-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Inilunsad noong 2017, ang Livepeer ay ang unang live video streaming network protocol na ganap na disentralisado. Ang platform ay naglalayong maging isang buhay na nakabatay sa blockchain, abot-kayang mahusay na alternatibo sa sentralisadong mga solusyon sa broadcasting para sa lahat ng bago at umiiral na mga broadcasting na kumpanya.
Tulad ng nakasaad sa opisyal na Livepeer whitepaper, ang industriya ng live video streaming at broadcasting ay lumalago nang matulin, at ang kumpanya ay naghahangad na makasabay sa nauusong ito at ipakilala ang disentralisasyon sa kapaligiran. Nilalayon ng Livepeer na i-stream ang proseso ng broadcasting sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga producer na magsumite ng kanilang gawa sa platform, pag-aalaga ng reformatting at pamamahagi ng nilalaman sa mga user at streaming platform.
Ang Livepeer ay isang bukas na mapagkukunang protokol, na nangangahulugan na ang mga developer ay maaaring malayang makapag-ambag sa pangunahing code sa GitHub. Ang Livepeer Inc ay ang legal na entidad sa likod ng Livepeer platform. Itinatag ang Livepeer Inc ni Doug Petkanicsat Eric Tang.
Si Doug Petkanics ay nagtapos ng isang degree sa computer science mula sa University of Pennsylvania noong 2006. Mula noon, siya ay naging isang mahalagang bahagi ng ilang malalaking pangalan tulad ng Groupon at Wildcard. Noong 2006, sumali siya sa Accenture bilang isang analyst, at noong 2010 ay kapwa niya itinatag ang Hyperpublic, na kalaunan ay nakuha ng Groupon. Noong 2013, kapwa itinatag ni Petkanics ang Wildcard, isang publishing platform, at web browser. Mula 2016, siya ay nasa sentro ng pag-unlad para sa Livepeer.
Nagtapos si Eric Tang sa isang degree sa electrical at computer engineering mula sa Carnegie Mellon University. Noong 2008, sumali siya sa Next Jump bilang isang software developer, at noong 2010 siya ay naging product manager para sa Clickable. Nakipagtulungan siya kay Doug Petkanics noong 2010 at kapwa itinatag ang Hyperpublic. Mula noon, ang dalawa ay magkasamang nagtrabaho sa Wildcard at kalaunan sa Livepeer.
Ang Livepeer ay isang natatanging proyekto dahil naglalayon itong baguhin nang ganap ang industriya ng broadcasting sa pamamagitan ng pagkuha sa serbisyo ng blockchain technology. Ang bukas na mapagkukunang platform ay nagpapahintulot sa mga user at developer na makilahok nang malaya sa pangangasiwa at pagpapabuti ng platform. Ang lumalaking kakayahan ng mga digital camera para sa paggawa ng mataas na kalidad na nilalaman ng video drive ay nakapagsulong sa pagpapaunlad ng industriya ng broadcasting, at ang Livepeer ay naglalayong lalo pang mapalakas ang prosesong ito sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga user na makinabang mula sa disentralisadong lakas sa pagkukuwenta at mga insentibo ng crypto-economic para sa bootstrapping at pakikilahok.
Ang Livepeer ay naging isang nangungunang industriya ng platform, dahil sa pinahihintulutan nito ang mga user na makilahok sa maraming paraan. Ang platform ay nag-aalok ng mga oportunidad para sa pagkonsumo ng pay-as-you-go-content, mga serbisyo ng auto-scaling social video, hindi nasesensor na live na pamamahayag, at nakapagpapagana ng video na DApps. Ang Livepeer ay ganap na binabago ang proseso ng live video streaming at patungo na sa pagiging isang nangunguna sa industriya.
Magbasa pa tungkol sa Basic Attention Token.
Alamin ang tungkol sa NEAR protocol.
Matutunan ang higit pa tungkol sa mga transaksyon sa blockchain.
Tingnan ang CoinMarketCap blog.
Ang Livepeer ay may maximum supply na 22,906,951 LTP tokens at isang kabuuang supply na 22,859,012 LTP tokens. Ang supply sa sirkulasyon ay 21,164,655 LPT.
Sa kabuuang supply, ang mga nagtatag at naunang mga miyembro ng koponan ay hinati-hati sa kanilang mga sarili ang halos 12.35%, na may panahon ng vesting na 36 na buwan mula sa paglulunsad ng network. Ang isa pang 19% ng mga token ay direktang napunta sa bilihan ng paunang-bentahan o pre-sale. Ang pinakamalaking halaga ng mga token, na 63.437%, ay ipinamahagi patungo sa crowd sales. Sa huli, 5% ng kabuuang token supply ay nakareserba para sa pagpapanatili ng Livepeer network, tinitiyak ang hinaharap na pag-unlad ng proyekto.
Dahil ang Livepeer ay itinayo sa Ethereum blockchain, gumagamit ang platform ng binagong bersyon ng isang delegadong proof-of-stake(DPoS) konsensus na mekanismo. Sa isang DPos na mekanismo, wala talagang pagmimina. Sa halip, ang pagpapatunay o validation ng mga bagong block sa blockchain ay nangyayari batay sa bilang ng coins na naka-stake.
Ito ang nakapagpapaiba sa Livepeer mula sa mga konsensus na mekanismo tulad ng ginagamit ng Bitcoin. Habang ang proof-of-work(PoW) na mekanismo ng Bitcoin ay nangangailangan ng malaking halaga ng koryente at lakas sa pagkukuwenta, ang mga sistema ng DPoS ay mas nagtutuon sa ekolohiya at madaling nakaaangkop. Hindi lamang yan, ang LIvepeer ay nakikinabang mula sa malawakang daigdig ng DApp na itinatag ng Ethereum blockchain, na mas nakapagbubunsod sa kakayahan ng network.
Ang Livepeer (LPT) tokens ay nagiging isang labis na hinahangad na asset, ang dahilan kung bakit mas maraming exchange ang nagsisimulang mag-alok ng mga kalakalang pares sa cryptocurrency. Kung naghahanap kang bumili ng LPT, ang iyong pinakamagandang pupuntahan ay ang Gate.io.
Ang iba pang mga inirerekomendang exchange ay kinabibilangan ng:
Sushiswap
Mahalagang tandaan na ang pagbili ng cryptocurrency ay may dalang peligro, tulad lang din ng pamumuhunan sa anumang iba pang asset.
Maghanap ng higit pang impormasyon dito tungkol sa pagbili ng cryptos.
Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka: