-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang KCS ay ang likas na token ng KuCoin, na inilunsad noon pang 2017 bilang isang profit-sharing token na nagbibigay-daan sa mga mangangalakal na humugot ng halaga mula sa exchange. Inisyu ito bilang isang ERC-20 token na tumatakbo sa Ethereum network at suportado ng karamihan sa mga Ethereum wallet. Ang kabuuang supply ng KCS ay itinakda sa 200 milyon, at may isang planadong buyback at burn o pagtanggal hanggang sa matira ang 100 milyong KCS. Sa lalong madaling panahon o kalaunan, habang ang disentralisadong trading solution ng KuCoin ay nagla-live, ang KCS ay ang magiging likas na asset ng mga disentralisadong serbisyong pinansyal ng Kucoin pati na rin bilang ang pamamahalang token ng komunidad ng KuCoin sa hinaharap.
Inansyu rin ng Kucoin na ang "Pagpapalakas ng KCS" ay magiging isang mahalagang prayoridad ng KuCoin at magtatatag sa KCS bilang isang pamatay o napakahusay na produkto sa halip na isang simpleng token, na lalo pang makapagpapa-iba-iba sa mga benepisyo na kayang iakses ng mga may hawak ng KCS. Sa pangmatagalan, ang KCS ay gumaganap bilang ang susi sa buong KuCoin ecosystem. Dahil sa pagpapaunlad ng DEX at KuChain, ang KCS ay magiging ang pinagbabatayang tagapagbunsod at pangkalahatang token para sa hinaharap na mga disentralisadong produkto ng KuCoin. Marahil ay mas maraming detalye ang ilalabas sa nalalapit na hinaharap.
Ang KCS Bonus ay tinagurian bilang isa sa mga pinakamahuhusay na paraan para magkaroon ng passive income. Ang mga user na may hawak na higit sa 6 KCS ay maaaring makakuha ng pang-araw-araw na dibidendo, na mula sa 50% ng pang-araw-araw na kita sa trading fee ng KuCoin. Ang KCS Bonus ay isang natatanging mekanismo ng insentibo para sa mga may hawak ng KCS at mga tagapagtatag ng KuCoin ecosystem. Ang halaga ng rewards na maaaring makuha ng mga user ay depende sa bilang ng ginanap na KCS at volume ng kalakalan ng KuCoin Exchange.
Bukod sa ibinabayad bilang isang dibidendo, ang KCS, bilang isang utility token, ay ginagamit din upang bayaran ang trading fees sa KuCoin Exchange, na nagbibigay-daan sa mga user na masiyahan sa mga diskuwento na hanggang sa 80%. Ang kaso ng paggamit ng KCS ay kinabibilangan din ng partisipasyon sa bentahan ng token sa KuCoin Spotlight, pati na rin lockDrop /BurningDrop sa Pool-X platform. Ngunit hindi ito ang lahat, dahil ang KCS tokens ay naglilingkod din sa isang serye ng iba pang mga layunin sa platform. Halimbawa, ang mga may hawak ng KCS ay maaaring maging mga VIP ng KuCoin at ang mga user ay hindi na kailangang magkaroon ng isang malaking volume ng kalakalan ng BTC upang i-unlock ang nabawasang maker at taker fees. Ang KCS ay maaari ding gamitin bilang isang paraan ng pagbabayad o payment method para sa pagsa-shopping, paggawa ng mga reserbasyon sa hotel, pagbili ng mga kagamitan sa paglalaro, at marami pang iba.
Ang paunang supply ng KCS ay itinakda sa 200 milyon. Ang KuCoin at ang KCS team ay binibili ang KCS mula sa merkado at tinatanggal ang mga ito bawat quarter. Ang halaga ng KCS na tinatanggal
ay depende sa volume ng kalakalan kada kuwarter ng KuCoin Exchange. Kaya't ang supply sa sirkulasyon ng KCS ay bumababa at sa huli ay mapipirmi sa 100 milyon.
Ang KuCoin ay gumagamit ng pamantayang encryption protocol na nagtitiyak na ang user data at data transfers sa loob ng sistema ay nakatago mula sa iba pang mga user.
Gumagamit ito ng isang multi-cluster at multi-layer na arkitekturang sistema na maaaring magpaunlak ng higit sa isang transaksyon nang sabay, tinitiyak ang katatagan ng sistema sa bawat transaksyon.
Ang KuCoin Exchange ay isang cryptocurrency exchange na nakahimpil sa Singapore. Naglunsad ito noong Setyembre 15, 2017. Ang kumpanya ay orihinal na kapwa itinatag noong 2013 ng sumusunod na mga tao: ang COO na si Eric Don, marketing director na si Jack Zhu, pangulo ng operasyon ng negosyo na si John Lee, operations at maintenance director na si Kent Li, chief legal consultant na si Linda Lin, ang CEO na si Michael Gan at CTO na si Top Lan.
Matutunan ang higit pa tungkol sa 1inch.
Matutunan ang higit pa tungkol sa The Graph.
Alamin kung ano ang tipikal na hitsura ng karaniwang may-ari ng crypto sa CMC Alexandria.
Manatiling napapanahon sa balita sa crypto gamit ang CoinMarketCap Blog.
Ang supply sa sirkulasyon ng KuCoin Token (KCS) ay nasa 80,118,638 KCS hanggang noong Pebrero 2021, na may maximum supply na 170,118,638 KCS.
Ang kalakalan ng Kucoin Token (KCS) ay matatagpuan sa mga sumusunod na exchange:
ProBit Exchange
Kung ikaw ay nag-uusosyo tungkol sa pag-aaral kung paano mangalakal ng Bitcoin, maaari mong mahanap ang lahat ng impormasyon na kailangan mo dito.
Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka: