Front page/ Cryptocurrency/ SOL
Solana

Solana SOL

Rank #6 Kasama
SolanaPresyo
-

-

-
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    2.68%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.05%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

SOL Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

SOL Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Solana

Ano ang Solana (SOL)?

Ang Solana ay isang lubhang gumaganang bukas na mapagkukunang proyekto na nagbabangko sa walang pahintulot na kalikasan ng blockchain technology upang magbigay ng mga solusyon sa disentralisadong pinansya (DeFi). Bagaman ang ideya at paunang trabaho sa proyekto ay nagsimula noong 2017, ang Solena ay opisyal na inilunsad noong Marso 2020 ng Solana Foundation na may headquarters sa Geneva, Switzerland.

Ang Solana protocol ay dinisenyo upang mapadali ang paglikha ng disentralisadong app (DApp). Naglalayon itong pabutihin ang scalability sa pamamagitan ng pagpapakilala ng isang proof-of-history (PoH) konsensus na pinagsama sa pinagbabatayang proof-of-stake (PoS) konsensus ng blockchain.

Dahil sa makabagong hybrid konsensus na modelo, nagtatamasa ang Solana sa patubo o interes mula sa parehong mga maliliit at pang-institusyong mangangalakal. Isang makabuluhang pagpokus para sa Solana Foundation ay ang gumawa ng disentralisadong pinansya sa mas malaking proporsyon.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Solana?

Si Anatoly Yakovenko ay ang pinakamahalagang tao sa likod ng Solana. Nagsimula ang kanyang propesyonal na karera sa Qualcomm, kung saan agad na umakyat ang kanyang ranggo at naging senior staff engineer manager noong 2015. Sa kalaunan, ang kanyang propesyonal na landas ay nagbago, at pinasukan ni Yakovenko ang isang bagong posisyon bilang isang software engineer sa Dropbox.

Noong 2017, sinimulan ni Yakovenko ang pagtatrabaho sa isang proyekto na kalaunan ay maisasakatuparan bilang Solana. Nakipagtulungan siya sa kanyang kasamahan sa Qualcomm na si Greg Fitzgerald, at itinatag nila ang isang proyektong tinatawag na Solana Labs. Habang nangyayari, nakaakit ito ng ilang dating kasamahan sa Qualcomm, ang Solana Protocol at SOL token ay inilabas sa publiko noong 2020.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Solana?

Isa sa mga mahahalagang pagbabagong inihahain ng Solana ay ang proof-of-history (PoH) konsensus na binuo ni Anatoly Yakovenko. Ang konseptong ito ay nagbibigay-daan para sa mas mahusay na scalability ng protokol, na nakapagbubunsod naman sa kakayahang magamit ito.

Kilala ang Solana sa espasyo ng cryptocurrency dahil sa kahanga-hangang maikling oras ng pagproseso na iniaalok ng blockchain. Ang hybrid protocol ng Solana ay nagbibigay-daan para sa malaking pagkabawas sa oras ng pagpapatunay o validation time para sa parehong transaksyon at pagsasagawa ng matalinong kontrata. Dahil sa sing-bilis ng kidlat na oras ng pagproseso, nakaakit rin ang Solana ng maraming pang-institusyong interes.

Ang Solana protocol ay naglalayong pagsilbihan ang parehong mga maliliit at pangnegosyong kostumer. Isa sa mga pangunahing pangako ng Solana sa mga kostumer ay ang hindi sila magugulat ng mga nadagdagang bayarin at buwis. Ang protokol ay dinisenyo sa paraan na magkakaroon ng mababang gastusin sa transaksyon habang ginagarantiya ang maramihan at mabilis na pagpoproseso.

Pinagsama ang matagal nang propesyonal na kadalubhasaan na dala sa proyekto ng mga tagalikhang sina Anatoly Yakovenko at Greg Fitzgerald, ang Solana ay may ranggong ika-42 sa pagraranggo ng CoinMarketCap hanggang noong Pebrero 2021.

Mga Kaugnay na Page:

Magbasa pa tungkol sa Steem.

Tingnan ang Martin.

Matutunan ang higit pa tungkol sa Disentralisadong Pinansya (DeFi).

Tingnan ang CoinMarketCap blog.

Gaano Karaming Solana (SOL) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Inanunsyo ng Solana Foundation na may kabuuang 489 milyong SOL token ang ilalabas sa sirkulasyon. Sa sandaling ito, halos 260 milyon ng mga ito ang nakapasok na sa merkado.

Ang pamamahagi ng SOL token ay ang sumusunod: 6.23% ang napunta sa paunang (initial seed) bentahan, 12.92% ng tokens ay inilaan sa bentahan ng pagkakatatag (founding sale), 12.79% ng SOL coins ay ipinamahagi sa mga miyembro ng team at 10.46% ng tokens ay ibinigay sa Solana Foundation. Ang natitirang tokens ay nailabas na para sa pampubliko at pribadong pagbebenta o ilalabas pa lang sa merkado.

Paano Sine-secure ang Solana Network?

Ang Solana ay umaasa sa isang natatanging kombinasyon ng mga proof-of-history (PoH) at proof-of-stake (PoS) konsensus na mekanismo.

Ang proof-of-history ay ang pangunahing sangkap ng Solana protocol, dahil ito ang responsable sa malaking bahagi ng pagproseso ng transaksyon. Nagrerekord ang PoH ng matatagumpay na operasyon at ang oras na lumipas sa pagitan ng mga ito, kaya tinitiyak ang walang tiwalang (hindi na nangangailan ng tiwala) kalikasan ng blockchain.

Ang proof-of-stake (PoS) konsensus ay ginagamit bilang kasangkapan sa pagsusubaybay para sa mga proseso ng PoH, at pinatutunayan nito ang bawat pagkakasunud-sunod ng mga block na ginawa nito.

Ang kombinasyon ng dalawang konsensus na mekanismo ay ginagawang isang natatanging kababalaghan ang Solana sa industriya ng blockchain.

Saan Ka Makakabili ng Solana (SOL)?

Ang SOL tokens ay maaaring mabili sa karamihan ng mga exchange o palitan. Isang pagpipilian upang ikalakal ang Solana ay sa Binance, dahil ito ang may pinakamataas na SOL/USDT trading volume, $8,947,213 mula noong Pebrero 2021.

Susunod ay ang OKEx, na may trading volume na $6,180,820. Iba pang mga pagpipilian upang ikalakal ang Solana ay kinabibilangan ng Bilaxy at Huobi Global. Siyempre, mahalagang tandaan na ang pamumuhunan sa cryptocurrency ay may kasamang peligro, tulad ng anumang iba pang oportunidad sa pamumuhunan.

Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka:

  • Ano ang Crypto Faucet?
  • Ano ang mga Crypto Debit Card?
  • Ano ang Web 3.0?
  • Ano ang Yield Farming?
  • Ano ang Pagpapautang ng Crypto o Crypto Lending?
Mga detalye
SOL
¥ CNY

Solana Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #6
  • Dominance sa Market
    2.68%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
    2020-03-16
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan