-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang UNUS SED LEO ay isang utility token na ginagamit sa ibayo ng iFinex ecosystem. Ang pambihirang pangalan ay batay sa isang Latin na sitasyon mula sa isa sa mga pabula ni Aesop.
Ang cryptocurrency ay pinapayagan ang mga user ng Bitfinex na makatipid ng pera sa mga bayarin sa kalakalan. Ang saklaw ng diskuwento ay depende sa kung magkanong LEO mayroon ang kostumer sa kanilang account — at ang katipirang inaalok ay kalat sa tatlong baitang. May mga pagbaba at pagtaas (fluctuations) depende sa kung ang isang trading pair ay crypto-sa-crypto, o crypto sa stablecoin.
Inilunsad ang UNUS SED LEO noong Mayo 2019 — at hindi katulad ng maraming iba pang cryptocurrency sa labas, hindi ito idinisenyo para umiral magpakailanman.
Ang UNUS SED LEO ay itinatag ng iFinex pagkatapos ng Crypto Capital, ang kumpanyang nagproseso sa mga bayad nito, na may bahagi ng pondo nito ang sinamsam ng gobyerno. Ang IFinex ay ang parent company ng Bitfinex, na nagbabala na maaaring hindi na posible pang mabawi ang mga pondong ito. Upang pagtakpan ang kakulangang pinansyal, nagdesisyon itong ilunsad ang LEO token.
Para mapagbuti ang mga nawalang pera, naghayag ng mga plano ang iFinex na unti-unting bibilihin pabalik sa kanila ang token mula sa mga mamumuhunan hanggang sa wala ng matirang umiikot sa marketplace. Isang inisyatiba sa pagkalinaw (transparency initiative) ay inilunsad rin upang masubaybayan ng crypto community ang progreso ng inisyatiba, at tiyakin na natutugunan nito ang mga nakasaad na target.
Isang token burn na mekanismo ay nangangahulugan na ang iFinex ay nakatuon sa buwanang pagbili pabalik sa kanila ng UNUS SED LEO mula sa marketplace. Ang halaga na binili at sinunog (burned ay ang gawing wala ng silbi ang isang token/coin) ay katumbas ng 27% man lamang ng kitang nalikha ng iFinex — at ang mga token ay binibili rin sa market rate. Sa isang inilabas na balita noong panahong yon, sinabi ng kumpanya: "Ang burn na mekanismo ay magpapatuloy hanggang sa 100% ng token ang natubos na."
Samantalang ang ibang cryptocurrency ay naglulunsad lang sa isahang (single) blockchain, ang Leo tokens ay inisyu sa dalawang blockchain. Habang 64% ng orihinal na supply ay nasa Ethereum, ang natitirang 36% ay maaaring matagpuan sa EOS.
Mga Kaugnay na Page :
Tuklasin ang mga bagong cryptocurrency na naidagdag sa CoinMarketCap.
Basahin ang aming tapat na crypto how-to guides
CoinMarketCap: Mga interbyu, on-chain analysis at higit pa
Gaya ng nabanggit natin, ang nakakalat na supply ng LEO tokens ay idinisenyo na magbawas sa paglipas ng panahon. Sa orihinal, ang kabuuang supply ay itinakda sa 1 bilyon.
Ang LEO ay ibinenta sa $1 kada piraso sa 1:1 basehan sa Tether stablecoin, nangangahulugan na ang kabuuan na $1 bilyon ay nabuo sa 10 araw na panahon.
May 660 milyong ERC-20 tokens sa paglunsad, pati na rin 340 milyon tokens na batay sa EOS — at pinahihintulutan ng Bitfinex na gawing madali ang kumbersyon sa pagitan ng dalawang chain.
Sa oras na 'yon, inilarawan ng kumpanya ang paglunsad ng pandalawahang (dual) protokol bilang "bukod-tangi" — at nangakong palalakasin ang komunidad ng Bitfinex.
Ang mga token na ito ay batay sa Ethereum at EOS ayon sa pagkakabanggit. Isang dashboard ang nailabas na ng Bitfinex na nag-aalok ng impormasyon sa kasalukuyang supply na napapanahon minu-minuto, at sa kung gaano karami ng LEO tokens ang nasunog (burned ay ang gawing wala ng silbi ang isang token/coin). Ang mga bar chart ay ikinukumpara nang arawan ang mga sinunog na LEO
Ang UNUS SED LEO ay magagamit sa Britfinex, Gate.io, OKEx at iba pa. Ikinokonekta ng mga karaniwang trading pair ang LEO sa Dolyar ng U.S., USDT stablecoin, Bitcoin at Ethereum. Malalaman mo ang higit pa tungkol sa kung paano ikombert ang fiat currencies sa Bitcoin dito.