Front page/ Cryptocurrency/ MKR
Maker

Maker MKR

Rank #61 Kasama
MakerPresyo
-

-

-
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.04%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.02%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

MKR Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

MKR Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Maker

Ano ang Maker (MKR)?

Ang Maker (MKR) ay ang pamamahalang token ng MakerDAO at Maker Protocol — ayon sa pagkakabanggit ay isang disentralisadong organisasyon at isang software platform, parehong nakabatay sa Ethereum blockchain — na nagpapahintulot sa mga user na mag-isyu at pangasiwaan ang DAI stablecoin.

Paunang sinimulan noong 2015 at ganap na inilunsad noong Disyembre 2017, ang Maker ay isang proyekto na ang gawain ay ang patakbuhin ang DAI, isang disentralisadong cryptocurrency na pinangangasiwaan ng komunidad na may matatag na halaga na banayad na iniuugnay sa dolyar ng US.

Ang MKR tokens ay kumikilos bilang isang share ng pagboto para sa organisasyon na nangangasiwa ng DAI; bagaman hindi naman sila nagbabayad ng dibidendo sa mga may hawak nito, nagbibigay naman sila ng karapatang bumoto sa pagbuo ng Maker Protocol at inaasahang tataas sa halaga alinsunod sa tagumpay ng mismong DAI.

Ang Maker ecosystem ay isa sa mga pinakaunang proyekto sa eksena ng disentralisadong pinansya (DeFi): ang industriyang nagnanais na magtayo ng mga produkto ng disentralisadong pinansya sa itaas ng blockchain na pinagagana ng matalinong kontrata, tulad ng Ethereum.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Maker?

Ang MakerDAO ay ang unang entidad sa loob ng mas malaking ecosystem ng Maker, ay nilikha noong 2015 ni Rune Christensen, isang negosyante mula sa Sealand, Denmark.

Nagtapos si Christensen mula sa Copenhagen University na may degree sa biochemistry at nag-aral ng international business sa Copenhagen Business School. Bago sa MakerDAO, kanyang kapwa itinatag at pinangasiwaan ang Try China international recruiting company.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Maker?

Hanggang noong Oktubre 2020, ang DAI ay isa sa mga pinaka-popular na stablecoins (mga cryptocurrency na ang mga presyo ay iniuugnay sa USD o isa pang tradisyonal na currency). Ito ang ika-25 pinakamalaking cryptocurrency sa higit sa $800 milyon sa kapitalisasyon ng market at mayroon itong mas maraming aktibong address kaysa sa USDT — ang pinakamalaking stablecoin sa market.

Ang natatanging proposisyon ng MKR ay nasa katotohanan na nagpapahintulot ito sa mga may hawak nito na direktang lumahok sa proseso ng pamamahala sa DAI. Ang bawat may hawak ng Maker tokens ay may karapatang bumoto sa ilang mga pagbabago sa Maker Protocol, gamit ang kanilang kapangyarihang bumoto depende sa laki ng kanilang MKR stake. Ilan sa mga aspeto ng protokol na maaaring makaboto ang mga may hawak ay:

  • Pagdadagdag ng mga bagong uri ng collateral asset sa protokol, nagpapahintulot sa mga user na magsumite ng mga bagong cryptocurrency para mag-mint ng mas marami pang DAI;
  • Amyendahan ang mga parametro ng peligro sa mga umiiral na uri ng collateral asset:
  • Baguhin ang DAI Savings Rate: maaaring kumita ng savings ang mga may hawak ng DAI tokens sa pamamagitan ng pag-lock sa mga ito sa isang espesyal na kontrata, at inaapektuhan ng Savings Rate ang kakayahang kumita ng kontratang 'yon;
  • Piliin ang oracles — mga entidad na ang layunin ay ang magtustos ng mapagkakatiwalaang data na wala sa blockchain sa ecosystem ng Maker;
  • Mga upgrade sa platform

Ang kakayahang ito na lumahok sa pangangasiwa sa isa sa mga pinakamalalaking stablecoins sa market ay ang nakapagpapasigla sa pangangailangan para sa MKR tokens at katumbas na nakakaapekto sa kanilang halaga.

Mga Kaugnay na Page:

Alamin ang higit pa tungkol sa USDT, isa pang matatag na cryptocurrency na iniuugnay sa USD

Malaman ang higit pa tungkol sa stablecoins sa CMC Alexandria, ang aming portal na pang-edukasyon.

Gaano Karaming Maker (MKR) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Ang pag-iisyu at pagtanggal ng MKR mula sa sistema ay pinamamahalaan ng isang kumplikadong sistema ng mga nagtutulungang mekanismo na idinisenyo para tiyakin na ang DAI ay palaging nakakolateral sa ibang cryptocurrency assets at napapanatili ang banayad na pagkakaugnay nito sa USD. Walang limitasyon na mahigpit na naka-code sa kabuuang supply ng MKR.

Ang halaga ng DAI ay sine-secure sa pamamagitan ng kolateral — ang iba pang mga cryptocurrency na idinedeposito ng mga user kapag nagmimint ng bagong DAI tokens at iniimbak sa mga tinatawag na vaults — mga matatalinong kontrata na nasa Ethereum blockchain.

Sa panahon ng mga pagbababa ng presyo, ang halaga ng crypto na nakaimbak sa vault ay maaaring maging hindi sapat para ganap na mabigyang kolateral ang katumbas na halaga ng DAI. Sa kasong yan, awtomatikong pinasisimulan ng Maker Protocol ang paglikida ng mga nilalaman ng vault, ang mga nalikom ay ang ginagamit nito para tugunan ang mga obligasyon ng vault. Kung ang halaga ng mabubuong DAI sa panahon ng paglikida ay hindi sapat, magmimint ng bagong MKR tokens ang Maker Protocol para ipagbili at matugunan ang natitirang halaga, samakatuwid ay dinadagdagan ang kabuuang supply.

Gayunpaman, sa ilang mga kaso, ang halaga ng nagawang DAI mula sa mga auction ay hinihigitan ang kinakailangang limitasyon para tiyakin ang ganap na kolateralisasyon — pagkatapos, ginagamit ito ng Maker Protocol para bilhin pabalik at ipawalang halaga ang MKR tokens, na binabawasan ang kanilang kabuuang supply.

Kaya naman, ang supply ng MKR ay isang dinamikong halaga na nagbabago depende sa mga kondisyon ng merkado at sa pangkalahatang kalusugan ng DAI ecosystem. Hanggang noong Oktubre 2020, ang umiikot na supply ng Maker tokens ay halos 1 milyon, na nagkakahalaga ng higit sa $500 milyon.

Paano Sine-secure ang Maker Network?

Ang MKR ay isang ERC-20 token, nangangahulugan na tumatakbo at sine-secure ito ng Ethereum blockchain. Ang Ethereum, sa kabilang banda, ay sine-secure ng kanyang Ethash proof-of-work function.

Saan Ka Makakabili ng Maker (MKR)?

Available ang kalakalan ng Maker token sa nasabing mga exchange tulad ng:

  • Binance
  • OKEx
  • Uniswap
  • Coinbase Pro
Mga detalye
MKR
¥ CNY

Maker Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #61
  • Dominance sa Market
    0.04%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan