Front page/ Cryptocurrency/ XLM
Stellar

Stellar XLM

Rank #14 Kasama
StellarPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.29%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.03%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

XLM Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

XLM Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Stellar

Ano ang Stellar (XLM)?

Sa simpleng salita, ang Stellar ay isang bukas na network na nagpapahintulot sa pera na mailipat at maitabi. Noong ito ay inilabas noong Hulyo 2014, isa sa mga adhikain nito ay ang ibunsod ang pinansyal na pagkabilang sa pamamagitan ng paglapit sa mga tao sa buong mundo na hindi nakapagbabangko — ngunit sa kalaunan, ang mga prayoridad nito ay lumipat sa pagtulong sa mga pinansyal na kumpanya na kumonekta sa isa't isa sa pamamagitan ng teknolohiyang blockchain.

Ang mga likas na token, lumens ng network, ay nagsilbing tulay na ginagawang hindi kamahalan ang mangalakal ng assets sa ibayo ng mga hangganan o borders . Ang lahat ng mga ito ay naglalayong hamunin ang mga umiiral na payment provider, na madalas ay naniningil ng matataas na bayarin para sa kahalintulad na serbisyo.

Kung ang lahat ng mga ito ay tila pamilyar, sulit na pakatandaan na ang Stellar ay orihinal na ibinatay sa Ripple Labs na protokol. Ang blockchain ay nalikha bilang resulta ng radikal na pagbabago o hard fork , at ang code ay kasunod na isinulat.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Stellar?

Si Jed McCaleb ang nagtatag ng Stellar kasama ang abugadong si Joyce Kim pagkatapos na lisanin ang Ripple noong 2013 dahil sa mga hindi pagkakasundo tungkol sa hinaharap na direksyon ng kumpanya.

Sa pagpapaliwanag ng katwiran sa likod ng Stellar noong Setyembre 2020, sinabi ni McCaleb sa CoinMarketCap: "Ang buong orihinal na disenyo ng Stellar ay maaari kang magkaroon ng fiat currencies at iba pang mga uri na halos tumatakbo ng may pare-parehong halaga sa isa't isa at sa mga crypto assets. Ito ay labis-labis na mahalaga upang maihatid ang bagay na ito sa normal na daloy ng buhay."

Ang tunguhin ni McCaleb ay ang tiyakin na ang Stellar ay makapagbibigay sa mga tao ng isang paraan para ilipat ang kanilang fiat papunta sa crypto — at tanggalin ang aligasgas na normal na nararanasan ng mga tao kapag sila ay nagpapadala ng pera sa mga lugar sa buong mundo.

Kasalukuyan siyang naninilbihan bilang ang CTO ng Stellar, pati na rin ang pagiging kapwa tagapagtatag ng Stellar Development Foundation. Ang organisasyong ito na hindi para sa kita (non-profit) ay naglalayong "pakawalan ang pang-ekonomiyang potensyal ng mundo sa pamamagitan ng banayad na daloy ng pera, mas bukas na mga merkado, at mas pinalakas na mga tao.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Stellar?

Ang mga bayarin ay nakapang-iirita sa marami. Gayunpaman, ang matataas na gastusin kapag gumagawa ng mga tawid-hangganang (cross-border) pagbabayad ay hindi lamang eksklusibo sa mga solusyon ng pagbabayad na nakabatay sa fiat tulad ng PayPal — may mga napag-alaman din na gastusin na sobra-sobra ang taas sa mga Bitcoin at Ethereum blockchain dahil sa paninikip.

Bukod-tangi ang Stellar dahil ang bawat transaksyon ay nagkakahalaga lang ng 0.00001 XLM. Kung titingnan kung paano nangyari na ang isang unit ng cryptocurrency na ito ay nagkakahalaga lamang ng ilang sentimo sa oras ng pagsusulat, tumutulong itong magtiyak na ang mga user ay nagagawang makuha ang higit sa kanilang mga pera.

Kakaunting proyekto ng blockchain ang nagawang i-secure ang mga pagkakasosyo (partnerships) sa malalaking brand na mga kumpanyang teknolohiya at mga kumpanyang fintech. Ilang taon na ang nakakaraan, nagsanib ang Stellar at IBM upang ilunsad ang World Wire, isang proyekto na pinahintulutan ang malalaking pinansyal na institusyon na magsumite ng mga transaksyon sa Stellar network at makipagtransaksyon gamit ang bridge assets tulad ng stablecoins.

Bagaman ang ilang mga blockchain ay mayroong mga pondong pangkomunidad, ibig sabihin na ang grants ay maaaring ibigay sa mga proyekto na mas lalong tumutulong sa ecosystem, ang Stellar ay nagbibigay-daan sa mga user na ito na bumoto sa kung aling pakikipagsapalaran ang dapat na bigyan ng suportang ito.

Mga Kaugnay na Page:

Alamin ang higit pa tungkol sa XRP, ang cryptocurrency na pinaghugutan ng XLM

Basahin ang panayam ng Crypto Titans kay Jed McCaleb ng Stellar

CMC Alexandria: ang pinakamagandang mapagkukunan ng kaalaman para sa crypto

Mas marami pang mga panayam sa CoinMarketCap Blog

Gaano Karaming Stellar (XLM) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Kabuuan na 100 bilyong XLM ang inisyu nang ang Stellar network ay inilunsad noong 2015 — ngunit nagbago na ang mga bagay mula sa petsa ng paglabas. Sa kasalukuyan, ang kabuuang supply ay nasa 50 bilyong XLM, at ang umiikot sa sirkulasyon na supply ay kasalukuyang 20.7 bilyon.

Noong 2019, inansyu ng Stellar Development Foundation na pinawawalang-halaga nito ang higit sa kalahati ng supply ng cryptocurrency. Nangangahulugan na kinokontrol na nito ngayon ang humigit-kumulang na 30 bilyong XLM. Habang ang ilan sa mga kapital ay inilaan para sa marketing at pagtulong na umunlad ang organisasyon, halos isang-katlo (one third) ay nakareserba para sa paggawa ng mga pamumuhunan sa iba pang mga pakikipagsapalaran sa blockchain.

Ipinaliliwanag kung bakit ginawa ang marahas na pagkilos na ito — at nangangakong hindi ipawawalang-halaga ang alinmang higit na XLM sa hinaharap — ipinaliwanag ito ng pundasyon: Maaaring mas maliksi ang SDF at nagagawa ang trabaho na nalikhang gawin nito gamit ang mas kaunting lumens... Iyong 55.5 bilyong lumens ay hindi na patataasin ang paggamit ng Stellar."

Paano Sine-secure ang Stellar Network?

Ang network na ito ay sine-secure gamit ang Stellar Consensus Protocol, na inilarawan bilang may apat na pangunahing katangian: "Disentralisadong kontrol, mababang latency, nakakaangkop na tiwala, at asymptotic na seguridad."

Sa pamamagitan ng SCP, ang sinuman ay magagawang sumali sa proseso ng pagkamit ng konsensus, at walang nag-iisang (single) entidad sa huli ang makakakuha ng mayorya ng kapangyarihan sa paggawa ng desisyon. Ang mga transaksyon ay murang nakukumpirma at sa loob lang ng ilang segundo — at ang mga pag-iingat ay nakapwesto na sakaling may mga masamang kikilos para tangkaing salihan ang network.

Saan Ka Makakabili ng Stellar (XLM)?

Sinasabi ng Stellar na ang XLM ay nakalista sa maraming nangungunang mga exchange — kabilang ang Binance, Coinbase, Kraken, Bittrex, Bitfinex, Upbit at Huobi. Karaniwan din na i-convert ang fiat sa Bitcoin bago bumili ng altcoins, at maaari mong malaman ang higit pa tungkol sa kung paano ito ginagawa gamit ang aming gabay.

Mga detalye
XLM
¥ CNY

Stellar Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #14
  • Dominance sa Market
    0.29%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan