-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang THORCHain ay isang disentralisadong protokol ng paglikida na nagbibigay-daan sa mga user upang madaling makipagpalitan ng cryptocurrency assets sa buong hanay ng mga network nang hindi nawawala ang buong pag-iingat ng kanilang assets sa proseso.
Sa THORChain, ang mga user ay simpleng makakapagswap ng isang asset para sa isa pang asset sa isang pagsasaayos na wala ng pahintulot (permissionless), nang hindi kinakailangang umasa sa order books upang magawa ang paglikida. Sa halip, ang mga presyo sa merkado ay pinananatili sa pamamagitan ng ratio ng assets sa isang pool (tingnan ang automated market maker).
Ang likas na utility token ng THORChain platform ay ang RUNE. Ito ay ginagamit bilang base currency sa THORChain ecosystem at ginagamit din para sa pamamahala at seguridad ng platform bilang bahagi ng Sybil resistance mechanisms ng THORChain — dahil ang THORChain nodes ay dapat na mangako sa isang minimum na 1 milyong RUNE upang lumahok sa proseso ng paikot na konsensus.
Ang THORChain ay pinondohan sa pamamagitan ng isang initial DEX offering (IDO) na inilunsad sa pamamagitan ng Binance DEX noong Hulyo 2019. Ang mainnet nito ay orihinal na inilunsad noong Enero 2021, ngunit ang isang multi-chain upgrade ay kasalukuyang nakaiskedyul para sa 2021.
Ayon sa isang opisyal na kinatawan ng THORChain, ang platform ay walang CEO, walang tagapagtatag at walang mga direktor. Sa halip, ang karagdagang pagpapaunlad ng platform ay inorganisa sa pamamagitan ng Gitlab.
Maliban pa rito, yaong mga nagtatrabaho sa proyekto karamihan ay walang pagkakakilanlan. Muli, isang opisyal na kinatawan ng mga estado ng THORChain ay nagsabing ito ay para "protektahan ang proyekto at tiyakin na ito ay makapagdidisentralisado."
Isang tweet ng proyekto ay nagbibigay linaw sa teorya sa likod ng pagpapanatili sa isang proyekto na ginagawa ng isang walang pagkakakilanlang koponan, tulad ng binanggit sa ibaba:
"-> Ang mga developer ay nagtatrabaho para sa Nodes, sa pamamagitan ng pagpapadala ng code na ginagawang mas mahalaga ang sistema.
-> Ang Nodes ay gumagana para sa Stakers, sa pamamagitan ng pagse-secure ng assets at pagiging online.
-> Ang Stakers ay nagdadala ng kapital, na inilagay sa merkado para sa mga Magsaswap.
-> Ang mga Magsaswap ay magbabayad ng fees, nagdadala ng aktibidad sa ekonomiya."
Ang THORChain ay gumagamit ng isang natatanging sistema upang makatulong na mapaglabanan ang isyu ng "impermanenteng pagkalugi" — o ang madalas na pansamantalang pagkalugi na maaaring maranasan ng isang tagapaglikida kapag nag-aambag sa mga pool ng paglikida. Ito ay nakakamit nito sa pamamagitan ng paggamit ng slip-based fee para tumulong tiyakin na nananatili ang paglikida kung saan ito kailangan.
Higit pa rito, pinagsasama ng THORChain ang isang hanay ng mga bagong teknolohiya, kabilang ang on-way state pegs, isang state machine, ang Bifröst Signer Module at isang TSS protocol upang walang tigil na padaliin ang cross-chain token swaps. Ang lahat ng ito ay itinatago sa likod ng mga eksena, na ginagawang maaakses ang platform kahit ng mga hindi ekspiryensyadong mangangalakal.
Ang platform ay hindi nakatuon sa kita. Ang lahat ng fees o bayarin na nalilikha ng protokol ay direktang napupunta sa mga user, at walang mga probisyon para sa team. Sa halip, ang team ay binibigyang-insentibo sa simpleng paghahawak ng RUNE — tulad ng lahat ng iba pa.
Ang RUNE token ay kasalukuyang available sa maraming blockchains, kabilang ang Binance Chain (bilang isang BEP-2 token) at Ethereum (bilang isang ERC-20 token).
Tingnan ang Uniswap (UNI) — ang pamamahalang token para sa popular na Uniswap AMM.
Tingnan ang 1inch (1INCH) — ang likas na token para sa 1inch DEX agregator.
Gaano Ka-disentralisado ang mga Disentralisadong Network Alamin sa CoinMarketCap Alexandria.
Nakita mo na ba ang CoinMarketCap blog?
Hanggang noong Pebrero 2021, mayroong 158.4 milyong RUNE sa sirkulasyon mula sa kabuuang supply na 500 milyon.
Tulad ng nabanggit natin kanina, ang THORChain ay paunang naglunsad kasunod ng isang IEO sa Binance DEX. Bilang bahagi ng IEO, 20 milyong RUNE ang naibenta. Bago ito, isang kabuuang 130 milyong RUNE ang naibenta sa mga maaagang round ng pagpopondo.
Ayon sa opisyal na panukala ng Binance DEX, 10% ng kabuuang supply (50 milyong token) ay inilaan sa team o koponan, at naka-lock hanggang sa paglulunsad ng mainnet — ina-unlock sa 20% bawat buwan pagkatapos niyon.
Kasalukuyan ang THORChain ay may emission curve na nagsisimula sa 30% APR. Nakaiskedyul ito upang tumarget ng halos 2% APR pagkatapos ng 10 taon.
Ang THORChain ay binuo gamit ang Cosmos SDK at pinalalakas ng Tendermint konsensus na mekanismo. Pinananatili nitong ligtas ang network mula sa mga pag-atakesa pamamagitan ng isang makabagong BFT proof-of-stake (PoS) na sistema na umaasikaso ng isang malaking bilang ng mga tagapagpatunay (validators) na sama-samang nagtatrabaho upang magmungkahi at tapusin ang mga block ng transaksyon.
Higit pa rito, ang matatalinong kontrata ng THORChain ay na-audit na ng ilang third-party security firms, kabilang ang sa Certik — na walang natagpuang kahinaan.
Ang RUNE ay isang popular na cryptocurrency na available bilhin at ikalakal sa isang malaking bilang ng parehong sentralisado at disentralisadong exchange platform. Ang pinaka-prominente sa mga ito ay ang Binance (sentralisado) at SushiSwap (disentralisado).
Hanggang noong Pebrero 2021, karamihan sa mga pares ng kalakalan na RUNE ay ang crypto/pares ng crypto. Gayunpaman, ang RUNE ay maaaring bilhin gamit ang Korean won (KRW) sa ProBit Exchange at Dolyar ng US (USD) sa FTX. Para sa higit pa tungkol sa pagbili ng cryptocurrencies gamit ang fiat, tingnan ang aming popular na gabay.
Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka: