Front page/ Cryptocurrency/ STORJ
Storj

Storj STORJ

Rank #321 Kasama
StorjPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.14%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

STORJ Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 1Y
  • ALL

STORJ Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Storj

Ano ang Storj (STORJ)?

Ang Storj, binibigkas bilang "storage," ay isang bukas na mapagkukunang cloud storage platform. Sa kapayakan, ito ay gumagamit ng isang disentralisadong network ng mga node upang mag-host ng user data. Ang platform ay nagsesecure din ng hosted data gamit ang masulong na enkripsyon.

Sa isang white paper na inilathala noong Disyembre 2014, unang ipinakilala ang Storj sa mundo bilang isang konsepto. Ito ay para maging isang peer-to-peer encrypted cloud storage platform.

Pagkaraan ng dalawang taon, inilathala ang updated na white paper. Dito, isang disentralisadong network — kumokonekta sa mga user na nangangailangan ng cloud storage space sa mga mayroong hard drive space na ibebenta — ang inilarawan. Ang platform ay inilunsad noong kahulihan ng 2018.

Ang mga taong may hard drive space at magandang koneksyon sa internet ay maaaring lumahok sa network. Sila ay naging iisang unit sa network, na tinatawag na isang node. Ang mga tagapagbigay ng espasyo o space providers ay ginagantimpalaan ng Storj tokens.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Storj?

Ang Storj ay itinatag ni Shawn Wilkinson noong Mayo 2014. Isang software developer si Wilkinson na nakabase sa Atlanta. Nakita niya kung paano ang blockchain technology ay maaaring i-leverage upang magtayo ng isang disentralisadong cloud storage network.

Kasama ang kanyang kapwa tagapagtatag, si John Quinn, ang unang white paper ay inilathala noong kahulihan ng 2014. Mula noon, nagbago na ang konsepto at mga detalye. Ang kasalukuyang bersyon ng Storj, ang V3, ay inilunsad sa kalagitnaan ng 2019.

Bukod pa sa pagiging isang tagahanga ng blockchain, si Quinn ay may malawak na background sa pagbubuo ng negosyo. Bago niya itinatag ang kanyang mga sariling proyekto (kabilang ang Storj), siya ay napabilang na sa industriya ng pamumuhunang pagbabangko. Sa wakas, ang konsepto ay itinala bilang isang kumpanya — ang Storj Labs Inc. noong Mayo 2015.

Sa pagsisimula ng kumpanya, nagsilbi bilang CEO si Wilkinson. Kalaunan, siya ay nagbitiw para sa mas ekspiryensyadong pagmamando, kasama si Ben Golub na kasalukuyan ay naglilingkod bilang CEO. Si Wilkinson ngayon ay ang chief strategy officer (CSO), habang si Quinn ay nagsisilbi bilang chief revenue officer (CRO) pati na rin bilang isang miyembro ng lupon ng kumpanya.

Ang platform ay nagawang makalikom ng 910 bitcoin na nagkakahalaga ng $460,000 noong 2014 sa isang pampublikong crowd-sale. Nakalikom sila ng $3 milyon sa isang seed funding round tatlong taon ang nakalipas at pagkatapos ay nagdaos ng bentahan ng token o token sale, na lumikha ng karagdagang $30 milyon sa taon ding iyon.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Storj?

Bilang isang disentralisadong cloud storage network, ang Storj ay natatangi sa maraming mga paraan. Isa rito, hindi tulad ng mga tradisyonal na cloud storage solution na nag-iimbak ng data sa malalaking data center, ang Storj ay tumatakbo sa isang network ng libo-libong mga independyenteng kompyuter.

Ang sinuman na may ilang mga dagdag na terabytes ng espasyo ay maaaring maging isang node sa platform sa pamamagitan ng pag-install ng Tardigrade. Ang kailangan lang ay isang malakas at hindi pabago-pabagong koneksyon ng internet.

Ang kahusayan ng network ay nangangahulugan na ang mga host ay nagbabayad ng mas kaunti para sa imbakan ng kanilang data kaysa kapag gumamit ng mga serbisyo ng tradisyonal na cloud storage.

Gaano Karaming Storj Coins ang nasa Sirkulasyon?

Noong una halos 500 milyong $Storj tokens ang minint sa Ethereum blockchain. Matapos maghost ng bentahan ng token ang Storj Labs, 75 milyon sa mga ito ang tinanggal. Ngayon ang kabuuang tokens na available sa sirkulasyon ay kulang lang ng kaunti sa 425 milyon.

Noong 2017, bago ang bentahan ng token, ang kumpanya ay nag-lock up ng 245 milyong token sa isang reserba. Ang bentahan ng token mismo ay may 70 milyong token na inilabas sa sirkulasyon.

Paano Sine-secure ang Storj Network?

Ang Storj Labs Inc., ay gumagamit ng kanyang Tardigrade software na naka-install sa mga node computer upang lumikha at i-secure ang user data. Ang network na ito ng walang pagkakakilanlang mga node ay tinatanggal ang pangangailangan na pagkatiwalaan ang mga tagapagbigay ng cloud storage service upang matiyak ang privacy ng aming data.

Ang sistema ay peer-to-peer encrypted din, na nangangahulugan na ang bawat file ay naka-encrypt bago maikalat sa network ng mga independyenteng host. Ang bawat isang node ay tumatanggap lamang ng random na piraso ng buong file na may decryption keys na hinati sa bawat node at sa host, ginagawa itong halos imposibleng i-hack.

Ang mga node operator ay ginagantimpalaan para maghost ng data pati na rin ang pagkukumpirma sa kaligtasan at pagpapanatili ng mga random na hosted file sa isang proseso na kilala sa mundo ng crypto bilang pagmimina (PoW). Ang Storj token ay ginagamit para sa layuning ito. Ang mga indibidwal o organisasyon na gustong mag-imbak ng kanilang data sa network ang nagbibigay ng Storj tokens na ibinabayad sa nodes.

Tinitiyak ng sistemang ito na protektado ang user data laban sa mga panghahack at iba pang mga malisyosong pag-atake. Tinatanggal rin nito ang peligro ng pag-iimbak ng data sa ilang malalayong storage unit ng data — na maaaring mapasailalim sa isang planado, nakoordinang pag-atake, na humahantong sa pagkawala ng user data.

Saan Ka Makakabili ng Storj Coins?

Bilang isa sa mga pinakamaagang blockchain solution, ang token ng Storj ay may pagkalikida. Higit sa limampung exchange platform ay may nakalistang pares ng $Storj kasama ang iba pang malalaking currency at cryptocurrency, kabilang ang Crypto.com at Binance. Maaari ka ring gumawa ng isang direktang kombersyon ng USD at Euro sa Kraken.

Alamin ditokung paano pinakikinabangan ng iba pang mga platform ang Ethereum blockchain upang makapaghimok ng pagbabago.

Mga detalye
STORJ
¥ CNY

Storj Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #321
  • Dominance sa Market
    0%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan