-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Tinutukoy ng Decentraland (MANA) ang sarili niya bilang isang virtual reality platform na pinalalakas ng Ethereum blockchain na nagbibigay-daan sa mga user upang lumikha, makaranas, at perahin ang nilalaman at mga aplikasyon.
Sa birtwal na mundong ito, bumibili ang mga user ng mga kapirasong lupa na maaari nilang galugarin kalaunan, pagtayuan at perahin.
Inilunsad ang Decentraland pagkatapos ng isang $24 na milyong initial coin offering (ICO) na isinagawa noong 2017. Inilunsad ng birtwal na mundo ang kanyang saradong beta noong 2019 at binuksan sa publiko noong Pebrero 2020. Mula noon, lumikha na ang mga user ng isang malawak na hanay ng mga karanasan sa kanilang mga parsela ng LUPA, kabilang ang mga interaktibong laro, naglalawakang mga eksenang 3D at samu't saring iba pang mga interaktibong karanasan.
Gumagamit ang Decentraland ng dalawang token: Ang MANA at LAND (LUPA). Ang MANA ay isang ERC-20 token na dapat tanggalin upang makakuha ng mga non-fungible ERC-721 LAND token. Ang MANA tokens ay maaari ring gamitin sa pagbabayad para sa isang hanay ng mga avatar, mga maisusuot, pangalan, at higit pa sa Decentraland marketplace.
Ang Decentraland ay kapwa itinatag nina Ariel Meilich at Esteban Ordano — parehong nagbitiw mula sa mga pangunahing posisyon sa proyekto, ngunit nagtatrabaho pa rin sa Decentraland bilang mga tagapayo.
Si Ariel Meilich ay dating hinawakan ang tungkulin ng pamumuno ng proyekto sa Decentraland sa pagitan ng 2017 at 2020, at ito ay isang de-seryeng negosyante na nagtatag ng ilang iba pang mga nagsisimulang kumpanya, kabilang ang isang online na ahensya ng pagsasalin at isang CRM platform. Nagtrabaho rin siya bilang analyst sa Charles River Ventures, isang prominenteng Silicon Valley venture fund.
Sa kabilang banda, si Esteban Ordano ay ang dating teknikal na namumuno sa Decentraland at may mahaba at sari-saring kasaysayan sa espasyo ng cryptocurrency nagtatrabaho bilang isang software engineer sa BitPay, Inc., isang tagapayo sa Matic Network at sandaling pinatakbo ang kanyang sariling development firm ng matalinong kontrata na kilala bilang Smart Contract Solutions.
Nabigyan din ng pagkilala si Esteban bilang ang kapwa tagapagtatag ng Zeppelin Solutions, isang establisyadong blockchain technology infrastructure na kumpanya.
Bagama't hindi na pinamumunuan nina Ariel at Estaban ang proyekto, patuloy pa rin ang pagpapaunlad ng Decentraland, na may mga pagsisikap na idinidirekta ng kamakailang itinayo na Decentraland Foundation.
Ang Decentraland ay binuo para sa mga tagapaglikha ng nilalaman, mga negosyo at mga indibidwal na naghahanap para sa isang bagong artistikong daluyan, pagkakataon sa negosyo, o pinagmumulan ng libangan.
Sa kabuuan, ang Decentraland gameworld — ay pinangalanan ang "Metaverse" — ito ay nahahati sa 90,601 indibidwal na mga parsela ng LUPA, na ang bawat isa ay kinakatawan ng isang ERC-721 non-fungible token. Ang bawat LUPA ay eksaktong 16m x 16m (256 metro kuwadrado) at matatagpuan sa isang partikular na koordinado sa Metaverse.
Bagama't ang mga may hawak ng LUPA ay malayang linangin ang kanilang piraso ng lupa sa anumang piliin nila, karamihan sa Metaverse ay malawak na nahahati sa ilang mga distrito, bawat isa ay may iba't ibang laki at tema. Ang mga distritong ito ay nabuo sa pamamagitan ng mga indibidwal na crowdsales (isang kaganapan sa online kung saan maaaring bumili ng cryptocurrency ang mga kalahok) para sa MANA tokens, at ang mga parsela ng LUPA sa mga distritong ito ay hindi maaaring ikalakal.
Mula noong Enero 2021, ang may temang cyberpunk na Aetheria ay ang pinakamalaking distrito — na binubuo ng kabuuang 8,008 na LUPA.
Ang Decentraland ay isa rin sa lumalaking bilang ng mga proyekto na gumagamit ng isang disentralisadong nagsasariling organisasyon (DAO) na istraktura para sa pamamahala ng mga desisyon. Bilang resulta, ang mga may hawak ng MANA token ay may kontrol sa kung paano kikilos ang mundo ng Decentraland, sa pamamagitan ng pagmumungkahi at pagboto sa mga update sa polisiya, mga detalye ng mga paparating na subastahan ng LUPA at ang mga uri ng nilalaman na pinapayagan sa Metaverse.
Bukod sa pagiging isang malikhaing outlet, maraming user ng Decentraland ang kasalukuyang pinepera ang kanilang LUPA sa pamamagitan ng pagpapaupa, pag-aanunsiyo (advertising) at mga bayad na karanasan. Gayundin, ang iba pang mga user ay nakagagawa ng kita sa pamamagitan ng paglilikha at pagbebenta ng mga item sa Decentraland marketplace para sa MANA tokens.
Tingnan ang Anrkey X (ANRX) — ang unang laro upang pagsamahin ang DeFi, e-sports, at Web 3.0.
Tingnan ang Axie Infinity (AXS) — isang digital pet universe at disentralisadong laro ng pangangalakal.
Matutunan ang higit pa tungkol sa non-fungible tokens sa CoinMarketCap Alexandria.
Kunin ang mga pinakabagong balita sa crypto at mga pinakabagong pananaw sa pangangalakal sa CoinMarketCap blog.
Hanggang noong Enero 2021, talagang 1.49 bilyon na MANA tokens ang nasa sirkulasyon. Ito ay katumbas sa halos 68% ng kasalukuyang kabuuang supply na 2.19 bilyon na MANA.
Ang orihinal na kabuuang supply ay itinakda sa 2.8 bilyong MANA, ngunit nabawasan na dahil higit sa 600 milyong MANA ay natanggal na bilang resulta ng mga subastahan (auctions) ng LUPA.
Mayroon ding isang hanay ng mga karagdagang mekanismo sa pagtatanggal ang ipinuwesto upang mas mabawasan pa ang supply sa sirkulasyon ng MANA, kabilang ang isang 2.5% na pagtanggal ng MANA sa mga transaksyon ng Decentraland marketplace.
Orihinal na dinisenyo ang MANA upang mapalobo sa 8 porsyento sa unang taon, bumababa nang dahan-dahan sa paglipas ng panahon upang mabawasan ang rate ng implasyon. Ngunit ang implasyon sa kasalukuyan ay hindi pinagana. Ayon sa glossary ng Decentraland, walang mga plano upang simulan ang implasyong ito "hanggang sa kailanganin".
Sa kabuuan, 40% ng supply ng MANA ay ibinenta sa panahon ng 2017 initial coin offering (ICO). Bukod pa rito, 20% ay nakareserba upang bigyang-insentibo ang komunidad, 20% ang napunta sa koponan ng pagbubuo (development team) at sa iba pang maaagang kontribyutor, at ang natitirang 20% ay pinanghahawakan ng Decentraland. Ang lead tokens ng proyekto ay hindi na ipinagkaloob pa.
Ang MANA ay isang ERC-20 token. Nangangahulugan na batay ito sa Ethereum blockchain.
Ang Ethereum ay sine-secure ng isang napakalaking disentralisadong network ng mga tagapagmina, na nakikipagtulungan sa libu-libong node upang matiyak na ang Ethereum blockchain—at ang MANA tokens na rin—ay protektado laban sa mga pag-atake.
Bilang isa sa mga pinakasubok na sa laban na blockchains sa pangkasalukuyang paggamit, ang Ethereum ay kasalukuyang ang pinaka-popular na network para sa cryptokens na walang sarili nilang likas na blockchain.
Kasalukuyang nagbebenepisyo ang MANA token mula sa mahusay na paglikida at maaaring bilihin, ikalakal o ibenta sa halos 100 iba't ibang mga platform ng palitan o exchange. Hanggang noong Enero 2021, ang Binance, OKEx at Coinbase Pro ay kabilang sa mga pinaka-nalilikidang exchange para sa MANA tokens. Ang isang buong listahan ng mga magagamit na merkado o market ay matatagpuan sa seksyon na "Markets".
Ang MANA sa kasalukuyan ay maaaring ikalakal laban sa Bitcoin (BTC), Tether (USDT), at Ethereum (ETH) — at maaaring bilhin na may isang hanay ng fiat currencies, kabilang ang KRW at USD.
Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka: