-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang USD Coin (kilala sa tiker nito na USDC) ay isang stablecoin na ipinagpapalagay sa dolyar ng U.S. sa 1:1 basehan. Ang bawat unit ng cryptocurrency na ito sa sirkulasyon ay inaalalayan ng $1 na nakatabi sa reserba (reserve), na nasa pinaghalo-halong cash at panandaliang U.S. Treasury bonds. Ang Centre consortium, na nasa likod ng asset na ito, ay nagsasabi na ang USDC ay inisyu ng mga kontroladong pinansyal na institusyon.
Ang stablecoin ay orihinal na inilunsad sa limitadong basehan noong Setyembre 2018. Kung simpleng iintindihin, ang mantra ng USD Coin ay "digital na pera para sa digital na panahon" — at ang stablecoin ay idinisenyo para sa isang mundo kung saan ang walang cash na transaksyon ay nagiging mas pangkaraniwan.
Naipahayag na ang ilang kaso ng paggamit para sa USD Coin. Kasama na rin ang pagbibigay ng isang ligtas na kanlungan para sa mga mangangalakal ng crypto sa panahon ng walang kasiguruhan, ang mga nasa likod ng stablecoin ay nagsasabi na maaari rin nitong payagan ang mga negosyo na tumanggap ng bayad sa anyo ng mga digital asset, at makapagbabago sa kaayusan ng mga sektor kabilang ang disentralisadong pinansya at paglalaro.
Sa pangkalahatan, ang adhikain ay ang lumikha ng isang ecosystem kung saan ang USDC ay tinatanggap ng hanggang kayang dami ng wallet, exchange, service provider at dApps.
Ang Centre Consortium ay may dalawang tagapagtatag na miyembro. Isa sa kanila ay ang peer-to-peer payment services company na Circle, habang ang isa ay ang Coinbase cryptocurrency exchange. Ang ibang crypto ventures ay bukas sa pagsali sa consortium na ito.
Sa pagpapaliwanag ng katwirang nasa likod ng USDC, isinulat ng kapwa tagpagtatag ng Circle na sina Jeremy Allaire at Sean Neville ang ganito: "Naniniwala kami na ang palitan ng halaga sa malayang internet ay makapagbabago at maipagsasama-sama nang mas malalim ang mundo, na sa kalaunan ay magtatanggal sa artipisyal na mga hangganang pang-ekonomiya at magpapagana ng isang mas mahusay at nakapagpapabilang na marketplace na pangbuong mundo na magkokonekta sa bawat tao sa planeta."
Noong 2020, magkasamang inanunsyo ng Circle at Coinbase ang isang pangunahing upgrade sa protokol at matalinong kontrata (smart contract) ng USDC. Ang layunin ng mga pagpapabuting ito ay gawing mas madali ang paggamit ng USD Coin sa pang-araw-araw na pagbabayad, komersyo at mga transaksyong peer-to-peer.
Ang stablecoin market ay naging sobra nang sikip sa kamakailang mga tao — ngunit nilayon ng USD Coin na maging mas magaling kaysa sa mga kakumpitensya sa maraming kaparaanan.
Ang isa sa mga ito ay may kinalaman sa pagiging malinaw o transparency — at pagbibigay ng kasiguruhan sa mga user na magagawa nilang mag-withdraw ng 1 USDC at tumanggap ng $1 na balik nang walang anumang isyu. Hanggang sa ngayon, sinasabi nito na isang malaking accounting firm ang naatasan sa pagbeberipika sa mga lebel ng cash na nakatabi sa reserba, at pagtitiyak na nakakasabay ito sa bilang ng mga token na nasa sirkulasyon.
Hindi katulad ng ibang crypto ventures, ang Circle at Coinbase ay nagkamit na rin ng pagsunod sa regulasyon — at nakatulong ito na buksan ang daan para sa pandaigdigang pagpapalawak. Pinondohan rin nang maayos ang parehong proyekto, na nagbibigay katiyakan sa stablecoin.
Mga Kaugnay na Page :
Ano ang isang stablecoin?
Alamin ang tungkol sa USDT, isa sa mga pinakamalaking kakumpitensya ng USDC
Detalyadong depinisyon para sa mga stablecoin na nasa CoinMarketcap glossary
CoinMarketCap Blog: Mapang-unawang analisis at tampok
Medyo mahirap magbigay ng eksaktong bilang dito — sa teorya, ang bilang ng USDC na maaaring mayroon ay walang hanggan. Nililikha ang mga bagong coin kahanay ng pangangailangan, kapag may taong gustong bumili nito gamit ang kanilang abang dolyar.
Sa pagbanggit nyan, may mga kadahilanan na nakatulong sa USD Coin na magtamasa ng isang pagsabog sa popularidad sa mga nagdaang taon — lalong-lalo na noong 2020. Isa sa mga ito ay ang biglaan at tuwirang pagtaas sa popularidad ng disentralisadong pinansya. Isang pangkaraniwang tanawin ang USDC sa maraming protokol ng DeFi dahil sa kung paano ito nagsisilbi bilang isang pasukang daan (onramp) sa mas malawak na ecosystem.
Ang lahat ng mga USDC na nasa sirkulasyon ay talaga namang mga ERC-20 tokens, na maaaring matagpuan sa Ethereum blockchain. Isa sa mga pinakamalaking kasiraan dito ay sa kung papaano ito maipagsasama sa kalaunan sa mga aplikasyong nakabatay sa Ethereum. Tulad ng nabanggit natin kanina, ang seguridad at kumpiyansa sa stablecoin na ito ay naihahatid sa pamamagitan ng pagpapatunay na may ligtas na naitatabing mga dolyar ng US sa reserba.
Tulad ng maaari mong inaasahan, isa sa mga pinaka-masigasig na palitan o exchange na nag-aalok ng USDC ay ang Coinbase, dahil sa kung paano ang exchange ay nasangkot sa paglikha ng stablecoin na ito. Ang USD Coin ay maaari ring mabili at maikalakal sa Poloniex, Binance, OKEx at Bitfinex, pati na rin sa mga disentralisadong exchange tulad ng Uniswap.
Karaniwang binibili ang USDC kasama ng Bitcoin — at kung ito ang iyong unang beses sa pagbili ng Bitcoin, siguruhin na tingnan ang aming komprehensibong gabay dito.