-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Dogecoin (DOGE) ay batay sa popular na"doge" Internet meme at nagtatampok ng isang Shiba Inu sa kanyang logo. Ang bukas sa publiko o open-source na digital currency ay nilikha ni Billy Markus mula Portland, Oregon at Jackson Palmer mula Sydney, Australia, at nalikha sa paghahati (forked) ng Litecoin noong Disyembre 2013. Ang mga tagalikha ng Dogecoin ay nailarawan ito sa kanilang isip bilang isang masaya at magiliw na cryptocurrency na magkakaroon ng mas matinding halina na higit pa sa mga pangunahing inaabangan sa Bitcoin, dahil ito ay nakabase sa isang meme ng aso. Ang CEO ng Tesla na si Elon Musk ay nagpost ng ilang tweets sa social media na ang kanyang paboritong coin ay ang Dogecoin.
Ang Dogecoin ay naiiba mula sa proof-of-work na protokol ng Bitcoin sa ilang kaparaanan, isa rito ay ang paggamit ng teknolohiyang Scrypt. Ang altcoin ay mayroon ring block time na 1 minuto, at ang kabuuang supply ay walang takdang kapasidad o uncapped , na nangangahulugan na walang limitasyon sa bilang ng Dogecoin na maaarig mamina.
Alinman ay makapagmimina ka ng Dogecoin nang solo ka lang, o sa pamamagitan ng pagsali sa isang mining pool o samahan ng mga nagmimina. Ang isang minero ng Doge ay maaaring magmina ng digital currency sa Windows, Mac o Linux, at gamit ang isang GPU. Hanggang noong 2014, maaari ka ring magmina ng Litecoin sa parehong proseso ng pagmimina ng Dogecoin, dahil naipagsama-sama na ang mga proseso.
Ang Dogecoin ay pangunahing ginamit na bilang isang sistema ng pagbibigay ng tip (tipping system) sa Reddit at Twitter para gantimpalaan ang paglikha o pagbabahagi ng de-kalidad na nilalaman. Maaari kang mabigyan ng Dogecoin bilang tip sa pamamagitan ng pakikilahok sa isang komunidad na gumagamit ng digital currency na ito, o maaari mong makuha ang iyong Dogecoin mula sa isang Dogecoin faucet. Ang Dogecoin faucet ay isang website na magbibigay sa iyo ng isang maliit na halaga ng Dogecoin nang libre bilang panimula sa currency, upang ikaw ay makapagsimulang makihalubilo sa mga komunidad Dogecoin.
Makakabili ka o makapagbebenta ng Dogecoin sa alinmang exchange na nag-aalok ng digital currency, itabi ito sa isang exchange o sa isang Dogecoin wallet, at mag-tip ng Dogecoin sa alinmang komunidad na tumatanggap ng Dogecoin. Para sa pinakabagong listahan ng mga exchange at trading pair para sa cryptocurrency na ito, mag-click sa aming market pairs tab.