Front page/ Cryptocurrency/ ICP
Internet Computer

Internet Computer ICP

Rank #36 Kasama
Internet ComputerPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.09%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.03%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

ICP Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

ICP Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Internet Computer

Ano ang Internet Computer (ICP)?

Ang Internet Computer ay ang unang blockchain sa mundo na tumatakbo sa bilis ng web na may walang hanggang kapasidad. Kinakatawan rin nito ang ikatlong pinakamalaking inobasyon ng blockchain, kasama ang Bitcoin at Ethereum — isang blockchain computer na pinalalakas ang pagkukuwenta at data ng matalinong kontrata, pinatatakbo sila sa bilis ng web, mahusay na nagpoproseso at nag-iimbak ng data, at nagkakaloob ng matatag na mga balangkas ng software sa mga developer. Dahil sa ginawa itong posible, ang Internet Computer ay pinagagana ang kumpletong reimahinasyon ng software — nagkakaloob ng isang labis na makabagong paraan upang bumuo ng mga tokenized na serbisyo ng internet, mga pan-industry platform, mga sistema ng disentralisadong pinansya, at kahit na mga tradisyonal na sistema at website ng negosyo. Ang proyekto ay itinatag noong Oktubre 2016 ni Dominic Williams, at nakaakit ng kapansin-pansing interes mula sa komunidad ng crypto. Nakalikom ang DFINITY ng kabuuang halaga na $121 milyon mula sa mga kontribyutor tulad ng Andreessen Horowitz, Polychain Capital, SV Angel, Aspect Ventures, Electric Capital, Zeroex, Scalar Capital, at Multicoin Capital, at ilang kilalalang mga maagang tagasuporta ng Etherum. Noong 2018, higit sa 50,000 nakarehistrong kalahok ang tumanggap ng ICP utility tokens sa isang airdrop. Noong Disyembre 18, 2020, inilunsad ng DFINITY ang alpa mainnet ng Internet Computer. Sa huling hakbang tungo sa disentralisasyon, noong Mayo 10, 2021, inilunsad ng DFINITY ang Internet Computer sa pampublikong domain. Ang pangunahing mahalagang pangyayaring ito ay nangangahulugan na ang internet ngayon ay gumagana bilang isang disentralisadong global computer — minarkahan ng paglabas ng lahat ng pinagkukunang code ng Internet Computer papunta sa pampublikong domain, pati na rin ang ICP utility token na nagpapahintulot sa sampu-sampung libong miyembro ng komunidad para pamahalaan ang Internet Computer network.

Sino ang Tagapagtatag ng Internet Computer?

Si Dominic Williams ay ang Tagapagtatag at Punong Scientist ng DFINITY. Isa siyang teoretiko ng crypto, responsable sa pag-iimbento ng Threshold Relay, Probabilistic Slot Consensus, at iba pang novel crypto techniques, isang de-seryeng negosyante, at naunang miyembro ng teknikal na komunidad ng Bitcoin at Ethereum. Dati, siya ang Pangulo at CTO ng String Labs, isang tagapaglilim para sa mga pakikipagsapalarang proyektong pang-crypto, naunang tagapagsimula ng DeFi sa Mirror Labs, at Tagapagtatag at CEO ng Fight My Monsters, isang MMO na laro para sa mga bata na naparami sa milyun-milyong user. Kanya ring itinatag ang ilang mga pasimulang kumpanya tulad ng System7, Airdocs at Smartdrivez. Nagtapos bilang numero uno sa Klase sa Computer Science ng King's College London.

Ano ang DFINITY Foundation?

Ang Internet Computer ay nilimliman at inilunsad ng DFINITY Foundation, isang hindi pangkalakalang organisasyon ng siyentipikong pananaliksik na nakabase sa Zurich, Switzerland, binubuo ng mga nangungunang cryptographers at ipinamamahaging sistema at mga eksperto sa wika ng programming, na may halos pinagsama-samang 100,000 akademikong sitasyon at 200 patente. Ang mga kapansin-pansing technologist sa DFINITY ay kinabibilangan nina: Jan Camenisch, PhD (VP ng Research) - kilala sa mundong cryptographer at privacy researcher, pinamunuan ng 19 na taon ang departamento ng Cryptography / Research Andreas Rosberg, PhD (Principal Engineer at Researcher) - ang kapwa lumikha ng WebAssembly at dating namumuno ng koponan para sa Google Chrome V8 engine Ben Lynn, PhD (Sr Staff Engineer at Researcher) - kilala sa mundong cryptographer at Google Engineer, ang "L" sa BLS cyptpgraphy, ang pangunahing sistema ng lagda na ginagamit sa Ethereum 2.0 Jens Groth, PhD (Principal Researcher) - kilala sa mundong cryptographer, na kilala para sa pagpapasimula ng hindi interaktibong zero knowledge proofs Tim Hanke, PhD (Principal Researcher) - lumikha ng AsicBoost, isa sa ilang napatunayang algoritmikong optimisasyon para sa pagmimina ng Bitcoin Paul Liu, PhD (Staff Engineer) - inarkitekto ang Haskell compiler ng Intel at tinanggap ang kanyang PhD sa ilalim ni Paul Hudak , isang mahalagang taga-disenyo ng Haskell * Johan George Granström, PhD (Director ng Engineering) - dating Sr Staff Software Engineer sa Google responsable para sa pagpapalaki ng imprastrakturang sistema ng YouTube pagkatapos ng pampublikong paglulunsad noong Mayo 10, 2021, ang DFINITY Foundation ay magiging isa na ngayon sa maraming organisasyon na nakatuon sa pagpapabuti at pagpapanatili ng Internet Computer network.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Internet Computer?

Ang layunin ng Internet Computer ay ang palawakin ang pampublikong internet, upang ito rin ang maging platform ng mundo sa pagkukuwenta. Ngayon, ang internet ay isang network na kumokonekta sa lahat at sa lahat ng bagay, ngunit ang mga sistema at serbisyo sa kasalukuyan ay tumatakbo mula sa pribadong imprastraktura. Ang siyentipikong breakdown sa likod ng Internet Computer ay Chain Key Technology, na sumasakop sa dose-dosenang masusulong na teknolohiya tulad ng novel Consensus, Non-Interactive Distributed Key Generation (NI-DKG), Network Nervous System (NNS), Internet Identity, atbp. Ang Chain Key Technology ay binubuo ng isang hanay ng mga kriptograpikong protocol na nagsaayos sa nodes na bumubuo sa Internet Computer. Isa ito sa mga pinakamahahalagang tagumpay sa likod ng Internet Computer, pinagagana ito para magkaroon ng iisang pampublikong susi. Ito ay isang napakalaking bentahe dahil nagbibigay-daan ito sa anumang device, kabilang ang mga smart watch at mga mobile phone, upang mapatunayan ang autentisidad ng mga artifact mula sa Internet Computer. Sa kabilang banda, ito ay hindi posible para sa mga tradisyunal na blockchain. Ang iisang pampublikong susi ay katiting lang ng isang mas malaking problema: Ang Chain Key Technology ay ang makina na nakapaguusad sa Internet Computer at ginagawang posible ang operasyon nito. Nagpapahintulot ito para sa pagdaragdag ng mga bagong node upang bumuo ng mga bagong subnet para pabilisan nang walang katapusan ang network; Pinapalitan ng bago ang may mali o sumadsad na mga node nang hindi kailanman tumitigil; muling binubuhay ang mga subnet kahit napakaraming node sa loob nito ang nabigo na; at pag-upgrade ng Internet Computer Protocol nang walang paghinto, pinahihintulutan ang network na ayusin ang mga bug at magdagdag ng mga bagong tampok. Ang DFINITY R&D team ay nakaimbento ng isang bagong hindi-interaktibong key resharing protocol. Ang bawat isa mga dati nang lumagda ay kailangan lamang i-broadcast ang iisang mensahe sa mga bagong lumagda. Upang matiyak na ito ay ginagawa nang secure, maraming mga konsepto mula sa advanced cryptography ang ginamit, kabilang ang pag-encrypt na may pasulong na lihim at hindi-interaktibong mga patunay ng zero-knowledge, Dahil ito ay hindi-interaktibo, ang paraan ng paggana ng key resharing protocol ay mainam para sa isang asynchronous (hindi sabay) na kapaligiran, at ang mga benepisyo ay kinabibilangan ng key preservation. Sa buong buhay ng isang subnet, kilala ito sa isang solong pampublikong key, at ang iba pang mga partido sa Internet Computer ay hindi kailangang subaybayan ang mga nagbabagong pampublikong key.

Sino ang Nagpapatakbo ng Nodes sa Internet Computer Network?

Sa Genesis noong Mayo 10, 2021, suportado ang Internet Computer ng 48 independiyenteng data center — na matatagpuan sa buong North America, Europa, at Asya — nagpapatakbo sa 1,300 nodes. Ang network ay patuloy na lalago pabilis nang pabilis upang suportahan ang susunod na henerasyon ng mega dapps, na may 123 data center na nagpapatakbo sa 4,300 nodes na nakaiskedyul sa katapusan ng taon, at kalaunan ay libu-libong mga data center na nagpapatakbo ng milyun-milyong nodes para suportahan ang dekada nang pagbubuo ng Open Internet. Mahalaga, sinuman ay maaaring maging isang node provider, nag-a-apply ang mga interesadong partido para sa isang Data Center ID (DCID) sa Network Nervous System (NNS), kukuha ng dinalubhasang machine nodes, i-install ang ICP protocol, at kokonekta sa Internet Computer network.

Gaano kabilis ang Internet Computer Network?

Ang siyentipikong tagumpay na tinatawag na Chain Key Technology ay nagbibigay-daan sa Internet Computer na tumakbo sa bilis ng web — kung saan ang mga tawag ng tanong (querry calls) ay naisasagawa sa milliseconds, at ang mga tawag ng update (update calls) ay inaabot ng 1-2 segundo pata matapos. Mas mahalaga, sa Genesis, ang Internet Computer ay magkakaroon ng isang block rate na 2.5 blocks kada segundo (bps), pagkatapos ay kakaripas sa nangunguna sa industriyang bps na 10.3 bps, at ~ 1,000 bps sa katapusan ng taon. Sa kaso ng isang bukas na bersyon ng Reddit na tumatakbo sa Internet Computer, kapag ang isang user ay ibina-browse ang forum, ang mga customized view ng hosted content ay babalangkasin at ihahain sa kanilang web browser sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga tawag ng tanong (query calls), na tumatakbo ng milliseconds sa kalapit na node, nagbibigay ng isang kamangha-manghang karanasan sa user. Ngunit kapag nais ng user na paminsan-minsan ay gumawa ng post, o magbigay ng tip na tokens sa awtor ng isang post, kabibilangan ito ng mga tawag ng update (update calls), na aabutin ng 1–2 segundo.

Ano ang Ginagawa ng ICP Token?

Ang ICP ay mga likas na utility tokens na gumaganap ng tatlong mahahalagang tungkulin sa network:

  • Pagpapadali sa Pamamahala ng Network: Maaaring i-lock ang ICP tokens upang lumikha ng neurons na lumalahok sa pamamahala ng network sa pamamagitan ng pagboto, kung saan ay maaari silang kumita ng pang-ekonomiyang rewards.
  • Produksyon ng Cycles para sa Pagkuwenta: Nagbibigay ng isang source store of value ang ICP na maaaring i-convert sa cycles; na nagpapalakas sa pagkukuwenta sa tila fuel na sinsunog kapag ito ay ginagamit. Kino-convert ng NNS ang ICP para maging cycles sa pabago-bagong rate, pinili ang ganito upang tiyakin na ang mga user ng network ay nakakayang lumikha palagi ng bagong cycles sa humigit-kumulang ay hindi nag-iibang gastusin sa totoong usapin, tulad ng sa gastusin sa pagkuha ng fuel ay madali nang malalaman.
  • Pagbibigay-gantimpala sa mga Kalahok: Ang network ay nagmimint ng bagong ICP upang gantimpalaan at bigyang-insentibo yoong mga gumaganap ng mahahalagang tungkulin na nagpapagana sa network upang kumilos, kabilang ang: a) ang pagkakaloob ng mga gantimpala/rewards sa pagboto sa mga nakikilahok sa pamamahala, b) ang pagkakaloob ng mga gantimpala/rewards sa pagboto; sa mga nagpapatakbo ng node machines na naghohost sa network, at c) iba pang sari-saring aktibidad.

Ano ang Ginagawa ng Cycles?

Ang Cycles sa tungkulin ng fuel ay nagpapalakas sa pagkukuwenta. Mayroon rin silang hindi nagbabago-bagong halaga sa pangmatagalan, kabaligtaran sa ICP, na ang halaga ay likas na magbabago-bago sa paglipas ng panahon. Bukod dito, ang Cycles ay iuugnay sa SDR, isang lohikal na currency unit na tinukoy ng International Monetary Fund, at 1 SDR na halaga ng ICP ay maaaring i-convert sa eksaktong isang trilyong Cycles upang palakasin ang pagkukuwenta.

Ano ang Ginagawa ng Neurons?

Nila-lock ng isang neuron ang balanse ng ICP utility tokens at pinapagana ang may-ari nito para makalahok sa pamamahala ng network, kung saan sila ay maaaring kumita ng mga gantimpala/rewards sa pagboto.

Sino ang mga Likas na Mamimili para sa ICP Tokens?

  • Ang mga May Hawak ng Token na gustong lumahok sa pamamahala ng network at kumita ng rewards sa pagboto
  • Mga tagapagbuo o developers na kailangang mag-convert ng ICP tokens sa Cycles para bayaran ang pagkukuwenta

ICP Token Supply at Tokenomics?

Magkakaroon ng 469,213,710 ICP token sa Genesis. Ang supply sa sirkulasyon ay depende sa dinamika ng market o merkado. Gayunpaman, tinatayang magiging 26% sa Genesis. Mga Alokasyon ng Paunang State Token ng Genesis

  • Mga maagang kontribyutor: 9.50%
  • Mga napakaagang donasyon (Seed donations): 24.72%
  • Estratehiko (Strategic): 7.00%
  • Paunang Bentahan (Presale): 4.96%
  • Estratehikong pakikipagsosyo: 3.79%
  • Pangkomunidad na airdrop: 0.80%
  • Paunang pondong-kaloob (grants) sa komunidad at tagapagbuo: 0.48%
  • Mga operator ng node: 0.22%
  • Internet Computer Association: 4.26%
  • Mga miyembro ng koponan: 18.00%
  • Mga Tagapayo at iba pang third-party na may hawak ng token: 2.40%
  • DFINITY Foundation: 23.86%

Paano Gumagana para sa Pagboto ang Internet Computer Network Nervous System?

Ang NNS ay gumagana sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga panukala at pagpapasiya na gamitin o tanggihan ang mga ito batay sa aktibidad ng pagboto ng neurons; na nilikha ng mga kalahok ng network. Ang neurons ay ginagamit rin ng mga kalahok para magsumite ng mga bagong panukala. Pagkatapos ng pagsusumite, alinman ay ginagamit o tinatanggihan ang mga panukala, na maaaring mangyari ng halos biglaan o pagkatapos ng ilang pagkaantala, depende sa kung paano ang kabuuan ng pagboto ng neurons.

Sino ang Maaaring Maglista ng Internet Computer?

Ang Coinbase, Huobi at OKEx ay naghayag na kanilang ililista ang Internet Computer utility tokens (ICP) kapag ang Internet Computer ay naglunsad na sa Mayo 10 ng 9AM PT / Mayo 11 12AM Oras sa China.

Ano ang mga Prominenteng Proyekto sa Internet Ecosystem?

Ang Internet Computer ay naglunsad na may ilang mga tinitingalang negosyante at aplikasyon na itinatag dito. Kinabibilangan ito ng:

DeFi

  • Enso Finance – Disentralisadong exchange na nakalikom na ng $5mn
  • Tracen – Isang non-custodial exchange na may mataas na pagganap na nakalikom na ng $2.5mn
  • Sailfish – Isang pasukang-daan patungo sa mga bukas na serbisyong pinansyal

Social

  • Distrikt – Isang disentralisado at propesyonal na social media network. Ito ay ang Open LinkedIn application na ipinakita ng DFINITY sa Davos noong WEF 2020 na ngayon ay dinadala na sa merkado
  • OpenChat – Isang bukas na bersyon ng iyong standard chat app na hindi pag-aari ng isang malaking teknolohiyang korporasyon
  • CanCan – Isang bukas na bersyon ng TitTok na nagpapakita ng kakayahan sa pagproseso ng maramihang transaksyon ( scalability ) at lakas ng Internet Computer
  • Capsule – Isang disentralisadong social media platform na ligtas mula sa sensura (censorship) na nakalikom na ng $1.5mn

Imprastraktura

  • Fleek – Nagbibigay-daan sa madaling pagtatayo ng mga bukas na web site at aplikasyon. 14,000 websites ang nagpapatakbo na ng Pan-Industry Platforms
  • Origyn – Isang pan-industry platform para sa pagsusubaybay ng pinagmulan ng mga luhong (luxury) kalakal, simula sa mga pangluhong relo (luxury watches)

Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka:

  • Ano ang Crypto Faucet?
  • Ano ang mga Crypto Debit Card?
  • Ano ang Web 3.0?
  • Ano ang Yield Farming?
  • Ano ang Pagpapautang ng Crypto o Crypto Lending?
Mga detalye
ICP
¥ CNY

Internet Computer Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #36
  • Dominance sa Market
    0.09%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
    2021-05-10
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan