Front page/ Cryptocurrency/ LTC
Litecoin

Litecoin LTC

Rank #21 Kasama
LitecoinPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.22%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.06%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

LTC Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

LTC Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Litecoin

Ano ang Litecoin (LTC)?

Ang Litecoin (LTC) ay isang cryptocurrency na dinisenyo para magbigay ng mabibilis, ligtas, at murang pagbabayad sa pamamagitan ng paggamit sa mga natatanging katangian ng teknolohiya ng blockchain.

Ginawa ang cryptocurrency batay sa Bitcoin (BTC) protocol, ngunit naiiba ito pagdating sa hashing algorithm na ginagamit, hard cap, mga tagal ng transaksyon ng block, at ilang iba pang salik. Ang Litecoin ay may tagal ng block na 2.5 minuto lang at napakabababang singil sa transaksyon, na ginagawa itong angkop para sa mga micro-transaction at point-of-sale payment.

Inilabas ang Litecoin sa pamamagitan ng open-source client sa GitHub noong Okt. 7, 2011, at nag-live ang Litecoin Network makaraan ang limang araw noong Okt. 13, 2011. Mula noon, lubhang tumaas ang paggamit at pagtanggap nito sa mga negosyante at napapabilang ito sa nangungunang sampung cryptocurrency ayon sa kapitalisasyon sa market para sa malaking bahagi ng pagkakaroon nito.

Ang cryptocurrency ay ginawa ni Charlie Lee, isang dating empleyado ng Google, na binalak ang Litecoin na maging "magaan na bersyon ng Bitcoin," sa kadahilanang itinatampok nito ang marami sa mga katulad na katangian ng Bitcoin—kahit na mas magaan sa timbang.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Litecoin?

Tulad ng naunang tinalakay, itinatag ang Litecoin ni Charlie Lee, isang maagang nag-adopt sa cryptocurrency at isang pangalang tinitingala sa industriya ng cryptocurrency.

Si Charlie Lee, na kilala rin bilang "Chocobo," ay isang maagang miner ng Bitcoin at computer scientist, na dating software engineer para sa Google. Bukod pa rito, ginampanan ni Charlie ang tungkulin ng director of engineering sa Coinbase sa pagitan ng 2015 at 2017 bago lumipat sa ibang mga venture.

Sa kasalukuyan, si Charlie Lee ay isang prangkang tagapagtaguyod ng mga cryptocurrency at siya ang managing director ng Litecoin Foundation—isang non-profit na organisasyon na nagtatrabaho kasama ng Litecoin Core Development team para tumulong na isulong ang Litecoin.

Bukod kay Lee, kabilang din sa Litecoin Foundation ang tatlo pang indibidwal na nasa lupon ng mga direktor: sina Xinxi Wang, Alan Austin, at Zing Yang — na may kanya-kanyang napagtagumpayan.

Ano ang Nagpapabukod-tangi sa Litecoin?

Kasunod ng Bitcoin, Litecoin ang pangalawang pinakasikat na pure cryptocurrency. Ang tagumpay na ito ay malawakang maiuugnay sa pagiging simple nito at sa malilinaw na benepisyo ng paggamit.

Simula Enero 2021, ang Litecoin ang isa sa mga pinakamalawakang tinatanggap na cryptocurrency, at mahigit 2,000 negosyante at tindahan ang tumatanggap na ngayon ng LTC sa iba't ibang panig ng mundo.

Nagmumula ang pangunahing benepisyo nito sa bilis at cost-effectiveness nito. Karaniwang nakukumpirma ang mga transaksyon ng Litecoin sa loob lang ng ilang minuto, at halos pwede nang balewalain ang mga singil sa transaksyon. Dahil dito, nagiging kaakit-akit na alternatibo ito sa Bitcoin sa mga umuunlad na bansa, kung saan ang mga singil sa transaksyon ay maaaring maging salik ng pagpapasya sa kung aling cryptocurrency ang susuportahan.

Noong huling bahagi ng 2020, natunghayan din ng Litecoin ang paglabas ng MimbleWimble (MW) testnet, na ginagamit para i-test ang mga kumpidensyal na transaksyon sa Litecoin na nakabatay sa Mimblewimble. Kapag available na ang feature na ito sa mainnet, makikinabang din ang mga Litecoin user sa lubos na pinahusay na privacy at fungibility.

Mga Kaugnay na Page:

Tingnan ang Bitcoin (BTC) — ang orihinal na cryptocurrency.

Tingnan ang Nano (NANO) — isa pang lightweight at mabilis na cryptocurrency.

Makibalita sa mga pinakabagong update at talakayan tungkol sa Litecoin.

Mag-subscribe sa blog ng CoinMarketCap para sa mga pinakabagong balita at update sa cryptocurrency.

Gaano Karaming Litecoin (LTC) Coin ang Nasa Sirkulasyon?

Tulad ng karamihan ng mga proof-of-work (POW) cryptocurrency, unti-unting nadaragdagan ang dami ng Litecoin na nasa sirkulasyon sa bawat bagong nama-mine na block.

Simula Enero 2021, 66.245 milyong LTC na ang na-mine sa kabuuang maximum na supply na 84 milyon. Tinantya kamakailan ng Litecoin Foundation na aabutin nang higit sa 100 taon bago maabot ng Litecoin ang full dilution (sa palibot ng taong 2140) — dahil nababawasan ang bilang ng LTC na nama-mine kada block bawat apat na taon bilang bahagi ng iskedyul sa pagkakalahati ng gantimpala ng block.

Humigit-kumulang 500,000 LTC ang na-instamine sa unang araw pagkaraang na-mine ang LTC genesis block at si Charlie Lee at malamang na ang iba pang naunang developer ng Litecoin ay kasama sa mga unang miner.

Sa kabila nito, bilang isang asset na makatarungang ipinamamahagi, hindi nakatatanggap ang mga developer ng Litecoin o si Charlie Lee ng anumang direktang kita mula sa operasyon ng Litecoin—maliban sa anumang bagay na maaari nilang kitain bilang bahagi ng regular na proseso ng mining.

Paano Sine-secure ang Litecoin Network?

Bilang isang cryptocurrency na nakabatay sa blockchain, sine-secure ang Litecoin sa pamamagitan ng mga napakalakas na cryptographic na depensa — kaya halos imposible itong i-crack.

Tulad ng Bitcoin at maraming iba pang cryptocurrency, ginagamit ng Litecoin ang PoW consensus algorithm para matiyak na ang mga transaksyon ay mabilis na nakukumpirma at walang mga error. Ang pinagsamang lakas ng Litecoin mining network ay pumipigil sa mga dobleng paggastos at sa hanay ng iba pang mga atake, habang tinitiyak na may 100% uptime ang network.

Saan Ka Makakabili ng Litecoin (LTC)?

Isa ang Litecoin sa mga pinakamalawakang available na cryptocurrency, dahil dito, pwede itong bilhin o i-trade sa maraming iba't ibang exchange. Kabilang sa ilan sa mga pinakaprominenteng pangalan ang Huobi Global, Binance, Coinbase Pro, OKEx, at Kraken.

Isa ang Litecoin sa iilang cryptocurrency na may malawak na pagkakaiba-iba ng mga fiat trading pair, at pwede itong ipapalit sa U.S. dollars (USD), Korean won (KRW), euros (EUR), at iba pa. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbili ng mga cryptocurrency gamit ang fiat, tingnan ang aming komprehensibong gabay.

Mga detalye
LTC
¥ CNY

Litecoin Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #21
  • Dominance sa Market
    0.22%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan