Front page/ Cryptocurrency/ EOS
EOS

EOS EOS

Rank #67 Kasama
EOSPresyo
-

-

-
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.03%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.17%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

EOS Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

EOS Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa EOS

Ano ang EOS?

Ang EOS ay isang platform na idinisenyo para pahintulutan ang mga tagapagbuo (developers) na bumuo ng mga disentralisadong apps (na kilala rin bilang DApps sa maikling tawag.)

Ang layunin ng proyekto ay medyo simple lang: para gawin itong tapat hangga't maaari para sa mga tagaprograma na akapin ang teknolohiyang blockchain — at tiyakin na mas madaling gamitin ang network kaysa sa mga karibal. Bilang resulta, ibinibigay ang mga kasangkapan at isang hanay ng mga mapagkukunan ng kaalaman para suportahan ang mga tagapagbuo na gustong mabilisang bumuo ng mga gumaganang app.

Ang ibang mga prayoridad ay kinabibilangan ng paghahatid ng mas mataas na antas ng kakayahang magproseso ng mas maraming transaksyon ( scalability ) kaysa sa ibang mga blockchain, na ang ilan ay kaya lamang mag-asikaso ng hindi aabot sa isang dosenang transaksyon kada segundo.

Nilalayon din ng EOS na mapabuti ang karanasan para sa mga user at negosyo. Habang ang proyekto ay sumusubok na maghatid ng mas mataas na seguridad at mas kaunting sigalot para sa mga konsyumer, nakikipagtunggali rin ito para i-unlock ang pleksibilidad at pagsunod para sa mga negosyo.

Inilunsad ang blockchain noong pang Hunyo 2018.

Sino ang mga Tagapagtatag ng EOS?

Ang EOS platform ay binuo ng kumpanyang Block.one, at ang white paper nito ay inakda ni Daniel Larimer at Brendan Blumer.

Ang parehong kalalakihan ay patuloy sa pagiging miyembro ng executive team ng Block.one, kung saan si Blumer ay nagsisilbi bilang CEO at si Daniel Larimer bilang CTO.

Si Blumer ay isang de-seryeng negosyante, at isa sa kanyang mga unang pakikipagsapalaran ay kinabibilangan ng pagbebenta ng mga birtwal na asset para sa video games. Nagpatuloy siya sa kapwa pagtatatag ng Okay.com, isang ahensya ng real estate sa Hongkong na may digital na pagpokus.

Si Larimer ay isang software programmer na nakapagsimula rin ng isang serye ng mga pakikipagsapalaran sa crypto. Kinabibilangan ang mga ito ng platform sa kalakalan ng crypto na BitShares at ang Steem blockchain.

Ang dalawa ay nagkatagpo noong 2016 at kanilang binuo ang Block.one sa sumunod na taon.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa EOS?

Sa isang lawak, maaari kang makipagtalo na ang EOS ay naglalayong lumikha ng pamilyaridad para sa mga gumagamit nito. Samantalang ang EOS.IO ay marahil na pinakamahusay kumpara sa isang operating system tulad ng Windows o iOS, ang EOS ay ang cryptocurrency na nagpapausad sa network.

Ayon sa kumpanya, may kapasidad itong tugunan ang mga hinihingi ng daan-daan, kung hindi man ay libo-libong DApps — kahit na sila ay ginagamit ng marami-raming bilang ng mga tao. Ang kahalintulad na pagpapatupad (parallel execution), pati na rin ang isang modular na pamamaraan, ay ang sinasabing nagpapausad sa kahusayang ito.

Sa kakaibang kaganapan, ang mga may hawak ng token ay may kakayahan na bumoto para sa mga tagagawa ng block — pati na rin ang iba pang bagay-bagay tulad ng mga upgrade sa protokol.

Sa kasamaang palad, ang ilan sa mga pinaka-kilalang tampok ng EOS ay yaong mga pinaka-hindi gusto ng ilang tiyak na kritiko. Nariyan ang mga nakikipagtalo na ang malawak na pagkakasangkot ng Block.one sa proyektong ito ay nangangahulugan na ito ay medyo sentralisado — at ang ilan ay ipinagpipilitan na ito ay kabaligtaran sa kung ano ang nilalayong makamit ng mga blockchain at cryptocurrency.

Mga Kaugnay na Pahina:

Mga pangunahing bagay (basics), mga gabay sa kung paano gawin at mga malalimang pag-aaral: Alamin ang tungkol sa crypto sa CMC Alexandria

Alamin ang ibig sabihin ng mga salita sa crypto at blockchain sa aming glossary

Ano ang Steem?

CoinMarketCap Blog: Mga malalimang balita, mga tampok at analisis

Gaano Karaming EOS Coins ang nasa Sirkulasyon?

May 936 milyong EOS coins ang nasa sirkulasyon sa oras ng pagsusulat, at isang kabuuang supply na 1.02 bilyong token.

Ginanap ng Block.one ang isang initial coin offering para sa EOS noon pang Hunyo 2017 at nagtagal ito ng isang taon — yan ay higit na mas mahaba kaysa sa maraming mga ICO na nakita sa panahong iyon.

Kabuuang $4.02 bilyon ang nalikom sa proseso, at ang mga mamumuhunan mula U.S. ay hindi nagawang makibahagi. Kung titingnan ang breakdown kung paano ipinamahagi ang tokens, 10% ay inilaan sa mga tagapagtatag, habang 90% ay ipinamahagi sa hanay ng mga mamumuhunan.

Kapaki-pakinabang na matandaan na hindi agad-agad na matatanggap ng Block.one ang alokasyong ito — sa halip, mangyayari ito sa loob ng 10 taong panahon.

Paano Sine-secure ang EOS Network?

Gumagamit ang EOS ng isang delegadong proof-of-stake konsensus na mekanismo. Ang konseptong ito ay pinasimulan ni Larimer, at naglalayong lutasin ang ilang mga kamalian na nakita sa mga sistema ng PoW at PoS.

Tulad ng ating ipinaliwanag kani-kanina, yaong mga nagmamay-ari ng EOS tokens ay nagagawang bumoto para sa mga kinatawan na magiging responsable para sa pagpapatunay ng mga transaksyon. Isa sa mga kalamangan ay nakakatulong itong maialis ang konsolidasyon, kung saan ang mas maliliit na tagapagmina ay itinutulak palabas ng may mas matataas na antas ng kapangyarihan sa pagkukuwenta at mga mapagkukunan.

Saan Ka Makakabili ng EOS?

Ang EOS ay available sa pamamagitan ng Binance, Coinbase, Kraken at hindi mabilang-bilang na iba pang mga exchange. Sa kung gaano kalawak itong ginagamit sa industriya ng crypto, marahil ay mahirapan kang makahanap ng isang platform ng kalakalan na hindi sumusuporta dito. Ang ilang mga serbisyo ay pahihintulutan kang gumamit ng fiat currencies upang gumawa ng pagbili, alinman ay sa pamamagitan ng isang bank transfer o isang credit card. Alamin ang higit pa tungkol sa fiat on-ramps dito.

Mga detalye
EOS
¥ CNY

EOS Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #67
  • Dominance sa Market
    0.03%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
    2017-06-26
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan