-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Tether (USDT) ay isang digital currency na may halaga na isinadya para salaminin ang dolyar ng U.S. Inilunsad noong 2014, ang ideya sa likod ng Tether ay ang lumikha ng isang matatag na cryptocurrency na maaaring gamitin na katulad ng mga digital na dolyar, o "stablecoins." Ang tethers ay inangklahan, o "itinali," sa presyo ng dolyar ng U.S.
Bagama't paunang ginamit ng Tether ang Omni Layer ng Bitcoin network bilang kanyang protokol sa transportasyon, ang Tether sa ngayon ay available na bilang isang ERC20 token sa Ethereum. Sa kabuuan, Ang Tether ay iniisyu sa Bitcoin (parehong Omni at Liquid Protocol), Ethereum, EOS, at Tron blockchains.
Ang Tether tokens ay iniisyu ng Tether Limited, na may parehong CEO sa crypto exchange na Bitfinex. Dati nang inaangkin ng Tether na ang Tether currencies ay 100% inaalalayan o na-backup ng mga reserba ng Tether, ngunit pagkatapos na banggitin ng mga abogado ng Tether noong 2019 na mayroon lamang 74% na pag-alalay sa Tether, o isang praksyonal na reserba, binanggit ng Tether na ang depinisyon ng kabuaang pag-alalay o backing ay kinabibilangang ng mga pautang sa mga kaanib (affiliate) na kumpanya.
Ginagamit ang Tether bilang isang paraan upang limitahan ang pagkasumpungin o pabago-bago (volatility) ng crypto market dahil sa kanyang katatagan. Dahil ang bawat USDT token ay iniuugnay sa isang dolyar, ang pagtatabi ng pera sa Tether ay pumoprotekta dito mula sa karaniwang pagkasumpungin ng cryptocurrency market. Isang malaking bahagi ng pangangalakal ng Bitcoin ay ginagawa sa Tether sa kadahilanang ito, dahil maaaring ang fiat ay maging daan papunta o daan papalayo para sa kalakalan ng crypto.
Maaari kang bumili ng Tether sa alinmang cryptocurrency exchange na nag-aalok nito. Para sa pinakabagong listahan ng mga exchange at trading pair para sa cryptocurrency na ito, mag-click sa aming market pairs tab. Huwag kalimutang gawin ang sarili mong pananaliksik o research bago pumili ng exchange.