-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Trust Wallet Token, o TWT, ay isang simpleng BEP-20 utility token na nagbibigay ng isang saklaw ng mga benepisyo at insentibo sa mga user ng Trust Wallet. Ang Trust Wallet mismo ay isang mobile cryptocurrency wallet na sumusuporta sa dose-dosenang popular na native assets, dagdag pa sa mga popular na token na nasa mga blockchain ng Ethereum, Binance at TRON
Ang mga may hawak (holders) ng mga TWT token ay nag-a-unlock ng samu't saring benepisyo kapag gumagamit ng Trust Wallet, kabilang ang mga diskuwento sa mga pagbili ng cryptocurrency na nasa app at sa paggamit ng disentralisadong exchange na serbisyo ng (DEX). Maaari ring makilahok ang mga may hawak ng TWT sa pamamahala ng Trust Wallet at makakaboto rin sa Trust Wallet update proposals, na tumutulong sa paghuhubog ng pag-unlad ng app.
Paunang inilunsad ang Trust Wallet Token bilang isang BEP-2 asset sa Binance Chain, ngunit muling inilunsad bilang isang BEP-20 token sa Binance Smart Chain noong Oktubre 2020.
Ang Trust Wallet ay itinatag ni Victor Radchenko noong 2017. Nakabase sa Mountain View, California, dating ginampanan ni Radchenko ang mga tungkulin sa development at engineering sa ilang mga kumpanya ng teknolohiya, at kapwa-itinatag din ang Trucker Path noong 2013 — ang kumpanya sa likod ng isa sa mga pinaka-popular na app para sa mga kumpanya ng truckers at logistics.
Ibinaling ni Radchenko ang kanyang atensyon sa industriya ng mobile cryptocurrency wallet noong kanyang napag-alaman na ang "mga app store ay walang anumang mga bukas na mapagkukunang wallet para sa mga Ethereum at ERC20 token."
Ang platform ay nakuha ng Binance noong Hulyo 2018 sa hindi ibinunyag na halaga, ngunit nagtatrabaho pa rin si Radchenko sa platform bilang bahagi ng Binance team. Ang buong Trust Wallet team ay hindi publiko, ngunit kilala na bumubuo sa higit 20 indibidwal — na marami rito ay may sobra-sobrang tungkulin sa Binance.
Ang Trust Wallet Token ay isang utility token na dinisenyo para magbigay ng karagdagang halaga sa mga user ng Trust Wallet mobile app — wala itong anumang gamit sa labas ng ecosystem ng Trust Wallet.
Sa kabila nito, bilang isang BEP-20 asset, ang Trust Wallet Tokens ay maaaring ilipat sa anumang wallet na sumusuporta sa Binance Smart Chain assets, kung saan ito ay maaaring ipagpalit laban sa iba pang mga asset o gamitin bilang bayad para sa mga serbisyo. Dahil sa naggagawad din ito ng mga karapatan sa pagboto at pamamahala sa pagpapaunlad ng Trust Wallet at magagamit para sa mga nadiskuwentuhang kalakalan ng DEX at mga pagbili sa loob ng app, tuwiran nang nakapagbuo ng sarili niyang halaga ang TWT bilang isang mapagsapalarang instrumento.
Ang TWT rin ay isa sa mga naunang token na nailunsad sa Binance Smart Chain (BSC) — isang blockchain na may mataas na pagganap na dinisenyo para sa mga matatalinong kontrata at mga disentralisadong aplikasyon (DApps). Bilang kinahinatnan, maaaring ilipat ang TWT na may sagad sa babang bayarin at halos agarang oras sa pagkumpirma ng transaksyon.
Ang Binance Coin (BNB) ay ang cryptocurrency na nagpapalakas sa Binance Smart Chain.
Basahin ang tungkol sa Crypto.com Coin (CRO).
Matuto kung paano gumamit ng isang Bitcoin Wallet sa CoinMarketCap Alexandria.
Manatiling nasa itaas ng market gamit ang CoinMarketCap blog.
Bilang bahagi ng paglilipat sa Binance Smart Chain, 99% ng mga orihinal na supply ng TWT token ay nasunog at ang bagong maximum supply ay itinakda sa 1 bilyong TWT — sa mga ito, higit lang sa isang quarter ang kasalukuyang nasa sirkulasyon.
Ang supply ng sirkulasyon ng TWT ay unti-unting lalaki dahil ang mga TWT token ay kinikita ng mga user ng Trust Wallet para sa pagkukumpleto ng iba't ibang task, tulad ng pakikilahok sa mga referral campaign, pagkuha ng mga pagsusulit at pagkukumpleto ng mga task sa loob ng app — tulad ng paglalagay ng puhunang taya o staking at pangangalakal ng cryptocurrency.
Ayon sa opisyal na source, 40% ng supply ng TWT token ay tatargetin patungo sa pagkuha ng user (user acquisition), 15% ay ipamamahagi sa komunidad ng Trust Wallet, 30% ay itatabi sa reserbahan (reserve) at 15% ay ilalaan sa mga tagapagbuo (developers). Hanggang noong Oktubre 2020, hindi pa nakapaglalathala ang Trust Wallet ng ganap na tokenomics o iskedyul ng emission (bilis sa paggawa at paglalabas ng mga bagong coin) para sa Trust Wallet Token.
Batay sa Binance Smart Chain, ang Trust Wallet Token ay inaalalayan ng isang mahigpit na sinuring proof-of-stake (POS) konsensus na mekanismo. Ginagamit ito upang protektahan ang network laban sa isang hanay ng potensyal na banta, kabilang ang 51% at mga Sybil na pag-atake.
Protektado din ito ng isang mapagbigay na bug bounty program na pinatatakbo ng Binance, na nagbabayad ng hanggang sa $10,0000 sa BNB sa sinumang makadidiskubre ng isang kahinaan sa Binance Chain at sa mga pangunahing matatalinong kontrata nito.
Higit pa dito, bilang isang BEP-20 asset, ang TWT ay sinesecure ng seguridad ng software ng wallet na siyang ginagamit para pangasiwaan ito. Para sa Trust Wallet, kasama rito ang isang password security lock at isang recovery phrase na binubuo ng 12 salita.
Ang Trust Wallet Token ay mabibili at makakalakal sa samu't saring platform — kabilang ang parehong sentralisado at disentralisadong mga palitan o exchange . Ang MXC at Binance DEX ay kabilang sa mga pinaka-nalilikida o "most liquid" na exchange para sa TWT. Kasalukuyang nakakalakal ang token laban sa hanay ng iba pang mga cryptocurrency, kabilang ang Tether (USDT), Bitcoin (BTC) at Binance Coin (BNB).
Naghahanap para bumili ng mga cryptocurrency tulad ng Trust Wallet Token gamit ang fiat? Alamin dito.