-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Flow ay isang mabilis, disentralisado, at magiliw na blockchain, dinisenyo bilang ang pundasyon para sa bagong henerasyon ng mga laro, apps at digital assets na nagpapalakas sa kanila. Ang Flow ay ang tanging layer-one blockchain na orihinal na nilikha ng isang koponan o team na patuloy na naghahatid ng mahusay na mga karanasan ng consumer blockchain: CryptoKitties, Dapper Wallet, NBA Top Shot.
Ang FLOW token ("FLOW") ay ang likas na currency para sa Flow network at ang pangunahing saligan para sa isang bago, nakapagpapabilang, at walang hangganan digital na ekonomiya. Kung ang Flow ay ang digital na imprastraktura, ang FLOW token ay ang gasolinang nagpapalakas sa network. Ang FLOW ay ang currency na kinakailangan para sa network at sa lahat ng mga aplikasyon sa taas nito upang gumana. Dinisenyo ang FLOW bilang isang paraan ng pagbabayad pati na rin isang pangmatagalang reserbang asset para sa buong ekonomiya ng Flow. Ang token ay ginagamit ng mga tagapagpatunay o validators, developer, at user upang lumahok sa FLOW network at kumita ng rewards. Ginagamit din ito para sa mga bayarin o fees at makibahagi sa pamamahala ng protokol sa hinaharap.
Ang Flow ay isang blockchain na dinisenyo mula sa pinakababa hanggang sa paggamit ng mainstream at ito ay ang tanging blockchain na gumagawa ng mga pagpapabuti sa layer ng protokol. Ang mga nangunguang developer at ang ilan sa mga pinakamalalaking brand sa mundo ay nagbubuo na sa Flow, pinagagana ang mga bagong karanasan sa nangungunang antas na nilalaman.
Ang Flow ay may mayamang ecosystem na binubuo ng mga nangungunang entertainment brands, development studios, at startups na may pakikipagsapalaran. Ang mga partner ng Flow ecosystem ay kinabibilangan ng mga pandaigdigang IP brands tulad ng Warner Music, Ubisoft, NBA at UFC; nangungunang mga developer ng laro, kabilang ang Animoca Brands, Sumo Digital at nWay; mga lider sa crypto, tulad ng Circle at Binance; pati na rin ang ilang mga kapuri-puring proyekto sa hanay ng bagong henerasyon ng labis na umuusbong na startups, kabilang ang Opensea.
Natututo at nakapagpapabuti sa umiiral na mga solusyon, ang Flow ay nagbibigay ng:
Onboarding ng konsyumer: Ang Flow ay dinisenyo para sa mga mainstream consumers, may mga onramp na pagbabayad na nagpapagana ng isang ligtas at may kakaunting abala mula sa fiat currencies hanggang sa crypto.
Ang Dapper Labs ay ang orihinal na tagapaglikha sa likod ng Flow blockchain pati na rin ng Cryptokitties, Dapper, at NBA Top Shot. Itinatag noong 2018, ang Dapper Labs ay gumagamit ng teknolohiya ng blockchain upang magdala ng mga bagong anyo ng digital na pakikipag-ugnayan sa mga user sa buong mundo. Ang mga aplikasyon na pinagagana ng blockchain ay maaaring dalhin nang mas malapit ang mga tagahanga sa mga brand na mahal nila, bigyan ang mga tao ng tunay na stake sa mga komunidad na kanilang pinag-aambagan, at lumikha ng mga bagong paraan para sa konsyumer na maging mga tagapaglikha rin. Ang mga partner ng Dapper Labs na pinaalam sa publiko ay kinabibilangan ng NBA at NBPA, Warner Music Group at UFC. Ang mga kapansin-pansin na mamumuhunan sa Dapper Labs ay kinabibilangan ng Andreessen Horowitz, Union Square Ventures, Venrock, Google Ventures, Samsung, at ang mga tagapagtatag ng Dreamworks, Reddit, Coinbase, Zynga, at AngelList, bukod pa sa iba.
Mga Teknikal na Papeles: Sumuong sa natatanging teknolohiya ng Flow!
Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka: