ng kabuuang $16 na milyon, na katumbas ng halos $0.10 kada ATOM.
Sa pagtatarya-tarya ng distribusyon ng token, halos 80% ay inilalaan sa mamumuhunan, habang ang natitirang 20% ay hinati sa pagitan ng dalawang kumpanya: All In Bits at ang Interchain Foundation.
Ikinumpara ng Cosmos ang ATOM tokens sa ASICS na ginamit dati para magmina ng Bitcoin. Bilang paliwanag ng isang teknikal na papel na isinulat ng Tendermint team : "Ito ay isang piraso ng virtualized hardware (pang-ekonomiyang kapital) na kailangan mong makuha upang makilahok bilang isang tagapag-ingat (keeper) sa network."
Tulad ng ating nabanggit kanina, gumagamit ang Cosmos ng isang proof-of-stake konsensus na algoritmo. Ang validator nodes na tumataya ng puhunan sa mas maraming bilang ng ATOM tokens ay mas malamang na mapili para magberipika ng mga transaksyon at kumita ng rewards. Ang nodes na natuklasang kumikilos nang hindi matapat ay pinarurusahan — at maaaring sa huli ay mawala ang tokens na kanilang pamumuhunang taya.
Dahil sa laki ng Cosmos, available na ito ngayon sa ilang bilang ng malalaking exchange — kabilang ang malalaking pangalan tulad ng Binance, Coinbase at OKEx. Posibleng makahanap ng mga pangangalakal na pares o trading pairs na may bilang ng fiat currencies, at maaari mong malaman ang higit pa tungkol sa proseso ng pag-convert ng mga dolyar at euro sa crypto dito.