-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Kin cryptocurrency ay ginagamit bilang pera sa loob ng isang digital ecosystem ng mga aplikasyon at serbisyo sa konsyumer. Unang itong inilunsad bilang isang ERC20 token sa Ethereum blockchain, at idinisenyo na maging ang pangunahing currency sa Kik messenger ecosystem. Paunang naglunsad ang Kik ng isang rewards points system, hindi isang cryptocurrency, na tinatawag na Kik Points na nagwakas noong 2017. Ang Kin ay pinaikli para sa Kinship, dahil ang layunin nito ay palakasin ang mga ugnayan sa loob ng komunidad ng Kik. Nakalikom ang Kik ng humigit-kumulang na $100 milyong dolyar sa initial coin offering (ICO) ng Kin noong Setyembre 2017. Noong Setyembre 2019, sinabi ng Kik na isasara nito ang kanyang messaging app upang labanan ang isang nagpapatuloy na paghahabla sa Security and Exchange Commission ng Estados Unidos sa kung ang Kin ICO ay nagbenta ng mga hindi rehistradong securities. Noong Oktubre 2019, binili ng MediaLab ang Kik messenger, na may layunin na ipreserba ang Kin.
Pumasok sa sirkulasyon ang Kin tokens sa pamamagitan ng isang insentibong modelo na tinutukoy bilang ang Kin Rewards Engine, o "KRE", na ginagantimpalaan ang mga tagapagbuo (developers) na lumilikha ng mga makabagbag-damdaming karanasan sa user ng Kin batay sa kanilang pakikipag-ugnayan. Ito ay nag-aalok ng isang software monetization model na pinasisigla ang adopsyon ng mga bagong gamit na kaso at paglikha ng halaga para sa isang cryptocurrency, pati na rin ang paghihikayat sa palitan ng halaga sa pagitan ng mga user, sa halip na pag-ani ng user data at atensyon na walang benepisyo sa mismong mga user. Ang bagong alternatibong ito ay muling inihahanay ang mga user at mga tagapagbuo sa palibot ng isang ibinahaging digital na ekonomiya kung saan ang mga tagalikha (creators) at tagapagbuo (developers) ng nilalaman na nakapagbibigay ng halaga ay siyang pokus, hindi ang mga monopolyo ng malalaking data.
Ang Kin blockchain ay sarilinang gumagana sa pamamagitan ng isang pinagsamang konsensus na modelo (federated consensus model), na kasalukuyang binubuo ng 11+ validator nodes na naipapamahagi sa buong mundo, upang mapanatili ang toleransiya sa pagkakamali (fault tolerance) habang pinahihintulutan rin ang maliit na bayarin hanggang sa walang babayaran, at mabilisang kumpirmasyon. Ang mga pagkakakilanlan ng node operators ay kasalukuyang pribado upang mapanatili ang seguridad sa operasyon, ngunit ang mga ito ay napaulat na independiyente at mararangal na service provider, na may kasaysayan ng pagkamaaasahan at pagmamalagi.
Ang distribusyon at algoritmong lohika ng Kin Rewards Engine ay pinamamahalaan ng Kin Foundation, isang non-profit na organisasyon na nakabase sa Ontario, Canada. Ang hindi naipamahagi (undistributed) na Kin ay itinatabi sa isang mala-institusyong grado na tesorerya (treasury) na kinokontrol sa pamamagitan ng isang serye ng mga vesting period o lockup period , mga patnubay sa implasyon (inflation guidelines) at mga kontrol ng pinagkakatiwalaang pangangalaga (fiduciary custody controls) na tinitiyak ang ligtas na paglipat (transfer) at wastong paggamit ng pondo. Ang kapanatagan na anti-spam at anti-fraud ay ipinagkakaloob rin bilang isang serbisyo hanggang sa dumating ang panahon na maging ganap na awtomatiko ang distribusyon ng Kin na may isinaayos na mga karagdagang pag-iingat. Hindi hihigit sa 10 trilyong Kin ang iiral sa Kin ecosystem sa katapusan ng panahon ng distribusyon, ang malaking supply na nilalayong payagan ang maramihang adopsyon ng mga user sa buong mundo habang nakikipagtransaksyon pa sa mga buong bilang na denominasyon taliwas sa paggamit ng decimal.
Makakabili ka ng Kin sa alinmang cryptocurrency exchange na nag-aalok ng digital currency. Huwag kalimutang gawin ang sarili mong pananaliksik o research bago pumili ng exchange. Para sa pinakabagong listahan ng mga exchange at trading pair para sa cryptocurrency na ito, mag-click sa aming market pairs tab.