-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Tezos ay isang blockchain network na nakabatay sa mga matatalinong kontrata, sa paraan na hindi ito gaanong naiiba sa Ethereum. Gayunpaman, may malaking pagkakaiba: Nilalayon ng Tezos na maghandog ng imprastraktura na mas masulong (advanced) — ibig sabihin ay nagagawa nitong magbago at magpahusay sa pagdaan ng panahon nang walang panganib ng isang radikal na pagbabago o hard fork . Ito ay isang bagay na napagdusahan ng parehong Bitcoin at Ethereum mula nang sila ay ilikha. Ang mga taong may hawak na XTZ ay maaaring bumoto sa mga panukala para sa mga upgrade ng protokol na inilatag ng mga tagapagbuo ng Tezos.
Ang bukas na mapagkukunang platform na ito ay tinagurian ang sarili niya bilang "secure, naa-upgrade at itinayo para magtagal" — at nagsabi na ang kanyang lengguwahe ng matalinong kontrata ay nagbibigay ng katumpakan na kinakailangan para sa mga kaso ng paggamit na may matataas na halaga. Ayon sa Tezos, ang pamamaraan nito na hindi naaapektuhan ng hinaharap (futureproof) at "mananatiling napakamoderno patungo sa hinaharap," ay nangangahulugan na kaya nitong akapin ang mga pagpapaunlad sa teknolohiyang blockchain.
Ang teknolohiyang sumasaligan sa Tezos ay unang ipinanukala sa isang white paper na inilabas noong Setyembre 2014. Pagkatapos ng serye ng pagkaantala, inilunsad ang Tezos mainnet apat na taon kalaunan.
Si Arthur Breitman ay ang taong sumulat ng Tezos white paper— at ito ay sa pagsang-ayon ni Satoshi Nakamoto, isinulat niya ang kanyang mga ginawa sa ilalim ng sagisag-panulat na L.M. Goodman. Kanyang idiniskusyon na isa sa mga pinakamalaking kabiguan ng Bitcoin ay ang kakulangan ng isang proseso ng pamamahala na nag-iimbita ng mga kontribusyon mula sa komunidad na gumagamit ng network — pati na rin ang katotohanan na hindi makapag-iisyu ng mga bagong token sa pamamagitan ng blockchain na ito.
Siya at ang kanyang asawa na si Kathleen ay nagtatag ng isang startup (bagong kumpanya) na tinawag na Dynamic Ledger Solutions na inatasang magsulat ng code na sasaligan sa Tezos protocol. Ang kumpanyang ito sa dakong huli ay binili ng Tezos Foundation para tiyakin na pinag-aari nito ang lahat ng karapatan sa intelektwal na pag-aaari na may kaugnayan sa network.
Bagaman ang staking ay pangkaraniwan sa ibayo ng mga blockchain, may kakaibang paandar ang Tezos sa prosesong ito. Maaaring masangkot ang mga kalahok sa pamamahala ng network sa pamamagitan ng "baking", kung saan ay epektibo silang nagtataya o nag-i-stake ng 8,000 XTZ. Lumilikha ito ng isang pinansyal na insentibo para kumilos nang matapat.
Ang mga baker pagkatapos ay inaatasan sa pagboboto sa mga ipinanukalang pagbabago sa code ng blockchain sa isang apat na hakbang na pamamaraan na inaabot ng humigit-kumulang na 23 araw. Ang mga panukalang nakatanggap ng suporta mula sa malawak na mayorya ng kalahok ay isinasalang sa isang testnet nang 48 oras at ganap na ipinapatupad kung sila ay suportado ng labis na mayorya o super majority .
Bukod-tangi rin ang Tezos dahil sa kung paano ito nagsimulang gamitin ng mga high-profile na negosyo. Noong Setyembre 2020, inanunsyo na ang napakalaking bangko ng mga Pranses na Societe Generale ay nagplanong gamitin ang blockchain na ito para sa pag-eeksperimento sa isang digital currency ng central bank.
Ang malalaking cryptocurrency exchange tulad ng Binance at Coinbase ay naglabas din ng pagsuporta para sa Tezos staking, nangangahulugan na ang mga user ay maaaring tumanggap ng rewards base sa XTZ na kanilang hawak. Ito ay hindi isang tampok na nakikita nang malawakan sa ibayo ng digital assets.
Mga Kaugnay na Page:
Basahin ang malalimang kaalaman sa teknolohiya sa CMC Alexandria
Glossary: Ano ang staking?
Tuklasin kung aling mga crypto ang kamakailan ay naidagdag sa CMC
CoinMarketCap Blog: Ang pinakabagong mga tampok at analisis
Ang aming data ay nagpapakita na 743,862,304 XTZ ang nasa sirkulasyon sa oras ng pagsusulat.
Isang bentahan ng token para sa Tezos ang ginanap dati pang Hulyo 2017 — at nong ICO na ito, isang kabuuang 65,681 BTC at 361,122 ETH ang nalikom. Nong panahong yon, ito ay nagkakahalaga ng $232 milyon, pinatatag ang puwesto nito bilang isa sa mga pinakamalaking initial coin offering na kailanman ay naganap.
Habang 80% ng paunang supply na ito ay napunta sa mga mamumuhunan, ang 20% ay hinati nang pantay sa pagitan ng Tezos Foundation at Dynamic Legder Solutions.
Ang paglunsad ng mainnet ay inantala ng isang serye ng paghahabla mula sa ilang may hinanakit na mamumuhan, na nakipagtalo na ang XTZ ay nagkakahalaga sa mga hindi rehistradong panagot o securities.
Tulad ng iba pang mga blockchain, gumagamit ang Tezos ng isang proof-of-stake konsensus na mekanismo.
Ang sinuman ay maaaring maging isang validator at makapag-ambag sa banayad na takbo ng network sa pamamagitan ng paggawa ng isang depositong pangseguridad. Para bigyang insentibo ang matapat na pag-uugali, nagbibigay ng rewards sa mga taong nagtatrabaho sa pinakamagagandang interes ng blockchain — at iyong mga kumikilos nang hindi matapat ay namemeligrong mawala ang kanilang mga pamumuhunang taya o stake sa kabuuan.
Ang XTZ, kung hindi man ay kilala sa maikling tawag na "tez", ay maaaring mabili mula sa karamihan ng malalaking exchange — kabilang ang Binance, Coinbase at iba pa. Ang mga pares sa pangangalakal o trading pairs ay pinagsasama ang XTZ sa fiat currencies, pati na rin ang iba pang cryptocurrencies tulad ng Bitcoin. Kung naghahanap kang i-convert ang fiat sa Bitcoin, maaari mong basahin ang isang kumprehensibong gabay dito.