-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Tinagurian ng Neo ang sarili niya bilang isang "mabilis na lumalago at nabubuong" ecosystem na may layunin na maging ang pundasyon para sa susunod na henerasyon ng internet — isang ekonomiya kung saan ang mga digital na pagbabayad, pagkakakilanlan at asset ay nagsasama-sama.
Paunang nakilala bilang Antshares, ang proyektong ito ay pinaniniwalaang ang pinakaunang pampublikong blockchain ng China noong ito ay inilunsad noong Pebrero 2014. Ang bukas na mapagkukunang (open-source) platform pagkaraan ay pinalitan ang pangalan sa NEO makalipas ang tatlong taon.
Isama na rin ang paglikha ng pangbuong mundong komunidad ng mga tagapagbuo (developers) na gumagawa ng bagong imprastraktura para sa network at mas magagaang hadlang sa pagpasok, ang koponan sa likod ng proyektong ito ay nagpapatakbo ng isang EcoBoost na inisyatiba na idinisenyo para hikayatin ang mga tao na magbuo ng mga disentralisadong app at matatalinong kontrata sa kanyang blockchain.
Madalas itong itinutulad sa bersyon ng Ethereum network ng mga Intsik.
Ang mga kapwa tagapagtatag ng Neo, at sa nauna ritong Antshares, ay sina Da Hongfei at Erik Zhang. Ang pareho ay nagsilbi bilang mga tagapangulo o chairmen ng Neo Foundation, na naglalayong itaguyod ang pagpili at paggamit ng blockchain.
Si Da Hongfei ay nagsabi na, bagaman ang internet ay isang dakilang imbensyon, marami itong mga kapintasan — at nangangahulugan ito na ang mga pang-araw-araw na konsyumer ay hindi palaging may kontrol sa kanilang sariling data. Ang negosyante o entrepreneur ay naniniwala na ang aplikasyon ng blockchain sa kalaunan ay magiging normal na bahagi na ng buhay (mainstream).
Si Erik Zhang ay ang awtor ng Delegated Byzantine Fault Tolerance na algoritmo, na naglalayong hadlangan ang pakikibahagi ng mga hindi mapagkakatiwalaang kalahok sa operasyon ng blockchain. Ang teknolohiyang ito ay patuloy na ginagamit sa Neo blockchain. Nagsilbi rin siyang bilang ang pinakasentrong tagapagbuo o core developer para sa network na ito, at gumaganap ng mahalagang tungkulin sa pagpapaunlad ng Neo 3.0, ang susunod na bagong bersyon ng imprastraktura ng proyekto.
Isa sa mga natatanging bentahe ng Neo blockchain ay may kinalaman sa kanyang patuloy na pagpapaunlad, na nakakatulong sa pagtiyak na ito ay matatag sa mga hamon ng hinaharap at nagagawang kayanin ang mga biglaang pagtaas sa pangangailangan. Tulad ng nabanggit kanina, binuo ng proyekto ang Neo 3.0 — pinahuhusay ang seguridad ng network at pinahihintulutan na maproseso ang mas malaking bilang ng mga transaksyon kada segundo.
Hindi katulad ng maraming iba pang blockchain, ang network na ito ay may dalawang likas na token: NEO at GAS. Habang ang NEO ay nagsisilbi bilang isang token sa pamumuhunan ( investment token ) at nagbibigay-daan sa mga tao na makilahok sa mga botohan tungkol sa mga pagpapabuti (improvements) sa blockchain, ang GAS ay ginagamit naman sa pagbabayad ng mga bayarin para sa mga transaksyon na kinukumpleto sa network.
May mangilan-ngilang iba pang proyekto ng blockchain na nagpapagana rin ng isang pondo sa pagpapaunlad ( development fund ) na pareho rin sa nagagawa ng Neo. Inilunsad ang EcoBoost noong 2019, at ito ay tinaguriang bilang isang inisyatiba na nagkakaloob ng "ganap na life-cycle support para sa mga proyekto na mataas ang potensyal" — kabilang ang grants, teknikal na suporta at promosyon sa social media.
Mga Kaugnay na Page:
Alamin ang higit pa tungkol sa GAS, ang ikalawang likas na token sa Neo
Paano maikukumpara ang Neo sa Ethereum?
I-explore ang aming komprehensibong crypto how-to na mga gabay
Ano na ang nangyayari sa industriya ng crypto? Alamin sa aming blog
Sa panahon ng pagsusulat, mayroong 70.5 milyong NEO sa sirkulasyon — at isang kabuuang supply na 100 milyong. Ang NEO tokens ay hindi minimina, at talaga naman, ang lahat ng 100 milyon nito ay nabuo noong inilunsad ang blockchain.
Ang mga token na ito ay ipinamahagi sa basehang 50/50 — na ang kalahati ay napunta sa mga kalahok sa isang bentahan ng token, at ang isa pang kalahati ay hinati sa hanay ng mga tagapagbuo at sa NEO Council. Noong panahong iyon, nakumpirma na ang mga pondong ito ay gagamitin upang mamuhunan sa iba pang protokol ng blockchain na sumusuporta sa organisasyon.
Samantala, ang GAS ay nabubuo bawat 20 segundo o kaya, tuwing ang isang bagong block ay nalilikha. Ang bilang ng mga token na nalilikha ay unti-unting nababawasan taun-taon, at tinatayang aabot ng 22 taon para makapasok sa sirkulasyon ang kabuuang supply na 100 milyon.
Tulad ng nabanggit namin kanina, ang Neo ay gumagamit ng Delegated Byzantine Fault Tolerance, at tinataya na ang blockchain ay may kakayahang magproseso ng libo-libong transaksyon kada segundo.
Ayon sa Neo, ang dBFT na mekanismo ay nabigyang inspirasyon ng Delegated Byzantine Fault Tolerance na algoritmo.
May ilang pagkakatulad sa delegated proof-of-stake, kung titingnan kung paano ang parehong mga kosensus na mekanismo ay pinapayagan ang mga may hawak ng token na bumoto para sa mga delegado na magpoproseso ng mga transaksyon.
Sa pamamagitan ng dBFT, ang mga block ay idinadagdag sa isang blockchain hangga't hindi bababa sa dalawang-katlo ( two-thirds ) ng mga delegado ang makakaabot ng konsensus — at inaasahan na makakatulong ito sa pagpigil sa mga masasamang tao na mapaghina ang banayad na takbo ng network.
Maaaring mabili ang NEO sa isang bilang ng mga exchange — kabilang ang Binance, Poloniex at HitBTC. Ngunit hindi ito available saanman at hindi suportado ng ilang platform, tulad ng Coinbase.
Maraming exchange ang nag-aalok ng mga trading pair na iniuugnay ang NEO sa Bitcoin. Alamin ang higit pa tungkol sa pagko-convert ng iyong fiat sa BTC dito.