Front page/ Cryptocurrency/ TRX
TRON

TRON TRX

Rank #10 Kasama
TRONPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.79%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.03%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

TRX Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

TRX Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa TRON

Ano ang TRON (TRX)?

Ang TRON ay isang sistema ng operasyon na nakabatay sa blockchain na naglalayong tiyakin na nababagay ang teknolohiyang ito para sa pang-araw-araw na gamit. Yaman din lang na ang Bitcoin ay kayang gumawa ng anim na transaksyon kada segundo, at ang Ethereum ay hanggang sa 25, ang TRON ay naghahayag na ang kanyang network ay may kapasidad para sa 2,000 TPS — 24/7.

Ang proyektong ito ay pinakamahusay na inilarawan bilang isang disentralisadong platform na nakapokus sa pagbabahagi ng nilalaman at paglilibang — at hanggang sa oras na ito, isa sa pinakamalaking nakuha nito ay ang file sharing device na BitTorrent noong 2018.

Sa kabuuan, pinaghati-hati ng TRON ang kanyang mga layunin sa anim na yugto. Kabilang rito ang paghahatid ng simpleng naipamahaging file sharing, pagsulong sa paglikha ng nilalaman sa pamamagitan ng mga pinansyal na gantimpala, pagpapahintulot sa mga tagalikha ng nilalaman para mailunsad ang kanilang sariling mga personal na token at pagdisentralisado sa industriya ng paglalaro (gaming industry).

Ang TRON ay isa sa mga pinaka-popular na blockchains para sa pagbubuo ng DApps.

Sino ang mga Tagapagtatag ng TRON?

Ang TRON ay itinatag ni Justin Sun, na naninilbihan ngayon bilang CEO. Nag-aral sa Peking University at University of Pennsylvania, kinilala siya ng Forbes Asia sa 30 Under 30 series nito para sa mga entrepreneur.

Ipinanganak noong 1990, may kaugnayan din siya sa Ripple sa nakaraan — nanilbihan siya bilang ang punong kinatawan nito sa lugar ng Greater China.

Ang TRON, bilang ekstensyon ay tinatawag na Sun, ay inakusahan ng pamamlahiyo o plagiarism sa puting papel (white paper) para sa proyekto — na ang ilan ay nagpapahayag sa Twitter na ang mga pinagkunan ng dokumento ay hinango mula sa mga panukala para sa mga kalabang serbisyo tulad ng InterPlanetary File System. Ipinahayag ng Sun na ang puting papel ng TRON ay orihinal na isinulat sa Intsik (Chinese), at ang mga tagapagsalin ay maaaring nabigong magdagdag ng mahahalaga at nakapagtatanging mga detalye.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa TRON?

Naipuwesto na ng TRON ang kanyang sarili bilang isang kapaligiran kung saan ang mga tagapaglikha ng nilalaman ay makapag-uugnay nang direkta sa kanilang mga tagapagtangkilik. Sa pagtatanggal ng mga sentralisadong platform — maging ito man ay mga serbisyo ng streaming, mga app store o mga site ng musika — inaasahan na ang mga tagapaglikha (creators) ay hindi makukunan sa huli ng mga tagapamagitan (middlemen) ng ganung karaming komisyon. Sa kabilang banda, maaaring gawin din nitong hindi masyadong kamahalan ang nilalaman para sa mga konsyumer. Sa mabilis na pagiging digitized ng sektor ng libangan (entertainment sector), maaaring mapasimulan ng TRON ang paggamit ng teknolohiya ng Blockchain sa industriyang ito.

Sinabi rin ng kumpanya na mayroon itong talentado at ekspiryensyadong team na tagapagbuo (developer team), na nakabase sa buong mundo, na hinugot mula sa mga malalaking kumpanya tulad ng Ripple Labs.

At ang hindi pahuhuli, yaman din lang na ang ibang mga proyektong blockchain ay maaaring maging malabo tungkol sa kanilang mga plano sa pagpapaunlad, ang TRON ay nag-aalok ng isang punto ng pagkakaiba sa pamamagitan ng paghahatid ng isang mahusay na plano o roadmap na nagpapakita ng kanyang intensyon sa mga taon na darating.

Mga Kaugnay na Page :

Malaman ang tungkol sa BitTorrent Token (BTT)

Siyam na bagay na dapat malaman bago mamuhunan sa cryptocurrency

Matutunan ang tungkol sa cryptocurrency gamit ang CMC Alexandria

Basahin ang mga pinakabagong post sa CoinMarketCap blog

Gaano karaming TRON (TRX) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Ang TRON ay may kabuuang supply na halos higit 100 bilyong token — at sa oras ng pagsusulat na ito, halos 71.6 bilyon sa mga ito ang nasa sirkulasyon.

Nang ginanap ang isang bentahan ng token noong 2017, 15.75 bilyong TRX ang inilaan sa mga pribadong sektor, habang karagdagang 40 bilyon ay naitalaga para sa lalahok sa initial coin offering (ICO). Ang Tron Foundation ay nabigyan ng 34 na bilyon, at ang isang kumpanya na pagmamay-ari ni Justin Sun ay nakakuha ng 10 bilyon.

Suma tutal, nangangahulugan ito na 45% ng supply ng TRX ay napunta sa tagapagtatag at sa proyekto mismo, habang ang 55% ay naipamahagi sa hanay ng mga mamumuhunan o investors . Ikinakatwiran ng mga kritiko na ito ay isang hamak na mas mataas na ratio kaysa sa nakita sa iba pang proyektong cryptocurrency.

Paano Sine-secure ang TRON Network?

Ang TRON ay gumagamit ng isang konsensus na mekanismo o consensus mechanism na kilala bilang delegated proof-of-stake.

Ang mga may-ari ng TRX ay maaaring hindi galawin o i-freeze ang kanilang cryptocurrency upang makakuha ng TON Power, na ang ibig sabihin ay maaari silang bumoto para sa mga "super representatives" na magsisilibing tagagawa ng block.

Tumatanggap ng TRX rewards ang mga tagagawa ng block na ito kapalit ng pagbeberipika sa mga transaksyon, at ang rewards na ito pagkatapos ay ipinamamahagi sa mga taong bumoto para sa kanila.

Ayon sa TRON, ang pamamaraang ito ay tumutulong sa kanyang blockchain para makamit ang mas matataas na lebel ng mga nagagawang produkto o serbisyo o throughput .

Saan Ka Makakabili ng TRON (TRX)?

Nakalista ang TRON sa dose-dosenang exchange — kabilang ang Poloniex, Bancor, KuCoin, Binance, Bitfinex, Coinbene at iba pa. Subalit, ito ay hindi suportado ng Coinbase.

Matutunan ang tungkol sa pag-convert ng iyong fiat sa Bitcoin dito — ang perpektong daan sa pagbili ng altcoins.

Mga detalye
TRX
¥ CNY

TRON Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #10
  • Dominance sa Market
    0.79%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan