Front page/ Cryptocurrency/ XEM
NEM

NEM XEM

Rank #260 Kasama
NEMPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.01%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.11%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

XEM Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 1Y
  • ALL

XEM Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa NEM

Ano ang NEM (XEM)?

Ang NEM (New Economy Movement) ay isang ecosystem ng mga platform na gumagamit ng blockchain at cryptography upang magbigay ng mga solusyon para sa mga negosyo at indibidwal. Ang XEM ay ang likas na cryptocurrency ng pampublikong blockchain na NIS1 ng NEM.

Ang NIS1 ay gumagana sa paraang katulad ng sa Bitcoin (BTC): mayroon itong network ng mga ipinamamahaging independiyenteng node na nagpoproseso at nagrerekord ng mga transaksyon sa isang pampublikong ledger na tinatawag na “blockchain.“ Ang mga node na ito ay binibigyan ng insentibo para iambag ang kanilang oras at mga yaman sa pagkwekwenta (computing resources) at nananatiling hindi nasisira sa pamamagitan ng mga gantimpala mula sa bayad sa transaksyon; ang mga gantimpalang ito ay ibinabayad sa anyo ng mga XEM coin sa bawat node na nagagawang makapagdagdag ng isang bagong block ng mga transaksyon sa hulihan ng blockchain.

Gayunpaman, ang blockchain ng NIS1 ay may ilang bukod-tanging tampok na ginagawa itong kakaiba mula sa Bitcoin at sa karamihan ng iba pang cryptocurrency.

Ang alpha na bersyon ng NIS1 — o kilala bilang NEM noong panahong iyon — ay inilunsad noong Hunyo 25, 2014, at nag-live ang mainnet nito noong Marso 31, 2015.

Sino ang mga Tagapagtatag ng NEM?

Orihinal na nilikha ang NEM ng tatlong developer na kilala sa kanilang mga palayaw sa Bitcointalk.org forum: Jaguar0625, BloodyRookie at gimre. Mula sa pagsisimula nito noong 2014-2015, lumago ang NEM mula sa isang personal na proyekto ng tatlong programmer patungo sa isang malaking ecosystem na binubuo ng ilang platform.

Ang pangkalahatang pag-unlad at promosyon ng NEM ay pinangangasiwaan na ngayon ng NEM Foundation, na nakarehistro sa Singapore. Ang mga nagtatag na miyembro ng Foundation ay sina Erik Van Himbergen, Jeff McDonald, Lon Wong at Leon Yeoh.

Si Erik Van Himbergen ay isang negosyante mula sa Belgium. Nag-aral siya ng business economics sa KU Leuven University, accountancy at corporate finance sa EHSAL Management School at software engineering sa University of Antwerp. Maliban sa katuwang na pagtatatag sa NEM Foundation — na kanyang nilisan noong Abril 2020 — itinatag ni Van Himbergen ang Manitpro BV IT consultancy and services firm.

Natanggap ni Jeff McDonald ang kanyang mga degree sa sikolohiya sa Oklahoma State University at mga araling panrehiliyon sa University of Kansas. Nagtatrabaho sa NEM si McDonald bilang bahagi ng pangunahing team nito mula pa noong bago ilunsad ang proyekto. Bago sumali sa NEM, nagtrabaho siya bilang isang assistant professor sa Keimyung University sa South Korea.

Si Lon Wong, isang negosyanteng Australyano, ay natanggap ang kanyang edukasyon sa electrical engineering sa University ng New South Wales. Pagkatapos lisanin ang NEM Foundation noong Abril 2018, pinamumunuan ni Wong ang dalawang kumpanya na siya mismo ang katuwang na nagtatag: ang serbisyo ng blockchain platform na Dragonfly Fintech at ang platform sa pagpapaunlad ng imprastraktura ng blockchain na ProximaX.

Ano ang Nagpapabukod-tangi sa NEM?

Ang XEM ay isang desentralisadong open-source na cryptocurrency na may ilang bukod-tanging tampok.

Malamang na ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang paraan kung paano sine-secure ang NIS1 blockchain. Ginagamit ng NIS1 ang sarili nitong proof-of-importance (PoI) algorithm — sa halip na ang mas laganap na proof-of-work at proof-of-stake — para sa layunin ng pagtitiyak na ang mga transaksyon sa network ay ipinoproseso at inirerekord sa isang napapanahon at matapat na pamamaraan.

Ang proof-of-importance ay pinahihintulutan ang sinuman na magpatakbo ng node sa NIS1 network at padaliin ang mga transaksyon sa pamamagitan ng isang prosesong tinatawag na “delegadong pag-aani“ (delegated harvesting). Isinasaalang-alang ng sistema ang bawat halaga ng mga coin na hawak na ng node, kung gaano sila kadalas makipagtransaksyon sa network at kung sino ang katransaksyon nila, upang matantya ang kanilang “iskor ng kahalagahan“ sa ekonomiya ng NEM. Batay sa iskor na ito, nakatatanggap ang mga node ng isang bahagi ng mga bayad mula sa mga transaksyon na kanilang natulungang iproseso.

Inihahayag ng NEM na tinitiyak ng sistema ng proof-of-importance na ang network ay kayang kilalanin at gantimpalaan iyong mga aktwal na pinakagumamit nito.

Dagdag pa sa natatanging PoI algorithm nito, sinusuportahan din ng NIS1 ang mga tampok tulad ng mga kontrata ng account na may maraming lagda; naka-encrypt na pagmemensahe, ang Eigentrust++ na sistema ng reputasyon at ang serbisyong Apostille para sa pagnonotaryo at pagtingin sa autentisidad ng mga file sa blockchain.

Isa pang mahalagang merkado para sa NIS1 ay ang mga solusyon sa antas ng negosyo: sa pamamagitan ng API na sistema na binuo para sa isang layunin, pinahihintulutan ng NEM ang mga developer na isama ang imprastraktura ng blockchain nito sa mga third-party application.

Mga Kaugnay na Page :

Matuto pa tungkol sa crypto sa bagong pang-edukasyong platform ng CoinMarketCap, ang Alexandria.

Tingnan ang blog ng CMC.

Gaano Karaming NEM [XEM] Coin ang nasa Sirkulasyon?

Ang kabuuang supply ng XEM ay 8.999 bilyong coin, lahat ay nilikha mula noong inilunsad ang network — walang bagong XEM ang maaaring i-mine. Ang mga node ng network ay binibigyan ng insentibo para magproseso ng mga transaksyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng bayad sa mga transaksyon na kasama sa bawat block.

Paano Sine-secure ang NEM Network?

Para patatagin ang network nito, ginagamit ng NEM ang Ed25519 public-key signature system at ang SHA3 hash algorithm.

Saan Ka Makakabili ng NEM [XEM]?

Ang mga trading pair ng XEM ay magagamit sa ilang malalaking cryptocurrency exchange, tulad ng:

  • Zaif
  • Binance
  • OKEx
  • HitBTC
Mga detalye
XEM
¥ CNY

NEM Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #260
  • Dominance sa Market
    0.01%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
    2015-03-28
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan