-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang IOTA ay isang naipamahaging ledger na may isang malaking pagkakaiba: hindi talaga ito isang blockchain. Sa halip, ang pagmamay-ari nitong teknolohiya ay kilala bilang Tangle, isang sistema ng nodes na kumukumpirma ng mga transaksyon. Ang foundation sa likod ng platform na ito ay nagsasabi na nag-aalok ito ng hamak na bilis kaysa sa mga kumbensyonal na blockchain — at isang mainam na bakas para sa lalong lumalaking ecosystem ng Internet of Things.
Dahil sa walang blockchain, walang mga tagamina, at dahil sa walang mga tagamina, walang mga bayarin. Nakikita ng maraming establisyadong network ang paglobo ng mga gastos kapag tumitindi ang pagsisikip, ngunit nilalayon ng IOTA na magkaloob ng walang limitasyong paggawa sa pinakamababang gastusin.
Sa madaling panahon, ang layunin ng IOTA ay maging ang tunay na platform para sa pagsasagawa ng mga transaksyon sa pagitan ng mga aparatong IoT. Kung pagbabatayan ang sinasabi ng pagtatantiya na maaaring magkaroon ng 20.4 bilyon ng nasabing aparato pagdating ng 2024, malamang sa huli ay maging isang malaking negosyo ito.
Ang team sa likod ng IOTA ay naniniwala na ang mga potensyal na kaso ng paggamit ay hindi nagtatapos dito. Naniniwala sila na ang kanilang naipamahaging ledger ay maaaring makapaghatid ng digital na pagkakakilanlan sa lahat, magreresulta sa car insurance policies na nakabatay sa aktwal na paggamit, magbibigay-daan para sa pinakamodernong matatalinong lungsod, makapaghahatid ng napakabanayad na kalakalan sa buong mundo at makapagpapatunay sa autentisidad ng mga produkto.
Orihinal na kilala bilang Jinn, ginanap ang isang crowdsale para sa proyekto noong Setyembre 2014, at opisyal na inilunsad ang network noong 2016.
May apat na kapwa tagapagtatag ang IOTA, at ang mga pangalan nila ay Sergey Ivancheglo, Serguei Popov, David Sønstebø at Dominik Schiener.
Ayon sa IOTA Foundation, mabilis na lumago mula noon ang inisyatiba — at ang mga miyembro ng team ay nakabase na ngayon sa mahigit 25 bansa.
Kapwa chairmen ng board of directors sina Sonstebo at Schiener, habang si Popov ay isang board member at ang direktor ng research ng foundation.
Si Ivancheglo ay nagbitiw sa proyektong nakabase sa Berlin noon pang Hunyo 2019 ngunit nagpapatuloy bilang isang hindi opisal na tagapayo. Noong panahong iyon, sabi niya sa isang pahayag: "Hindi na ako naniniwala na ang IOTA Foundation ay ang pinakamainam na setting para aking mapagtanto kung ano ang itinakda nating likhain noong 2014 at 2015. Palagi kong nailalabas ang aking pinakamahusay na trabaho sa isang hindi gaanong maigting na kapaligiran. Inaasahan kong maipagpatuloy nang malaya ang gawain sa pagpapaunlad ng parehong hardware and software ng IOTA.
Gaya ng ating nabanggit kani-kanina lang, ang katotohanan na ito ay epektibo bilang isang blockchainless (walang blockchain) na blockchain ay talagang kakaiba kung tutuusin.
Ang mas teknikal na pangalan ng Tangle ay Directed Acyclic Graph — at sa paliwanag ni Sønstebø sa isang blog post noon pang 2015, ang teknolohiyang ito ay naglalayong panatilihin ang kakayahan ng blockchain na magsagawa ng mga secure na transaksyon. Ang tanging kaibahan lang ay nagagawa nitong hindi gumamit ng notion ng blocks.
Kanya ring isinulat: "Ang IOTA ay hindi dapat ituring na isang alternatibong coin (altcoin) sa mga umiiral na cryptocurrency tulad ng Bitcoin, bagkus ito ay isang ekstensyon ng lumalagong ecosystem ng blockchain. Sinadya itong gumana sa pakikipagtulungan sa ibang pang mga platform upang bumuo ng pagkakaisa at kapwa kapaki-pakinabang na relasyon. Idinisenyo ang IOTA para magkaloob ng isang solusyon na hindi kayang ibigay ng iba pang crypto: mahusay, secure, magaan, maliliit na transaksyon sa mismong oras nang walang bayad."
Ang mga bagong transaksyon ay pinapatunayan sa pamamagitan ng dalawang nakaraang transaksyon mula sa isa pang node — at ito ay isang naiibang diskarte dahil nangangahulugan ito na ang laki at bilis ng network ay direktang nauugnay sa kung gaano karaming tao ang gumagamit ng platform.
At samantalang ang ibang cryptocurrencies ay pinatatakbo bilang negosyo, mahigpit na sinasabi ng IOTA Foundation na hindi ito para sa kita — dagdag pa na may nag-iisang layunin ito, at ito ay gawing maunlad hangga't maaari ang network.
Bilang pangwakas, ikinararangal ng IOTA ang sarili nito na iba mula sa maraming kalabang crypto sa pamamagitan ng pagtatatag ng mataas na uri ng pakikipagsosyo sa tagagawa ng kotse na Volkswagen, at pagtulong sa lungsod ng Taipei upang pagsikapang matamo ang mga matatalinong proyekto.
Basahin ang aming mga malalimang pagsuong sa pinakabagong teknolohiya ng crypto
Ang pinakabagong data sa market cap at mga volume ng kalakalan ng crypto
Ang mga nangungunang istorya ngayong araw sa industriya ng crypto at blockchain
CoinMarketCap Blog: Analisis, opinyon, balita at mga update
Ang MIOTA ay may maximum na supply na 2,779,530,283 token — at lahat ng mga ito ay nasa sirkulasyon.
Noong ginanap ang crowdsale, tinagurian ang digital asset na ito bilang isang utility token na maaaring gamitin para sa pagbabayad sa kabuaan ng network nito, sa halip na isang profit-sharing coin.
Isang nakagigimbal sa katumpakan na 999,999,999 ang naibenta noong 2015 crowdsale, at ito ay nakalikha ng kita na 1,337 BTC para sa foundation. Dahil sa ang Bitcoin ay nagkakahalaga lamang ng halos $325 noong panahong iyon, maaaring nagresulta ito sa isang malaki-laking pagtabo para sa team sa mga darating na taon.
May saysay na pakatandaan na ang supply ng MIOTA ay talagang tumaas sa mga nagdatingang taon, na ipinagtataltalan ng team na ang isang mas mataas na antas ng supply ay gagawing nababagay ang token para sa "mga napakaliliit na transaksyong nano" na malamang ay makita natin sa mga aparatong IoT.
Inilunsad ang IOTA Foundation noong Oktubre 2017, at noong panahong iyon, tinatayang 5% ng mga token na nasa sirkulasyon ang pag-aari nito, at ang mga ito ay ipinagkaloob sa komunidad. Sabi nito "ang mayorya ng mga pondong ito ay mapupunta sa pagtatayo ng isang hukbo ng mga tagapagbuo at mananaliksik ( researchers ).
Dahil sa ang IOTA network ay hindi isang blockchain, maaaring hindi niyo naiisip na may ganoong kalaking pangangailangan ito para sa isang konsensus na mekanismo. Gayunpaman, para tulungang panatilihing secure ang network, isang medyo tapat na Proof-of-Work puzzle ay kasama sa proseso ng pagpapatunay sa isang transaksyon.
Nagkaroon ng mga pagkabahala sa seguridad tungkol sa IOTA. Sa nakaraan, ipinahahayag ng mga mananaliksik na may napag-alaman silang mga kahinaan sa code ng proyekto.
Available ang MIOTA sa maraming exchange — kabilang ang Binance, Bitfinex, at OKEx. Ayon sa proyekto, available ang isang hanay ng mga pares ng kalakalan (trading pairs), inililink ang token sa Bitcoin, Ethereum, stablecoins, at fiat currencies kabilang ang Japanese yen, euro, pound, at dolyar. Malaman ang higit pa tungkol sa fiat on-ramps dito..