-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang LRC ay angcryptocurrency token ng Loopring na nakabatay sa Ethereum, isang bukas na protokol na idinisenyo para sa pagtatayo ng mga disentralisadong crypto exchange.
Noong 2020, ang average volume ng araw-araw na kalakalan ng kabuuang market ng cryptocurrency ay nagpabago-bago sa pagitan ng humigit-kumulang na $50-$200 milyon. Karamihan sa kalakalan ay isinagawa sa mga sentralisadong cryptocurrency exchange — mga online platform na pinatatakbo ng mga pribadong kumpanya na nag-iimbak ng mga pondo ng user at pinadadali ang pagtutugma ng mga binibili at ibinebentang order.
Ang ganyang mga platform ay may ilang kapintasan na pangkaraniwan sa kanilang lahat, kaya't isang bagong uri ng exchange — isang disentralisado — ang umusbong upang subukang pagaanin ang mga kasiraang ito. Gayunpaman, ang mga ganap na disentralisadong exchange ay palaging may mga sariling kapintasan.
Ang sinasabing layunin ng Loopring ay ang ipagsama ang pagtutugma ng sentralisadong order sa disentralisadong pagsasaayos ng order sa mismong blockchain upang maging isang naipaghalong produkto na magtataglay ng pinakamahuhusay na aspeto ng parehong sentralisado at disentralisadong exchange.
Naging available sa publiko ang LRC tokens sa panahon ng initial coin offering (ICO) noong Agosto 2017, habang ang Loopring protocol ay unang ginamit sa Ethereum mainnet noong Disyembre 2019.
Ang tagapagtatag at kasalukuyang CEO ng Loopring Foundation, na siyang namamalaha sa pagpapaunlad ng Loopring protocol ay si Daniel Wang, isang software engineer at negosyanteng nakabase sa Shanghai, China.
May bachelor's degree sa computer science si Wang mula sa University of Science and Technology ng China, pati rin isang master's degree sa parehong larangan mula sa Arizone State University.
Bago ang pagtatrabaho sa Loopring, hinawakan ni Wang ang maraming managerial at executive na posisyon sa mga malalaking kumpanya ng teknolohiya: siya'y naging isang nangungunang software engineer sa tagamanupaktura ng medikal na aparato na Boston Scientific, naging senior director ng engineering, search, recommendation at ads system sa napakalaking e-commerce ng China na JD.com, pati na rin isang tech lead at senior software engineer sa Google.
Naging kapwa tagapagtatag din si Wang ng ilang kumpanya: ang Yunrang (Beijing) Information Technology Ltd. at ang kumpanya sa serbisyo ng cryptocurrency na Coinport Technology Ltd.
Ang pangunahing ideya sa likod ng Loopring ay ang pagsamahin ang mga elemento ng mga sentralisado at disentralisadong cryptocurrency exchange upang lumikha ng isang protokol na magtatamasa sa kanilang naiibang kalamangan at tanggalin ang mga hindi kagalingan.
Ang mga sentralisadong exchange ay ang pangunahing mode ng operasyon sa kasalukuyan para sa mga serbisyong pangkalakalan ng crypto. Habang labis na popular at maginhawa, ang paggamit ng isang sentralisadong exchange ay may dala-dalang bilang ng mga peligro, ang pinakapuno nito ay ang kanilang likas na alagain. Dahil hinahawakan ng mga exchange na ito ang mga pondo ng user para sa kanila sa pagitan ng mga punto ng pagdedeposito at pagwi-withdraw, ang mga pondong ito ay nasa peligro ng bahagya o ganap na pagkawala dahil sa potensyal na mga pag-atake ng hacker at malisyosong kumikilos sa loob ng exchange o interbensyon ng pagkontrol.
Ang isa pang malaking problema para sa mga sentralisadong exchange ay ang kakulangan ng pagkalinaw o transparency : ang katotohanan na ang mga kalakalan ay hindi palagian sa blockchain, bagkus ay iniimbak sa panloob na rekord ng exchange na ginagawang posible para sa exchange na manipulahin ang presyo at pahintulutan ito na gamitin ang mga pondo ng user para sa mga hindi awtorisadong layunin habang nasa kustodiya.
Para tanggalin ang mga problemang ito, umusbong sa kamakailang mga taon ang isang bagong uri ng serbisyo ng kalakalan: isang disentralisadong crypto exchange (DEX). Sa halip na panghawakan sa kustodiya ang mga pondo ng user at iproseso sa loob ang mga kalakalan, tumutulong ito na direktang ikonekta ang pagbili at pagbenta ng mga order sa isa't isa at isaayos ang mga kalakalan sa isang pampublikong blockchain.
Habang tinatanggal ang mga peligro sa pag-aalaga at kalinawan, ipinakilala ng DEX ang sarili nitong mga kapintasan: nangunguna rito ang hindi kahusayan (kapag ikinumpara sa mga sentralisadong alternatibo) na nauugnay sa mga limitadong kakayahan ng mga pinagbabatayang blockchain at hiwa-hiwalay na paglikida.
Hinahangad ng Loopring protocol na panatilihin ang mga kalamangan ng disentralisadong exchange habang binabawasan o tinatanggal ang kanilang mga hindi kahusayan sa pamamagitan ng mga makabagong napaghalo-halong solusyon. Sa pangangasiwa ng mga order sa isang sentralisadong pamamaraan ngunit isinasaayos ang mga kalakan sa mismong blockchain, at pagsasama-sama sa hanggang 16 na order papunta sa mga paikot na kalakalan kaysa sa pagpapahintulot ng isa laban sa isa na mga pares ng kalakalan, inaasahan ng Loopring na madagdagan ang kahusayan sa pagsasagawa ng order, pati na rin ang mapaghusay ang pagkalikida ng mga DEX.
Ang Loopring ay isang bahagi ng industriya ng disentralisadong pinansya (DeFi) — basahin ang higit pa tungkol dito sa CoinMarketCap Alexandria
Sabik malaman ang tungkol sa crypto? Matuto kung paano bumili ng Bitcoin dito.
Ang paglalabas ng LRC tokens ay pinamamahalaan ng mga matatalinong kontrata na bumubuo sa Loopring Protocol.
Ang pangunahing paraan para kumita ng LRC ay sa pamamagitan ng tinatawag na ring mining: upang mapabuti ang pagkalikida ng Loopring network, ang mga order na narito ay hindi mahigpit na itinutugma bilang mga pares ng dalawang cryptocurrency. Sa halip, kayang ihalo at itugma ng protokol ang hanggang sa 16 na order para sa magkakaibang mga cryptocurrency sa isang paikot na kalakalan, na tinatawag na order ring.
Ang nodes sa Loopring network ay ginagantimpalaan sa LRC tokens para sa pagsasama-sama ng mga indibidwal na order papunta sa order rings, pagpapanatili ng mga pampublikong order book at trade history, at sa ilang kaso ay pagbobrodkast ng mga order sa iba pang mga relay.
Napapatakbo ang Loopring sa mga Ethereum at Neo blockchain na may mga plano para magdagdag ng suporta para sa Qtum blockchain. Ang bawat isa sa mga network na ito ay may kanyang sariling token: LRC at LRN para sa Ethereum at Neo ayon sa pagkakabanggit; kapag inilunsad, ang Qtum network token ay tatawaging LRQ.
Ang mga token na ito ay sine-secure ng hash functions ng kanilang pinagbabatayang mga blockchain platform: ang LRC ng Ethash ng Ethereum, LRN ng SHA256 ng Neo at RIPEMD160 at LRQ ng proof-of-stake PoSv3 na algoritmo ng Qtum.
Available ang LRC sa maraming exchange, ang ilang sa mga malalaki at pinaka-pinagkakatiwalaan ay: