Front page/ Cryptocurrency/ UNI
Uniswap

Uniswap UNI

Rank #29 Kasama
UniswapPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.12%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.05%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

UNI Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

UNI Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Uniswap

Ano ang Uniswap (UWI)?

Ang Uniswap ay isang popular na disentralisadong protokol sa pangangalakal, kilala para sa kanyang tungkulin sa pangangasiwa ng inawtomatikong pangangalakal ng mga disentralisadong pinansyang token na (DeFi).

Ang Uniswap ay isang halimbawa ng automated market maker (AMM), na inilunsad noong Nobyembre 2018, ngunit nagkamit ng may kalakihang popularidad sa taong ito, salamat sa DeFi phenomenon at kaugnay na biglaang pagtaas o surge nito sa kalakalan ng token.

Naglalayon ang Uniswap na panatilihing inawtomatiko ang kalakalan ng token at ganap na bukas sa sinuman na may hawak na mga token, habang pinabubuti ang kahusayan ng pangangalakal laban sa mga traditional na palitan.

Lumilikha ng higit na husay ang Uniswap sa pamamagitan ng paglutas sa mga isyu sa paglikida (liquidity issues) gamit ang mga inawtomatikong solusyon, pag-iwas sa mga problema na sumalanta sa mga naunang disentralisadong palitan o exchanges.

Noong Setyembre 2020, nakasulong nang bahagya ang Uniswap sa pamamagitan ng paglikha at pagbibigay ng kanyang sariling token sa pamamahala (governance token), ang UNI, bilang gantimpala sa mga nakaraang user ng protokol. Nagdagdag ito ng parehong potensyal sa kakayahang kumita at abilidad sa mga user nito na hubugin ang kinabukasan nito — isang nakakaakit na aspeto ng mga disentralisadong entidad.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Uniswap?

Nilayon ang Uniswap bilang isang plano para ipakilala ang AMMs sa Ethereum sa isang mas malawak na tagapagtangkilik. Ang lumikha ng platform ay ang tagapagbuo rin ng Ethereum na si Hayden Adams.

Nagtrabaho si Adams sa samu't saring proyekto habang tinatapos ang Uniswap, at ang trabaho niyo ay direktang naipaalam sa lumikha ng Ethereum na si Vitalik Buterin. Sa huli si Buterin din ang nagbigay ngalan sa protokol — orihinal itong nakilala bilang Unipeg.

Sinabi rin ni Adams na ang orihinal na inspirasyon para sa Uniswap platform ay nagmula sa isa sa mga sariling blog post ni Buterin. Ang orihinal niyang ideya na magpokus sa Ethereum ay dahil sa pagkumbinsi sa kanya ng isang kaibigan na simulan ang pagsasaliksik at unawain ang protokol noong 2017.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Uniswap?

Umiiral ang Uniswap para lumikha ng kakayahang maglikida — at samakatuwid ito ay ang pangangalakal at ang halaga na ibinibigay ng pangangalakal — para sa kalipunan ng DeFi.

Isa sa mga pangunahing AMMs na nasa operasyon sa kasalukuyan ay ang mga punsyon ng protokol gamit ang isang pormula para sa inawtomatikong palitan — X x Y = K. Ang tagapagtatag na si Hayden Adams ay inilalarawan ang kanyang sarili bilang ang imbentor ng partikular na implementasyon ng pormula sa Uniswap.

Hindi lang isang disentralisadong palitan o exchange ang Uniswap; tinatangka rin nitong lutasin ang mga isyu na nararanasan ng platfrom tulad ng EtherDelta pagdating sa kakayahang maglikida.

Sa pag-aawtomatiko sa proseso ng paggawa ng market, pinasisigla ng protokol ang aktibidad sa pamamagitan ng paglilimita sa peligro at pagbawas sa mga gastusin para sa lahat ng partido. Tinatanggal rin ng mekanismo ang mga inaatas sa pagkakakilanlan (identity requirements) para sa mga user, at maski sino sa teknikal na usapin ay kayang lumikha ng isang liquidity pool para sa alinmang pares ng tokens.

Ayon sa Uniswap, ang kanilang token sa pamamahala o governance token (UNI) ay nilikha upang "opisyal na gawaran ang Uniswap bilang isang pampublikong pag-aari at nakapagsusustenang imprastraktura habang maingat na pinoprotektahan ang kanyang hindi nasisira at may kasarinlang mga katangian."

Mga Kaugnay na Page:

Matutunan ang higit pa tungkol sa Balancer dito.

Matutunan ang higit pa tungkol sa Curve dito.

Bago sa DeFi at cryptocurrency? Tingnan ang aming mga mapagkukunan sa edukasyon dito.

Gaano Karaming Uniswap (UNI) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Ang kabuuang supply ng token sa pamamahala ng Uniswap, ang UNI, ay 1 bilyong unit. May pagkakataong makuha ang mga ito sa loob ng apat na taon, pagkatapos ay magpapakilala ang Uniswap ng isang "walang hanggang inflation rate" na 2% para mapanatili ang partisipasyon sa network.

Ang distribution ng token ay kasalukuyang binubuo ng mga sumusunod: 60% sa mga miyembro ng Uniswap, hal. ang mga user, 21.51% sa mga miyembro ng team, 17.8% sa mga mamumuhunan at 0.69% sa mga tagapayo. Ang tatlong huling distribusyon ay magaganap alinsunod sa apat na taong vesting schedule.

Kukunin sa hanay ng mayorya ay mapupunta sa mga user, 15% ay maaaring angkinin ng mga taong gumagamit ng Uniswap bago ang Setyembre 1, 2020. Kasama pa sa mga ito ang mga user na nagsumite ng mga transaksyon na hindi kailanman nagtagumpay — sila ay karapat-dapat para sa 400 UNI.

Paano Sine-secure ang Uniswap Network?

Ang Uniswap ay isang disentralisadong protokol para sa pangangalakal (trading), at ang UNI ay ang token sa in-house na pamamahala nito. Isang ERC-20 token ang UNI , ibig sabihin ay nangangailangan ito ng Ethereum para gumana.

Ang ERC-20 ay nagtutukoy lamang ng isang hanay ng mga panuntunan para sa mga token, pati na rin ang mga konsiderasyon sa seguridad na pangunahing nauugnay sa lakas ng Ethereum network. Halimbawa, ang kasikipan o congestion ay maaaring itaas ang presyo ng gas (mekanismo sa pagpepresyo) na kailangan para ganapin ang mga transaksyon, na humahantong sa mga pagkaantala at hindi normal na taas ng bayad sa transaksyon, na nakakaapekto sa lahat ng mga kalahok.

Bukod pa rito, ang matatalinong kontrata ay maaaring magsanhi ng mga isyu sa seguridad na puwedeng humantong sa pagkawala ng pondo ng mga mangangalakal ng DeFi; sa katunayan, nagtagumpay na ang mga hacker sa pagnanakaw ng milyon-milyong dolyar sa maikling itinagal ng DeFi hanggang noong taglagas ng 2020.

Saan Ka Makakabili ng Uniswap (UNI)?

Ang UNI na token sa pamamahala ng Uniswap ay magagamit para sa kalakalan sa mga pangunahing exchange laban sa iba pang mga cryptocurrency, stablecoin, fiat currency at marami pang iba.

Kabilang sa mga ito ang Binance, OKEx at Coinbase Pro, kasama rito natural lang ang mismong protokol ng Uniswap.

Maaari mong basahin ang higit pa tungkol sa kung paano pasukin ang cryptocurrency market, anuman ang token na plano mong bilihin, dito.

Mga detalye
UNI
¥ CNY

Uniswap Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #29
  • Dominance sa Market
    0.12%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
    2020-09-17
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan