-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Inilunsad noong 2017, ang Dent ay isang napakabagong digital mobile operator na nag-aalok ng eSIM cards, mobile data plans, top-ups sa mga minutong pantawag at isang roaming-free na karanasan. Ayon sa website ng kumpanya, ang Dent ay nagbabayad para gamitin ang mga lakas ng blockchain technology upang lumikha ng isang pandaigdigang marketplace para sa liberalisasyon ng mobile data.
Ang Dent ay may isang ambisyosong roadmap, na may mga plano upang palawakin ang kanyang mga serbisyo sa mga bagong merkado sa katapusan ng 2021. Ang kumpanya ay nakaakit na ng higit dalawampu't limang milyong user ng mobile device, at ang mga serbisyo ng Dent ay makukuha sa mahigit 140 bansa. Ang mga negosyong nakipagpartner para sa Dent ay kinabibilangan ng Samsung Blockchain, The Enterprise Ethereum Alliance at Telecom Infra.
Si Tero Katajainen ay ang tagapagtatag at CEO ng DENT Wireless. Nakakuha siya ng master's degree na diploma sa siyensya mula sa Tampere University of Technology noong 1999. Nang makatapos, siya'y naging system administrator at java programmer sa unibersidad. Noong 2001, si Katajainen ay naging ang CTO ng Genetics AG, at noong 2003 itinatag niya ang Pocket Indian Software Solutions. Si Katajainen ay naglingkod bilang senior Java/Android consultant para sa United Nations noong 2015. Marami siyang award at pandangal na tagumpay sa larangan ng teknolohiya.
Si Mikkoko Linnamöki ay isang kapwa tagapagtatag ng DENT Wireless. Mula pa noong 2000 ay aktibo na siyang entrepreneur at negosyante. Sa pagkakaroon ng limang matatagumpay na negosyo bago itinatag ang Dent, ipinakilala ni Linnamäki ang kanyang sarili bilang "serial web-entrepreneur at Internet software pioneer." Ang kanyang pinakamatagal ng pakikipagsapalaran sa negosyo ay ang Smartseed GmbH, na matagumpay ng tumatakbo mula pa noong huling bahagi ng 2000. Mula noon, lumahok si Linnamäki sa pagtatatag ng DEVCOT, isa sa pinakamalaking bukas na mapagkukunang IMAP server sa buong mundo.
Ang Dent ay isang makabagong player sa merkado ng mga serbisyo sa mobile communications at data. Sa ngayon, halos kalahati ng populasyon ng mundo ay may limitadong akses sa mga mobile na serbisyo dahil sa matataas na presyo na inaalok ng tradisyonal na mobile carrier. Hatid ng Dent ang lakas ng blockchain technology upang mapabago ito at nagbibigay ng pandaigdigang akses sa mobile airtime at data.
Inaalis ng Dent ang pagkakaintindi na ang iyong mobile data ay nakatali sa iyong lokasyon sa pamamagitan ng pagiging isang pandaigdigang digital mobile operator. Nag-aalok ang Dent ng mga plano na angkop sa mga pandaigdigang mamamayan sa panahon ngayon sa pamamagitan ng pag-aalis ng roaming fees at pagpapakilala ng mga internasyonal na mobile plans. Lahat sa Dent platform ay binili sa pamamagitan ng DENT tokens, ibig sabihin lahat ng transaksyon ay nakatala sa blockchain, at walang tiyansa na ang isang kostumer ay magbabayad para sa isang bagay at hindi matatanggap ito. Hindi tulad ng mga tradisyonal na mobile operators, nilalayon ng Dent na gawing availalble sa buong mundo ang mobile airtime at data sa sinumang interesado, hindi alintana ang kanilang lokasyon.
Magbasa pa tungkol sa Hedera Hashgraph.
Alamin ang higit pa tungkol sa Origo.
Matutunan ang higit pa tungkol sa DApps.
Tingnan ang CoinMarketCap blog.
Ayon sa whitepaper ng kumpanya, mayroong maximum supply na 100 bilyong DENT tokens. Ang kabuuang supply sa sirkulasyon sa oras ng pagsusulat ay 93,690,412,211 DENT tokens.
Sa kabuuang supply, 8.6 bilyong DENT tokens ang naibenta sa isang nakapirming presyo na $0.0005 bawat token sa panahon ng initial coin offering (ICO). 30% ng lahat ng DENT tokens ay mananatili sa kumpanya para sa estratehikong pagkuha at market seeding, mga insentibo ng user, suweldo at bonus. Ang natitirang 70% ng token supply ay inilabas sa panahon ng paunang bentahan o pre-sale at mga kaganapan ng bentahan, at ang anumang outstanding tokens ay naka-lock up at inilalabas kada kwarter pagkatapos non.
Ang DENT ay isang ERC-20 token na nakabatay sa Ethereum. Nangangahulugan na tumatakbo ang Dent platform, salamat sa proof-of-stake (PoS) konsensus na pamamaraan. Hindi tulad ng Bitcoin, na gumagamit ng proof-of-work (PoW) konsensus na mekanismo, ang Dent ay umaasa sa malalaking stakeholders na maging nodes at tagapagpatunay ng transaksyon o transaction validators.
Marami ang mga benepisyo ng PoS konsensus na mekanismo, ngunit ang pinaka-prominente ay kinabibilangan ng scalability o ang kakayahang gumawa ng maramihang transaksyon at nabawasang konsumo sa lakas ng koryente at pagkokompyut. Sa pagsasaalang-alang nito, maraming mga platform ang nagnanais na gamitin ang Ethereum blockchain upang ilunsad ang kanilang mga produkto. Ang Dent ay isa sa mga pinakaunang proyekto na naglunsad ng isang ERC-20 token noon pang 2017.
Ang DENT coins ay bahagyang mabibili, dahil sa pagiging ERC-20 tokens. Ang isa sa iyong mga solidong pagpipilian ay ang Binance, na may pinakamalaking volume ng kalakalan ng DENT coins mula noong Abril 2021.
Isa pang opsyon sa pagbili ng DENT tokens ay ang Kucoin. Syempre, mahalagang tandaan na ang pamumuhunan sa cryptocurrency ay maaaring maging mapanganib, dahil ang mga presyo ng coin ay hindi kapani-paniwalang tumataas at bumababa.
Maghanap ng higit pang impormasyon dito tungkol sa pagbili ng cryptos.
Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka: