Front page/ Cryptocurrency/ TFUEL
Theta Fuel

Theta Fuel TFUEL

Rank #196 Kasama
Theta FuelPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Explorers
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.02%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

TFUEL Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 1Y
  • ALL

TFUEL Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Theta Fuel

Ano ang Theta Fuel (TFUEL)?

Ang Theta Fuel (TFUEL) ay isa sa dalawang likas na token sa Theta blockchain. Ang TFUEL ay hindi dapat ipagkamali para sa Theta Token (THETA), na kung saan ang pamamahalang token ng Theta blockchain ay suportado ng libo-libong Guardian nodes na pinatatakbo ng komunidad at kanyang Enterprise validators kabilang ang Google, Binance, Blockchain ventures, Gumi at Samsung.

Ang TFUEL ay ang ikalawang token sa Theta blockchain na nagsisilbi bilang utility token sa disentralisadong video at paghahatid ng data, ito rin ay gumaganap bilang isang gas token. Nangangahulugan na ito ay ginagamit upang palakasin ang lahat ng mga operasyon sa Theta blockchain, tulad ng mga pagbabayad sa mga relayer para sa pagbabahagi ng isang video stream, para sa pagde-deploy at pakikipag-ugnayan sa matatalinong kontrata, at bilang bayarin o fees na kaugnay sa pakikipag-transaksyon sa mga aplikasyon ng NTFs at DeFi.

Bukod pa rito, ginagamit din ito upang bigyang insentibo ang mga user sa ecosystem na nagbabahagi ng kanilang paulit-ulit na lakas sa pagkukuwenta bilang Edge Compute nodes pati na rin ang bandwidth resources bilang Edge Caching nodes para sa mga video stream at iba pang data.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Theta?

Ang Theta Fuel, at sa pagpapalawig, ang buong TheTa Ecosystem, ay kapwa itinatag nina Mitch Liu at Jieyi Long noong 2017. Si Liu ay may isang mahabang kasaysayan sa paglalaro, video at industriya ng virtual reality, kapwa itinatag ang video advertising firm na Tapjoy, ang mobile social gaming startup na Gameview Studios, at THETA.tv, ang live streaming platform na DApp na unang naitayo sa Theta protocol.

Si Jieyi Long ay ang ikalawang kapwa tagapagtatag ng Theta at CTO, kasunod ng katulad na maraming taon ng karanasan sa pagdisenyo ng automation, paglalaro o gaming, VR, at malakihang mga ipinamamahaging sistema. Inakda niya ang mga akademikong papel na ni-review ng mga kauri at naghahawak ng iba't ibang mga patent sa video streaming, blockchain at virtual reality.

Ang Theta ngayon ay may disenteng koponan, at ang opisyal na website nito ay inililista ang mga estratehikong mamumuhunang kumpanya tulad ng Samsung NEXT, Sony Innovation Fund, mga mamumuhunang media na BDMI Bertelsmann Digital Media Investments, CAA Creative Artists Agency, at tradisyonal na Silicon Valley VCS kabilang ang DMC, Sierra Ventures, at ang VR Fund.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Theta Fuel?

Ang pangunahing kaso sa paggamit ng Theta ay ang pagdidisentralisado ng video streaming, paghahatid ng data at edge computing, ginagawa itong mas mahusay, mura at patas para sa mga kalahok sa industriya. Ang network ay tumatakbo sa isang likas na blockchain, na may dalawang likas na token, na kilala bilang Theta (THETA) at Theta Fuel (TFUEL), pinalalakas ang panloob na ekonomiya.

Ang kariktan ng Theta ay may tatlong bahagi: nakakakuha ang mga manonood ng mas mahusay na kalidad ng serbisyo ng streaming, napagpapabuti ng mga tagalikha ng nilalaman ang kanilang kita at kanilang mga tagapamagitan (middlemen) — mga video platform — nakatitipid ng pera sa pagtatayo ng imprastraktura at nakapagdadagdag ng mga kita sa advertising at subskripsyon. May insentibo ang mga user para parehong manood ng nilalaman ng network at magbahagi ng mga mapagkukunan ng network, dahil ang mga gantimpala o rewards ay dumarating sa anyo ng THETA tokens.

Ang platform ay bukas na mapagkukunan o open source, at ang mga may hawak ng token ay tumatanggap ng kapangyarihan sa pamamahala tulad din ng maraming blockchain ecosystem na batay sa proof-of-stake (PoS). Dagdag pa sa video, data at computing, nagsisilbi ang Theta sa mga developer na naghahanap na maglunsad ng mga disentralisadong aplikasyon (DApps) tulad ng DeFi at NFTs sa kanyang ganap na itinampok na platform ng matalinong kontrata na EVM-compatible.

Gaano Karaming Theta Fuel (TFUEL) Coins ang Nasa Sirkulasyon?

Tulad ng nabanggit kanina, may dalawang coins sa Theta ecosystem; ang THETA at TFUEL. Ang parehong coins ay ginagamit bilang mga pangunahing kasangkapan para sa pakikipag-ugnayan sa Theta blockchain, subalit nagsisilbi ng iba't-ibang mga punsyon.

Sa kasalukuyan ay may 5,232,675,200 TFUEL coins sa sirkulasyon, na lumalaki bawat taon habang nalilikha ang bagong TFUEL para sa staking rewards. Ang Theta Tokens ay nakapirmi at nasa kanilang maximum supply, na nangangahulugan na mayroong 1,000,000,000 coins sa sirkulasyon na hindi kailanman madadagdagan.

Ang Theta ay tumatakbo sa proof-of-stake na algoritmo, na ibig sabihin na ang staking ay posible. Dahil ang halaga ng THETA sa sirkulasyon ay ang maximum supply na kailanman ay hindi na magbabago, ang TFUEL ay ang reward para sa staking sa network. Para magkwalipika para sa staking, kailangan mong mag-stake ng hindi bababa sa 1,000 THETA sa isang Guardian Node o patakbuhin ang sarili mong Guardian Node.

Paano Sine-secure ang Theta Network?

Ang Theta Blockchain ay umaasa sa isang proof-of-stake konsensus na algoritmo. Gayunman, ito ay nagdaragdag ng isang multi-level Byzantine Fault Tolerance(BFT) konsensus na mekanismo sa kanyang blockchain upang makamit ang mas mahusay na seguridad kasama ang mas mataas na transaction throughput o ang halaga na dumadaan sa sistema.

Noong panahong inilunsad ang Theta Mainnet noong Marso 2019, ipinakilala ng Theta ang Guardian Nodes. Gamit ang Guardian Node, walang iisang entidad ang kumokontrol sa karamihan ng THETA tokens na ini-stake sa anumang iisang panahon. Lalo itong tumutulong sa network na makamit ang isang mataas na transaction throughput na 1000+ TPS.

Gumagamit ang Theta ng isang pinansyal na insentibong scheme para tiyakin ang partisipasyon ng user sa mga aktibidad ng pamamahala, at kaya naman ang network nito ay sine-secure ng sariling mga user nito.

Mga Kaugnay na Page:

Sumusubok alamin ang iyong landas bilang isang baguhan sa crypto? Mahanap ang mga kasagutan sa lahat ng inyong mga katanungan sa Alexandria, ang dedikadong mapagkunan ng kaalaman ng CoinMarketCap.

Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka:

  • Ano ang Crypto Faucet?
  • Ano ang mga Crypto Debit Card?
  • Ano ang Web 3.0?
  • Ano ang Yield Farming?
  • Ano ang Pagpapautang ng Crypto o Crypto Lending?
Mga detalye
TFUEL
¥ CNY

Theta Fuel Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #196
  • Dominance sa Market
    0%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
  • Mga Insentibo
  • Puting papel
  • Panlipunan