Front page/ Cryptocurrency/ XMR
Monero

Monero XMR

Rank #25 Kasama
MoneroPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.17%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.04%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

XMR Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

XMR Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Monero

Ano ang Monero (XMR)?

Inilunsad ang Monero noong 2014, at ang layunin nito ay simple lang: para payagan ang mga transaksyon na maganap nang pribado at walang pagkakakilanlan. Bagaman karaniwang inaakala na kayang itago ng BTC ang pagkakakilanlan ng isang tao, madalas ay madaling matuntun ang mga bayad pabalik sa kanilang orihinal na pinagmulan dahil malilinaw ang mga blockchain. Sa kabilang banda, idinisenyo ang XMR para itago ang mga nagpapadala at tumatanggap sa pamamagitan ng paggamit ng masulong na cryptography.

Ang team sa likod ng Monero ay nagsasabi na ang privacy at seguridad ay ang kanilang pinakamalalaking prayoridad, kasunod nito ang madaling paggamit at kahusayan. Naglalayon ito na magbigay ng proteksyon sa lahat ng mga user — walang kinalaman kung gaano man sila nakakasabay sa teknolohiya.

Sa pangkalahatan, nilalayon ng XMR na maging mabilis ang pagbabayad at walang gastusin nang walang pagkatakot na ma-censor.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Monero?

Pitong tagapagbuo (developers) ang paunang napabilang sa paglikha ng Monero — lima sa kanila ang nagpasyang manatili na walang pagkakakilanlan. May mga tsisimis na ang XMR ay inimbento rin ni Satoshi Nakamoto, ang imbentor ng Bitcoin.

Ang pinagmulan ng XMR ay maaaring matuntun pabalik sa Bytecoin, isang nakapokus sa privacy at disentralisadong cryptocurrency na inilunsad noong 2012. Dalawang taon kalaunan, isang miyembro ng Bitcointalk forum — na kilala lamang bilang thankfulfortoday — ay sinangahan ang codebase ng BCN, at isinilang ang Monero. Nagmungkahi sila ng "mga kontrobersyal na pagbabago" sa Bytecoin na hindi sinang-ayunan ng iba sa komunidad at nagpasyang ipaubaya sa kanilang mga kamay ang mga bagay-bagay.

Pinaniniwalaan na daan-daang tagapagbuo ang nakapag-ambag sa XMR sa mga nakalipas na taon.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Monero?

May ilang bagay na nakapagbubukod-tangi sa Monero? Isa sa mga pinakamalaking pakay ng proyekto ay ang makamit ang posibleng pinakamalaking antas ng disentralisasyon, nangangahulugan na ang isang user ay hindi na kailangan pang pagkatiwalaan ang sinuman sa network.

Ang privacy ay nakakamit sa pamamagitan ng ilang natatanging tampok. Yaman din lang na ang bawat bitcoin na nasa sirkulasyon ay may kanyang sariling serial number, nangangahulugan yan na ang paggamit ng cryptocurrency ay maaaring ma-monitor, ang XMR ay ganap na madaling naipagpapalit-palit o fungible . Sa default, ang mga detalye tungkol sa mga nagpadala, tatanggap at ang halaga ng crypto na inililipat ay ikinukubli — sinasabi ng mga tagapagtaguyod ng Monero na ito ay naghahandog ng kalamangan sa kalabang privacy coins tulad ng Zcash, na "pinipili ang transparent."

Ang pagkukubli obfuscation ay nakakamit sa pamamagitan ng paggamit ng ring signatures. Dito, ang mga output ng nakaraang transaksyon ay pinipili mula sa blockchain at kikilos bilang mga pampain o decoy , nangangahulugan na ang mga tagamasid sa labas ay hindi matutukoy kung sino ang pumirma rito. Kung si Ian ay nagpapadala ng 200 XMR kay Susan, ang halagang ito ay maaari ring mahati sa mga walang pagkakaayos na tipak upang magdagdag ng higit pang antas ng kahirapan o pagkalito.

Upang matiyak na ang mga transaksyon ay hindi maiuugnay sa isa't isa, lumilikha ng mga stealth address para sa bawat isahang transaksyon na ginagamit lamang nang minsan.

Ang lahat ng mga natatanging tampok na ito ay humantong sa tumataas na paggamit ng XMR sa mga ipinagbabawal na transaksyon sa halip na Bitcoin — lalong lalo na sa mga market ng iligal na transaksyon o darknet markets . Ang mga gobyerno sa buong mundo, lalong-lalo na ang U.S., ay nakapag-alok na ng daan-daang libong dolyar sa sinuman na kayang pasukin ang code ng Monero.

Mga Kaugnay na Page:

Alamin ang tungkol sa Zcash, na isa pang privacy coin

Ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa basics ng crypto

Ano ang isang ring signature?

CoinMarketCap Blog: Mga panayam sa mga nangungunang tagapag-impluwensya ng crypto

Gaano Karaming Monero (XMR) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Bahagyang hindi pangkaraniwan ang Monero dahil hindi ginanap ang isang bentahan ng token para sa XMR — at wala ring mga token ang paunang namina (premined). Sa oras ng pagsusulat, ang supply sa sirkulasyon ng XMR ay nasa 17,703,471.

Idinisenyo ang cryptocurrency na ito para lumaban sa mga tiyak sa aplikasyon na integrated circuits, na karaniwang ginagamit para sa pagmimina ng bagong Bitcoin. Sa teorya, nangangahulugan ito na maaaring maging posible na magmina ng XMR gamit ang pang-araw-araw na kagamitan sa pagkukuwenta.

Sa pangkalahatan, sa huli ay magkakaroon ng kabuuang 18.4 milyong XMR sa sirkulasyon — at ang cap na ito ay inaasahang maabot sa Mayo 31, 2022. Pagkatapos nito, ang mga tagamina ay pasisiglahin gamit ang "tail emissions", na may maliit na halaga ng XMR na isusubo sa sistema bawat 60 segundo bilang gantimapala o reward . Pinaniniwalaan na ang pamamaraang ito ay mas epektibo kaysa umasa sa mga bayarin sa transaksyon.

Paano Sine-secure ang Monero Network?

Isa sa mga pangunahing layunin ng Monero ay maiwasan ang sentralisasyon - at ang network na ito ay gumagamit ng isang konsensus na mekanismo na tinatawag na CryptoNight, na batay sa proof-of-work (patunay ng trabaho). Pinipigilan nito ang malalaking minahan na maging isang dominanteng puwersa.

Saan Ka Makakabili ng Monero (XMR)?

Dahil sa likas na katangian nito bilang isang privacy coin, hindi nakalista ang XMR sa ilang mga pangunahing exchange. Halimbawa, bagaman makakabili ka ng XMR sa Binance, hindi ito suportado ng Coinbase. Bilang kinahinatnan, maaaring kailanganin mong i-convert ang iyong fiat sa Bitcoin at dumaan sa isang mas maliit na platform ng kalakalan. Ang gabay na ito ay tutulong magpaliwanag kung paano mo mako-convert ang mga fiat currency sa crypto nang may kadalian.

Mga detalye
XMR
¥ CNY

Monero Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #25
  • Dominance sa Market
    0.17%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan