-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Curve ay isang disentralisadong exchange para sa stablecoins na gumagamit ng isang inawtomatikong market maker (AMM) para pangasiwaan ang pagka-likida.
Inilunsad noong Enero 2020, ang Curve ngayon ay kasing-kahulugan na ng kababalaghan o phenomenon ng disentralisadong pinansya (DeFi), at nakitaan ng malaking paglago sa kalahati ng 2020.
Noong Agosto, inilunsad ng Curve ang isang decentralized autonomous organization (DAO), kung saan ang CRV ay ang kanyang in-house token. Ang DAO ay gumagamit ng kasangkapan sa paglikha na batay sa Ethereum na tinatawag na Aragon para ikonekta ang maramihang matatalinong kontrata na ginagamit para sa nakadepositong paglikida ng mga user. Ang mga isyu tulad ng pamamahala, gayunpaman, ay naiiba mula sa Aragon pagdating sa paninimbang at iba pang mga bagay.
Ang tagapagtatag at CEO ng Curve ay si Michael Egorov, isang Russian scientist na may iba't ibang karanasan sa mga negosyong may kinalaman sa cryptocurrency.
Noong 2015, kapwa niya itinatag at naging CTO ng NuCypher, isang imprastraktura at mga protokol sa pagtatatag ng pagpapanatili ng pagkapribado sa negosyo ng cryptocurrency.
Si Egorov din ang tagapagtatag ng disentralisadong bangko at loan network na Loancoin.
Ang regular na team ng Curve ay bahagi ng istraktura sa paglalaan ng CRV, at tatanggap ng mga token ayon sa dalawang taong iskedyul ng vesting bilang bahagi ng plano sa paunang paglulunsad.
Noong Agosto 2020, sinabi ni Egorov na "labis ang kanyang reaksyon" sa pag-lock ng isang malaking halaga ng CRV tokens bilang pagtugon sa kapangyarihang bumoto ng yearn.finance, na naggawad sa sarili nito ng 71% ng pamamahala sa proseso.
Nagkamit ang Curve ng malaki-laking atensyon sa pagsunod sa kanyang konsiderasyon bilang isang AMM na partikular para sa pangangalakal ng stablecoin.
Ang paglunsad ng DAO at CRV token ay nagdala ng karagdagang kakayahan na kumita, dahil sa paggamit ng CRV ng pamamahala, dahil na rin ito ay igginawad sa mga user batay sa katapatan sa paglikida at haba ng pagmamay-ari.
Ang paglaganap sa kalakalan sa Disentralisadong Pinansya o DeFi ay nagtiyak sa ikatatagal ng Curve, na may malalaking halaga ng paglikida mula sa mga AMM at nauugnay na mga kita ng user.
Dahil dyan, nagsisilbi ang Curve sa sinumang sangkot sa mga aktibidad ng DeFi tulad ng yield farming at liquidity mining, pati na rin sa mga naghahanap na sagarin ang balik (returns) sa kanilang pamumuhunan nang walang peligro ng paghahawak ng pinaniniwalaang hindi nagbabago-bagong stablecoins.
Nakakagawa ng pera ang platform sa pamamagitan ng paniningil ng isang makatwirang bayarin na ibinabayad sa mga tagapaglikida o liquidity providers.
Alamin ang higit pa tungkol sa Uniswap (UNI) dito.
Alamin ang higit pa tungkol sa SushiSwap (SUSHI) dito.
Baguhan sa cryptocurrency? Kunin ang lahat ng impormasyon na kailangan mo tungkol sa industriya gamit ang Alexandria, ang dedikadong mapagkukunan ng kaalaman ng CoinMarketCap.
Naglunsad ang (CRV) noong Agosto 2020, kasama ang Curve DAO. Ang pakay nito ay ang gumana bilang isang daluyan ng pamamahala, istraktura ng insentibo at pamamaraan sa pagbabayad ng bayarin, kasama ang pangmatagalang paraan ng kita para sa mga tagapaglikida.
Ang kabuuang supply ng CRV ay 3.03 bilyong token, ang mayorya dito (62%) ay ipinamamahagi sa mga tagapaglikida. Ang natitira ay hinahati-hati bilang sumusunod: 30% sa mga shareholder, 3% sa mga empleyado at 5% sa isang reserba ng komunidad. Ang mga alokasyon ng shareholder at empleyado ay may dalawang taong iskedyul ng vesting.
Ang CRV ay walang paunang pagmina, at ang unti-unting pag-unlock ng tokens ay nangangahulugan na halos 750 milyon ang dapat na nasa sirkulasyon isang taon pagkatapos ng paglunsad.
Dala-dala ng Curve ang mga pamantayang peligro na nauugnay sa pagdedeposito ng mga pondo sa matatalinong kontrata at pakikitungo sa mga AMM, pinangalanan itong hindi permanenteng pagkalugi.
Dahil sinusuportahan lamang ng Curve ang stablecoins, ang peligro ng mga market na kumikilos nang napakabilis ay nababawasan, ngunit maaari pa ring malugi ng pera ang mga user sa oras na ang mga market ay muling ibalanse para salaminin ang mga cross-market na presyo.
Ang Curve ay na-audit na, ngunit wala itong nagagawa para kontrahin ang mga panganib na sangkot sa pagkakalantad sa isang partikular na cryptocurrency.
Ang CRV ay isang malayang naikakalakal na token at available laban sa pares ng cryptocurrency, stablecoin at fiat currency sa mga malalaking exchange.
Kabilang rito ang Binance, OKEx at Huobi Global, na may hawak ng pinakamalaking bahagi ng volume ng kalakalan hanggang noong Setyembre 2020.
Baguhan sa cryptocurrency at gustong malaman kung paano bumili ng Bitcoin (BTC) o anumang iba pang token? Tingnan ang mga detalye dito.