-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Serum ay isang disentralisadong exchange (DEX) at isang ecosystem na naghahatid ng mabibilis at mababang gastusin na transaksyon sa disentralisadong pinansya (DeFi). Ito ay hindi nangangailangan ng pahintulot (permissionless) at itinayo sa Solana blockchain.
Nilikha ang Serum upang maalis ang mga kahinaan sa kasalukuyang kalawakan o espasyo ng DeFi na umiiral dahil sa hindi kumpletong disentralisasyon. Inihahayag na ito ay ganap na disentralisado at tumatakbo sa isang non-custodial exchange na may cross-chain trading support at walang know your costumer (KYC) na mga kinakailangan.
Ang Solana ay isang web-scale blockchain na maaaring umabot ng 50,000 transaksyon kada segundo. Ito ay nakakamit sa pamamagitan ng isang nabeberipikang delay function, na kilala bilang SHA 265 hash chain, na nagpapagana sa optimistikong concurrency control.
Ang Serum ay binuo ng Serum Foundation, na inaalalayan ng isang grupo ng mga eksperto sa cryptocurrency, kalakalan at disentralisadong pinansya. Ang proyekto ay inaalalayan din ng isang malawak na bilang ng mga kumpanya.
Ang Serum ay kapwa itinatag ni Sam Bankman-Fried. Siya rin ang CEO ng mga deribatibong palitan ng FTX cryptocurrency at isang kapwa tagapagtatag ng Alameda Research quantitative trading firm. Dati ring nagtrabaho si Bankman-Fried bilang direktor ng pag-unlad para sa The Centre for Effective Altruism at bilang isang mangangalakal sa Jane Street.
Nagtapos si Bankman-Fried mula sa Massachusetts Institute of Technology na may bachelor's degree sa physics.
Ang SRM ay isang utility token na ginagamit sa Serum ecosystem. Ang cross-chain swap protocol nito ay nagbibigay-daan sa mga user na makipagpalitan ng assets sa pagitan ng mga blockchain sa isang paraan na hindi nangangailangan ng tiwala (trustless).
Ang Serum ay nag-aalok ng isang disentralisadong automated full limit na order book na nagbibigay sa mga mangangalakal ng ganap na kontrol sa bawat order. Ang ganap na integrasyon ng Ethereum at Solana ay ginagawang mas mabilis at mas mahusay ang Serum habang pinapayagan din ito na maging interoperable sa ERC20 tokens.
Ang pisikal na nakaayos na cross-chain contracts ay nagbibigay-daan sa madaling mga posisyon ng margin sa DeFi sa mga sintetikong asset. Ang SerumBTC ay isang modelo para sa paglikha ng mga token na nakabatay sa ERC20 o Solana para sa Bitcoin (BTC) at isang modelo ang SerumBTC para sa paglikha ng isang disentralisadong stablecoin na iniuugnay sa USD.
Ang staking rewards ay ipinamamahagi batay sa pagganap ng mga node, na isinasaalang-alang ang mahahalagang on-chain na aksyon, tulad ng pagtutustos ng mga kasaysayan ng blockchain para sa cross-chain settlement validation.
Maaari ding mag-stake ang mga user patungo sa isa pang node. Ang isang bahagi ng staking fees ng node ay napupunta sa pinuno at lahat ng node ay tumatanggap ng mga resulta ng pag-staking. Ang mga gantimpala o rewards na ito ay nadadagdagan sa pamamagitan ng produktibong partisipasyon sa mga tungkulin ng node.
Matutunan ang higit pa tungkol sa Enjin Coin.
Matutunan ang higit pa tungkol sa Monero.
Matutunan ang tungkol sa BitCoin Cash sa CMC Alexandria.
Matutunan ang higit pa tungkol sa mundo ng cryptocurrencies sa CoinMarketCap blog.
Ang supply sa sirkulasyon ng Serum (SRM) ay nasa 50,000,000 SRM hanggang noong Pebrero 2021, na may maximum supply ng 50,000,000 SRM.
Ang SRM ay ang pamamahalang token ng Serum na nakabatay sa Solana blockchain at may isang ERC20 na bersyon. May cross-chain support ito na pinagagana ang hindi kailangan ng tiwala (trustless) na palitan o exchange ng assets sa pagitan ng iba't-ibang mga blockchain. Ang Serum ay gumagamit ng isang hindi kailangan ng tiwala (trustless) na tulay sa premier validator para sa naipamamahaging ledger technology (DLT).
Ang Serum (SRM) ay maaaring mabili at ibenta sa isang bilang ng mga exchange, kabilang ang mga sumusunod:
Kung ikaw ay bago sa pagbili, pagbebenta, o kalakalan ng cryptocurrencies, maaari mong basahin ang aming gabaysa pamimili ng crypto.
Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka: