Front page/ Cryptocurrency/ FTT
FTX Token

FTX Token FTT

Rank #145 Kasama
FTX TokenPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.01%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.08%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

FTT Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

FTT Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa FTX Token

Ano ang FTX Token (FTT)?

Ang FTT ay ang likas na cryptocurrency token ng platform FTX sa kalakalan ng mga deribatibong crypto na inilunsad noong Mayo 8, 2019.

Ang koponan sa likod ng FTX ay binubuo ng ilan sa mga pinakamalalaking mangangalakal ng crypto sa nakalipas na ilang taon, na sa pagkakatuklas ng mga isyu sa mga mainstream exchange ng crypto futures, ay nagpasyang maglunsad ng kanilang sariling platform. Inihahayag ng FTX na namumukod-tangi ito dahil sa mga tampok ng pag-iwas sa clawback (pagbabalik ng naibayad na pera na may multa), isang sentralisadong pool ng kolateral at unibersal na pagsasaayos ng stablecoin.

Hinggil sa pag-iwas sa clawback, isang malaki-laking halaga ng mga pondo ng customer sa iba pang mga deribatibong exchange ay naangkin na ng mga panlipunang pagkalugi. Pinabababa ito ng FTX sa pamamagitan ng paggamit ng tatlong-tiered na modelo sa paglilikida.

Sa umiiral na mga crypto futures exchange, ang kolateral ay pinagpipiraso sa magkakahiwalay na token wallets; maaaring maging mahirap ito para sa mga mangangalakal dahil pinipigilan nito na mailikida ang mga posisyon. Sa kabilang banda, ang mga deribatibong FTX ay matatag na sa stablecoin at nangangailangan lamang ng isang unibersal na margin wallet.

Isa pang tampok ng FTT ay ang leveraged tokens, na nagbibigay-daan sa mga mangangalakal na maglagay ng mga leveraged na posisyon nang hindi kinakailangang mangalakal sa margin. Kung ang isang mangangalakal ay gustong mag-short (isang technique para kumita na may kinalaman sa kaibahan ng presyo na inutang sa presyo ng bentahan) ng Bitcoin na may 3x leverage, sila ay simpleng makakabili ng 3x short Bitcoin leveraged token sa FTX. Ang mga token na ito ay nababagay sa ERC20 at maililista sa anumang spot exchange. Ang FTX ay kasalukuyang nag-aalok ng XRP, BNB, TRX, BTC, ETH, EOS, USDT at LEO leveraged tokens.

Sino ang mga Tagapagtatag ng FTX Token?

Ang FTX Token o FTT ay itinatag nina Sam Bankman-Fried at Gary Wang.

Si Sam Bankman-Fried ay ang kapwa nagtatag at punong ehekutibong opisyal sa FTX: Cryptocurrency Derivatives Exchange. Siya rin ang CEO ng Almeda Research at nagtrabaho bilang isang direktor ng pag-unlad sa Centre for Effective Altruism. Isa rin siyang mangangalakal sa Jane Street Capital mula 2014 hanggang 2017.

Nag-aral ng physics si Bankman-Fried at may bachelor's degree mula sa Massachusetts Institute of Technology.

Si Gary Wang ay ang kapwa nagtatag at punong opisyal ng teknolohiya (chief technology officer) sa FTX: Cryptocurrency Derivatives Exchange. Siya rin ang chief technology officer sa Almeda Research. Bago ito, nagtrabaho siya bilang isang software engineer, matapos umakyat mula sa isang software engineering intern sa Google. Isa rin siyang software engineer intern sa Facebook.

May bachelor's degree siya sa matematika at computer science mula sa Massachusetts Institute of Technology.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa FTX Token?

Ang FTX ay inaalalayan ng Almeda Research, na kilala bilang isa sa mga nangungunang kumpanya sa kalakalan ng crypto at isa sa mga pinakamalaking tagapaglikida.

Sa gayon, ang FTX ay isang produkto na dinisenyo ng mga propesyonal na may kumpirmadong kadalubhasaan sa industriya. Sinasaklaw nila ang maraming serbisyo: mula sa kolateral hanggang sa maintenance margin hanggang sa mga proseso ng paglikida at paglilista ng produkto. Inihahayag din ng FTX na sila ay nakapokus sa mabibilis na siklo sa pagbuo, na nagpapahintulot sa kanila na mag-deploy ng mga sistema sa pangangalakal ng crypto sa isang mapagkumpitensyang bilis.

Mga Kaugnay na Page:

Matutunan ang higit pa tungkol sa TomoChain.

Matutunan ang higit pa tungkol sa Aave.

Matutunan ang higit pa tungkol sa pagmimina ng Monero.

Tumuklas ng mas marami pang mga balita sa crypto sa aming CoinMarketCap blog.

Gaano Karaming FTX Token (FTT) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Ang FTX ay isang exchange ng mga deribatibong cryptocurrency na nag-aalok ng futures, leveraged tokens at kalakalang OTC na may pokus sa mga solusyong pang-institusyon ang grado.

Ang FTX Token ay ang punong suporta ng FTX ecosystem, na dinisenyo upang dagdagan ang mga epekto ng network at mag-demand para sa FTT pati na rin ang pagbabawas ng supply nito sa sirkulasyon.

Ang FTT ay may supply sa sirkulasyon na halos 94 na milyong token hanggang noong Pebrero 2021 at kabuuang supply na halos 345 milyon.

Paano Sine-secure ang FTX Token Network?

Ang FTT ay isang ERC-20-compatible exchange token. Ang Ledger Nano X/S hardware wallet ay nagbibigay-daan sa mga user para secure na makapag-imbak at pamahalaan ang FTT tokens sa pamamagitan ng kanyang Ethereum app.

Parehong Ang FTT at ang pangseguridad na audit sa mga leveraged token ay ginagawa ng Blockchain Consilium auditing firm.

Saan Ka Makakabili ng FTX Token (FTT)?

Ang FTX Token o FTT ay maaaring bilhin, ibenta at ikalakal sa ilang mga exchange, kabilang ang:

Binance Jex

HitBTC

FTX

Huobi Global

Binance

Kung ito ang iyong unang beses sa pagbili, pangangalakal, o pagbebenta ng Bitcoin, maaari mong malaman ang higit pa tungkol sa proseso dito.

Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka:

  • Ano ang Crypto Faucet?
  • Ano ang mga Crypto Debit Card?
  • Ano ang Web 3.0?
  • Ano ang Yield Farming?
  • Ano ang Pagpapautang ng Crypto o Crypto Lending?
Mga detalye
FTT
¥ CNY

FTX Token Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #145
  • Dominance sa Market
    0.01%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
    2019-07-29
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan