-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Filecoin ay isang disentralisadong sistema ng pag-iimbak (storage system) na naglalayong "iimbak o itabi ang pinakamahalagang impormasyon ng sangkatauhan." Nakalikom ang proyekto ng $205 milyon sa isang initial coin offering (ICO) noong 2017, at paunang nagplano ng isang petsa ng paglulunsad sa kalagitnaan ng 2019. Gayunpaman, ang petsa ng paglulunsad para sa Filecoin mainnet ay naurong hanggang sa block 148,888, na inaasahan sa kalagitnaan ng Oktubre 2020.
Unang inilarawan ang proyekto noon pang 2014 bilang isang patong ng insentibo (incentive layer) para sa Interplanetary File System (IPFS), isang peer-to-peer na network ng pag-iimbak. Ang Filecoin ay bukas na protokol at inaalalayan ng isang blockchain na nagrerekord ng mga pangakong ginawa ng mga kalahok ng network, na may mga transaksyong ginawa gamit ang FIL, ang likas na currency ng blockchain. Ang blockchain ay batay sa parehong proof-of-replication at proof-of-spacetime.
Ang Filecoin ay itinatag ni Juan Benet, na siya ring lumikha ng Interplanetary File System. Si Benet ay isang Amerikanong computer scientist na nag-aral sa Stanford University. Pagkatapos itatag ang Protocol Labs noong Mayo 2014, dumalo siya sa Y Combinator noong tag-init ng 2014 na may intensyong suportahan ang parehong IPFS at Filecoin, pati na rin ang iba pang mga proyekto.
Nilalayon ng Filecoin na mag-imbak ng data sa isang disentralisadong pamamaraan. Hindi katulad ng mga kumpanya ng cloud storage gaya ng Amazon Web Services o Cloudflare, na lapitin ng mga problema ng sentralisasyon, ang Filecoin ay lubos na sinasamantala ang kanyang likas na katangian ng disentralisasyon upang protektahan ang integridad ng lokasyon ng isang data, na ginagawa itong madaling mabawi at mahirap masensor.
Ang mga disentralisadong sistema ng pag-iimbak tulad ng Filecoin ay pinahihintulutan ang mga tao na maging ang tagapag-ingat ng kanilang sariling data, pati na rin ang madaling pag-aakses sa web ng mga tao sa buong mundo. Mula nang makilahok sa Filecoin network sa pamamagitan ng pagmimina at pag-iimbak, ito ay direktang nauugnay sa pagkakapanalo ng mas maraming block rewards, binibigyang insentibo ng Filecoin ang mga kalahok para kumilos nang matapat at mag-imbak ng maraming data hangga't maaari.
Tingnan ang malalimang pagsuong sa Filecoin ng Alexandria.
Naghanda rin kami ng isang listahan ng 5 bagay na nilalayong ayusin ng disentralisadong imbakan.
Tingnan ang mga salita na hindi mo alam? Tingnan ang aming glossary sa Alexandria.
Inilalarawan ng Protocol Labs ang tokenomics ng Filecoin, o pang-ekonomiyang modelo, bilang isang "market para sa data" kung saan ang mga user ay maaaring ibenta ang kanilang espasyo ng imbakan (storage space) sa iba pang mga user, na naghahanap para mag-renta. Limang stakeholders ang magagawang mangalakal ng mga token: mga tagapagbuo (developers), kliyente, tagamina, may hawak ng token o token holders at mga katuwang sa ecosystem. Magkakaroon din ng tatlong Filecoin markets, ayon sa Protocol Labs: ang imbakan ng file (file storage), pagbawi ng file (file retrieval) at pangangalakal ng token sa mismong exchange.
Noong taglagas ng 2020, 400 tagamina ang nakilahok sa kung tawagin ay ang "Space Race" testnet phase, na pinatataas ang data capacity ng network ng Filecoin sa higit 325 pebibtyes; humigit-kumulang 3.5 milyong FIL token ang ilalabas sa mga kalahok ng Space Race.
Ang Filecoin ay sine-secure sa pamamagitan ng proof-of-replication at proof-of-spacetime. Sa Filecoin network, ang nodes na kilala rin bilang mga pagbawing minero ( retrieval miners ) ay nasa kumpetisyon upang pagsilbihan ng data ang mga kliyente sa bilis na kanilang makakaya. Sila pagkatapos ay gagantimpalaan ng mga bayarin ng FIL (FIL fees), na naghihikayat sa isang network ng nodes na gustong gayahin nang eksakto at pag-ingatan ang mga file.
Ang miner nodes ng imbakan ay palaging nakikipagkumpitensya para sa mga kontrata upang magbigay ng imbakan sa mga kliyente sa isang tiyak na haba ng panahon. Kapag ang isang tagamina ng imbakan ( storage miner ) at kanilang kliyente ay sumang-ayon sa isang kasunduan, hawak ng mga tagamina ng imbakan ang data ng kliyente sa isang sektor at "sineselyado" ito upang lumikha ng isang natatanging kopya ng data ng sektor na iyon. Ang mga tagamina ng imbakan ay ginagantimpalaan ng FIL ng mga kliyente bilang mga singilin ng deal (deal fees), at ang mga tagaminang ito ay maaari ring makapagmina ng mga block at tumanggap ng isang block reward.
Bago pa man ang paglunsad ng Filecoin mainnet, nag-anunsyo na ng suporta para sa FIL ang Gemini at Kraken Ililista ng Huobi ang FIL pagkatapos na mag-live ang mainnet.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagbili ng crypto, tingnan ang madaling gabay ng CoinMarketCap dito.