-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Dash ay isang bukas na mapagkukunang blockchain at cryptocurrency na nakapokus sa pag-aalok ng isang mabilis, murang network sa pandaigdigang pagbabayad na likas na disentralisado. Ayon sa white paper ng proyekto, hinahangad ng Dash na pabutihin ang Bitcoin (BTC) sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas matibay na privacy at mas mabibilis na transaksyon.
Ang Dash, na ang pangalan ay nagmula sa "digital cash" ay inilunsad noong Enero 2014 bilang isang pagbabago o sangay ng Litecoin (LTC). Mula nang mag- live , lumago na ang Dash para isama ang mga tampok tulad ng dalawang-tier network na may pinasiglang node, kabilang na ang "masternodes," at disentralisadong proyekto sa pamamahala; ang InstantSend, na nagbibigay-daan para sa agarang pagbabayad; ang ChainLocks, na ginagawang hindi basta-basta matitinag ang Dash blockchain; at PrivateSend, na nag-aalok ng karagdagang opsyonal na privacy para sa mga transaksyon.
Ang Dash ay itinatag ng mga tagapagbuo ng software na sina Evan Duffield at Kyle Hagan. Orihinal na tinawag ang proyekto bilang XCoin, na nagpalit ng kanyang pangalan sa Darkcoin dalawang linggo kalaunan bago ang muling pagpapalit tatak nito sa Dash noong Marso 2015 sa pagsusumikap na positibong baguhin ang kanyang imahe.
Bago ilunsad ang Dash, si Duffield ay isang tagapagbuo (developer) ng software na may karanasan sa pinansya, mula sa kanyang oras ng pagtatrabaho sa Hawk Financial Group, pati na rin sa pampublikong pakikipag-ugnayan (public relations), na nakapagbuo na ng mga algoritmo ng machine learning at search engines. Kanyang unang pinasimulan ang Dash noong 2012 bilang paraan para magdagdag ng higit na walang pagkakakilanlan sa Bitcoin — kaya naman, orihinal itong tinawag na Darkcoin. Ipinahayag ni Duffield na kanyang sinimulan ito bilang isang hobby, na nag-coding dito sa loob ng isang wikend lang. Naglingkod si Duffield bilang CEO ng Dash Core Group — ang kumpanya na sumusuporta sa patuloy na pag-unlad, integrasyon at iba pang mga aktibidad ng Dash - hanggang Disyembre 2017 nang siya'y nagbitiw upang magpokus sa iba pang mga estratehikong inisyatibo.
Kapwa itinatag ni Hagan kasama si Duffield ang orihinal na Darkcoin whitepaper. Gayunpaman, kanyang nilisan nang maaga ang proyekto noong Disyembre 2014.
Ayon sa kanyang website, ang layunin ng Dash ay "upang maging ang pinakamadaling gamitin at nakakaangkop na nakapokus sa pagbabayad na cyptocurrency sa mundo." Upang maisakatuparan ito, ang proyekto ay umaasa sa isang network ng masternodes, mga server na inaalalayan sa pamamagitan ng kolateral na pinanghahawakan sa Dash na idinisenyo upang secure na makapagbigay ng mga masusulong na serbisyo at pamamahala sa sistema ng panukala ng Dash. Kapalit ng bahagi ng block rewards, ang masternodes ay nagbibigay ng pangalawang patong ng mga serbisyo sa network. Pinadadali nila ang mga punsyon tulad ng InstantSend, PrivateSend at ChainLocks.
Isinusulong ang Dash sa parehong mga indibidwal na user at institusyon, kabilang ang mga negosyante, pinansyal na serbisyo, mangangalakal at mga taong kailangang magpadala ng internasyonal na remittance. Noong Oktubre 2020, iniulat ng Dash Core Group na ang mga estratehikong layunin sa pag-usad ay kinabibilangan ng pagtatayo ng kanyang ecosystem at tatak, pagtitiyak na nasisiyahan ang mga user at higit pang naisusulong ang teknolohiya sa likod ng network.
Ang sistema ng pamamahala ng Dash, o tesorerya nito, ay namamahagi ng 10% ng block rewards para sa pagpapaunlad ng proyekto sa isang mapagkumpitensya at disentralisadong paraan. Pinahintulutan nito ang paglikha ng maraming pinondohang organisasyon, kabilang ang Dash Core Group. Bukod pa rito, ang Dash Foundation, na nagtataguyod ng adopsyon ng cryptocurrency, ay tumatanggap ng mga donasyon at nag-aalok ng bayad na indibidwal at institusyonal na mga pagkakasapi (membership).
Matutunan ang higit pa tungkol sa Litecoin, ang cryptocurrency kung saan hinugot ang Dash.
Matutunan ang tungkol sa XRP, isa pang cryptocurrency na nag-aalok ng network ng instant na pagbabayad
Gusto ng tips sa pagpapanatiling ligtas ng iyong Dash? Basahin ang isang malalimang gabay sa kaligtasan ng crypto sa Alexandria, ang mapagkukunan ng kaalaman online ng CoinMarketCap.
Manatiling napapanahon sa mga pinakabagong balita sa cryptocurrency gamit ang CoinMarketCap Blog.
Ang pinakamataas na bilang ng Dash tokens na maaaring iisyu ay 18,921,005. Gayunpaman, ang numerong ito sa huli ay depende sa kung paano ang pamamahala ay magpapasyang ilaan ang 10% ng block rewards na nakareserba para sa mga panukala sa badyet. Kung walang inilalaan, 17,742,696 DASH lamang ang mailalabas kailanman. Ang mga bagong Dash token ay nalilikha sa pamamagitan ng isang proof-of-work na algoritmo sa pagmimina kung saan ang token emission rate ay nabawasan ng isang-labing-apat, o humigit-kumulang 7%, sa bawat 210,240 blocks, o halos kada 383 araw.
Humigit-kumulang 45% ng bagong DASH ay iginagawad sa mga tagapagmina, 45% sa masternodes at 10% upang pondohan ang mga panukala sa hinaharap. Noong Agosto 2020, isang panukala ang inaprubahan, na sa oras na maging epektibo, ay babaguhin ang ratio ng coins na iginagawad sa mga tagapagmina at masternodes mula 50/50 hanggang 40/60, ayon sa pagkakabanggit.
Sa loob ng unang 48 oras ng paglulunsad ng Dash, tinatayang 2 milyong coins ang namina, na nilalagpasan nang malaki ang planadong iskedyul sa pagpapalabas. Ang Dash ay orihinal na nahugot mula sa Litecoin, na dumanas ng isang katulad na isyu sa kanyang paglulunsad dahil sa isang bug sa kanyang algoritmo ng pagsasaayos sa kahirapan ng pagmimina. Habang mahusay na dinokumento na minana ng Dash ang bug mula sa Litecoin, ganunpaman ay mayroong laganap na haka-haka kung ang kinalabasang fastmine ay sinadya upang makinabang ang mga maagang tagapagmina.
Gumagamit ang Dash ng dalawang-tier network para matiyak ang mga transaksyon nito. Ang unang tier ay binubuo ng nodes na nagsasagawa ng mga operasyon ng pagmimina sa ilalim ng isang proof-of-work konsensus na protokol, na ibig sabihin ay nakikipagkumpetensya sila upang malutas ang kumplikadong mga kriptograpikong problema at hindi bababa sa 51% ng nodes ay dapat aprubahan ang isang transaksyon para maidagdag ito sa blockchain.
Ang PoW na algoritmo na ginamit ng Dash ay tinatawag na "X11" — isang kaugalian na hashing algorithm na binuo ng tagapagtatag ng Dash na si Duffield na gumagamit ng isang pagkakasunud-sunod ng 11 algoritmo. Ayon sa dokumentasyon ng Dash , ang X11 ay "isa sa mga pinakaligtas at mas sopistikadong kriptograpikong hashes na ginagamit ng modernong cryptocurrencies."
Ang ikalawang tier ay binubuo ng masternodes na tumatakbo sa ilalim ng isang proof-of-service konsensus na algoritmo kung saan ang masternodes ay nire-rate batay sa kanilang kasaysayan ng pagbibigay ng magagandang serbisyo sa network. Pinangangasiwaan ng Masternodes ang network at may kapangyarihang tanggihan ang mga bagong block na idinagdag ng mga node kung hindi wastong inaprubahan ang mga ito. Pinagagana rin nila ang tampok na ChainLocks ng Dashlocks, na nagdaragdag ng seguridad dahil bawat 12 oras, isang umiikot na grupo ng masternodes ang nag-oobserba at kinukumpirma ang lahat ng bagong blocks na idinagdag sa blockchain. Isinaad ng mga tagapagbuo (developers) ng Dash na pinoprotektahan nito ang network laban sa 51% pag-atake.
Bilang isa sa mga mas popular na altcoins, ang Dash ay maaaring mabili sa karamihan ng mga pangunahing cryptocurrency exchange, kabilang ang Binance, Coinbase Pro, Huobi Global, Kraken at OKEx. Maaari itong ikalakal laban sa fiat currencies, cryptocurrencies tulad ng Bitcoin at Ether (ETH) at stablecoins tulad ng Tether (USDT) at USD Coin (USDC). Maaari itong bilihin at ibenta sa parehong spot at mga deribatibong market.
Interesado ka bang bumili ng Dash o iba pang cryptocurrencies tulad ng Bitcoin? Ang CoinMarketCap ay may isang simple at kada hakbang na gabay para turuan ka ng lahat ng tungkol sa crypto at kung paano bumili ng una mong mga coin.