Front page/ Cryptocurrency/ FTM
Fantom

Fantom FTM

Rank #56 Kasama
FantomPresyo
-

-

-
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.06%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.04%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

FTM Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

FTM Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Fantom

Ano ang Fantom (FTM)?

Ang Fantom ay isang directed acyclic graph(DAG) na platform ng matalinong kontrata (smart contract) na nagbibigay ng mga serbisyo ng disentralisadong pinansya (DeFi) sa mga tagapagbuo (developer) gamit ang sarili nitong pasadyang konsensus na algoritmo.

Kasama ng kanyang in-house token na FTM, nilalayon ng Fantom na lutasin ang mga problema na nauugnay sa mga platform ng matalinong kontrata, partikular ang bilis ng transaksyon, na sinasabi ng mga tagapagbuo na kanilang nabawasan ng halos 2 segundo.

Ang Fantom Foundation, na siyang nangangasiwa ng inaalok na produkto ng Fantom, ay orihinal na nilikha noong 2018, na ang paglunsad ng OPERA, ang mainnet ng Fantom, ay magaganap sa Disyembre 2019.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Fantom?

Ang Fantom Foundation ay itinatag ng Koryanong computer scientist na si Dr. Ahn Byung Ik. Sa kasalukuyan, ang CEO ng platform ay si David Richardson, ang dating namamahalang CEO sa Mid-Ocean Consulting.

Ang team sa likod ng Fantom ay may malawak na karanasan pangunahin sa larangan ng full-stack na pagpapaunlad ng blockchain, at nakatuon sa paglikha ng isang platform ng matalinong kontrata na pumapabor sa kakayahang magproseso ng maramihang transaksyon (scalability), disentralisasyon at seguridad.

Ayon sa opisyal na website nito, ang koponan o team ng Fantom ay binubuo ng mga espesyalistang inhinyero, siyentipiko, mananaliksik, tagapagdisenyo at negosyante. Nasa iba't ibang panig ng mundo ang mga empleyado, na pinapantayan ang ethos ng isang naipamahaging platform.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Fantom?

Tinatangka ng Fantom na gumamit ng isang bagong payak na binuong konsensus na mekanismo upang mapadali ang DeFi at mga kaugnay na serbisyo batay sa mga matatalinong kontrata.

Ang mekanismo, ang Lachesis, ay nangangako ng hamak na mas mataas na kapasidad at dalawang segundong pagtatapos ng transaksyon, kasama ang mga pagpapahusay sa seguridad na higit sa mga platform na proof-of-stake (PoS) na nakabatay sa algoritmo.

Pinapantayan ang Ethereum, ang proyekto ay kaakit-akit sa mga tagapagbuo na naghahanap na gumamit ng mga disentralisadong solusyon. Ayon sa kanyang opisyal na literatura, ang misyon nito ay ang "magbigay ng pagkakabagay sa pagitan ng lahat ng katawan ng transaksyon sa buong mundo."

Ang kanyang in-house PoS token, ang FTM, ang bumubuo sa lakas ng mga transaksyon, at nagpapahintulot ng pangongolekta ng bayarin at mga aktibidad ng staking , kasama ang user rewards na kinakatawan ng huli.

Sa pamamagitan ng bentahan ng token noong 2018, nakalikom ang Fantom ng halos $40 milyon para pondohan ang pagpapaunlad.

Mga Kaugnay na Pahina:

Alamin ang higit pa tungkol sa Avalanche dito.

Alamin ang higit pa tungkol sa Neo dito.

Alamin ang higit pa tungkol sa Ethereum 2.0 dito.

Baguhan sa cryptocurrency? Ang dedikadong mapagkukunan ng impormasyon ng CoinMarketCap, ang Alexandria, ay makakatulong sa iyong maunawaan ang lahat ng kailangan mong malaman.

Gaano Karaming Fantom (FTM) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Ang Fantom ay isang proof-of-stake (PoS) token na sa katunayan ay umiiral na sa ilang paghahayag.

Ang pagkakatugma ng platform sa Ethereum ay nangangahulugan na ang mga user ay maaaring bumili ng isang ERC-20 standard FTM, na awtomatikong nako-convert sa likas na FTM sa oras na matanggap sa kanilang wallet. Ang isa pang bersyon ng FTM ay available sa Binance Chain na gumagamit ng BEP2 standard nito. Ang likas na FTM lamang ang maaaring gamitin sa mismong Fantom OPERA mainnet.

Ang kabuuang supply ng FTM ay 3.175 bilyong token, na kung saan ang 2,134,638,448 FTM ay kasalukuyang nasa sirkulasyon. Ang natitira ay ilalabas na sasailalim sa isang iskedyul na tatakbo hanggang sa 2023.

Ang staking (pamumuhunang taya) ay bumubuo ng isang mahalagang bahagi ng tokenomics, na may proporsyon ng supply na inirereserba partikular para sa mga gantimpala ng staking sa mga user na may hawak na FTM.

Paano Sine-secure ang Fantom Network?

Ang Fantom ay gumagamit ng iba't ibang pagpapasadya ng proof-of-stake na algoritmo para magbigay ng mga serbisyo at i-secure ang network nito. Kilala bilang Lachesis, isa itong halimbawa ng tinatawag na asynchronous byzantine fault tolerant (aBFT) konsensus na mekanismo.

Sa pagtatangal ng liderato sa hanay ng mga kalahok ng network, iniiwasan ng Fantom ang peligro ng mababang gastusing pag-atake, habang ang staking ay nagdaragdag ng mas marami pang mga insentibo ng user para i-secure ang mga operasyon gamit ang mga pinanghahawakang FTM token.

Saan Ka Makakabili ng Fantom (FTM)?

Ang FTM token ng Fantom ay malayang naikakalakal, at maaaring matagpuan sa mga malalaking exchange tulad ng Binance, Gate.io at OKEx Korea.

Umiiral ang FTM sa ilang mga protokol, kasama ang ERC-20, BEP2 at sariling mga OPERA token ng Fantom na lahat ay umiikot o nasa sirkulasyon.

Kung bago ka sa cryptocurrency at gustong malaman ang higit pa tungkol sa kung paano bumili ng Bitcoin (BTC) o anumang iba pang token, tingnan muna ang impormasyong ito.

Mga detalye
FTM
¥ CNY

Fantom Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #56
  • Dominance sa Market
    0.06%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
    2018-06-16
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan