-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Ontology ay isang kumplikadong naipamahagi na trust network na nagsisilbi sa iba't ibang saklaw ng negosyo at proyekto, na nagbibigay daan sa kanilang pinahintulutang mga blockchain ng negosyo na magbuo sa itaas ng pampublikong blockchain network ng Ontology, nakikipag-ugnayan kapag nakikita nilang nababagay, nang hindi ikinokompromiso ang pribadong data.
Sa kanyang paglunsad, pinili ng Ontology na pakawalan ang popular na modelo ng initial coin offering (ICO) pabor sa isang serye ng mga distribusyon sa komunidad at mga airdrop ng kanyang ONT cryptocurrency, na sinimulan ang buhay bilang isang NEP-5 token na nasa NEO blockchain.
Nakatulong ito sa mabilis na pagtatag ng parehong pagkakatuklas ng organikong presyo at isang marubdob na komunidad at tumulong sa proyekto para maiwasan ang kasunod na masusing pagsisiyasat sa regulasyon.
Halimbawa, sa maikling panahon ang sinumang tao na nag-sign up para sa Ontology newsletter ay tumanggap ng isang airdrop ng libreng 1,000 ONT, na umabot sa halaga na $10 kada token matapos na ang token ay nailista sa mga malalaking exchange tulad ng Binance.
Ang Ontology ay naglunsad ng sarili nitong mainnet noong Hulyo 2018 at ngayon ay independiyenteng tumatakbo mula sa NEO blockchain.
Itinatag ang Ontology noong 2017 ng kumpanyang Intsik na OnChain, na lumikha rin ng NEO, na minsan ay tinatawag rin na "Chinese Ethereum." Ang mga nagtatag na miyembro ay kinabibilangan ng mga beterano sa blockchain na sina Jun Li (kasalukuyang CEO) at mga kapwa tagapagtatag ng NEO na si Da Hongfei at Eric Zhang.
Nag-aalok ang Ontology ng sari-saring mga kaso ng paggamit sa tunay na buhay at nagbibigay-daan sa mga negosyo na magtatag ng kanilang sariling blockchain sa itaas ng Ontology blockchain.
Ang mahalaga, ang Ontology ay nag-aalok ng higit na pleksibilidad para sa mga negosyo, na nagpapahintulot sa kanila na lumikha ng mga pinasadyang blockchain upang bumagay sa kanilang mga partikular na pangangailangan pagdating sa mga tampok tulad ng pamamahala at pinahusay na privacy, punsyonalidad na siyang kulang sa disenyo ng mga kakumpitensya tulad ng Ethereum at NEO.
Ang ONT chain ay tumutulong ring labanan ang mga bayarin sa transaksyon ng network sa pamamagitan ng libreng pagbubuo at pamamahagi Ontology Gas (ONG) sa mga may hawak ng ONT base sa kanilang mga pinanghahawakan ( holdings ).
Nagbibigay pa ang Ontology ng mga karagdagang tampok tulad ng mga matatalinong kontrata, mga patunay ng cryptographic na pagkakakilanlan (ONT ID) at tokenized data (DDXF) na kayang maglipat nang walang tigil sa pagitan ng magkakaibang blockchain.
Halimbawa: Isang medikal na rekord ng pasyente, na sumasailalim sa mahihigpit na batas sa data privacy sa karamihan ng bansa, ay maaaring gamitin sa buong Ontology network nang hindi ikinokompromiso ang integridad at privacy ng data ng pasyente. Ang medikal na negosyo na naglilipat ng kumpidensyal na data ay nagagawang ikontrol kung ano ang ibinabahagi sa iba pang mga partido at sa ilalim ng aling mga kondisyon, nang walang takot na mapapasakamay ng mga hindi awtorisadong partido ang data ng pasyente.
Matutunan ang higit pa tungkol sa NEO (NEO).
Matutunan ang higit pa tungkol sa Ethereum (ETH).
Matutunan ang higit pa tungkol sa Ontology Gas (ONG).
Bisitahin ang CoinMarketCap blog para sa mga trending na balita at pananaw tungkol sa blockchain.
Ang Ontology ay may kabuuang coin supply na 1,000,000,000 ONT, kung saan ang halos 80% nito ay kasalukuyang nasa sirkulasyon.
Sa kanyang paglulunsad, 15% ng ONT tokens ay inilaan sa kanyang pangunahing koponan, 10% sa konseho ng NEO, 28% sa mga institusyonal na kasosyo, 10% sa kanyang teknikal na komunidad at 25% sa pagpapaunlad ng kanyang ecosystem.
Ang mga token na ito ay sumailalim sa isang mahigpit na proseso ng pagsasala (screening process) at iba't ibang mga panahon sa pag-unlock na umabot ng higit sa dalawang taon hanggang sa katapusan ng Oktubre 2020. Basahin ang higit pa tungkol sa kanyang distribusyon ng token dito.
Ang Ontology network ay ganap na disentralisado at samakatuwid ay mataas ang panlaban kontra sa mga pangha-hack, na dapat ay makaapekto sa higit kalahati ng nakakonekta na aparato upang makagawa ng isang impact .
Pareho ang ONT at ONG ay nakalista at suportado ng mga nangungunang exchange sa mundo tulad ng Binance at OKEx, na may eksepsyon ng Coinbase. Posible na ngayong bumili ng mga cryptocurrency tulad ng Ontology at Bitcoin nang direkta gamit ang credit card. Para malaman kung paano, magbasa pa rito.