-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang VeChain (VET) ay isang supply chain platform na pinalalakas ng blockchain. Nagsimula noong 2015 at inilunsad noong Hunyo 2016, nilalayon ng VeChain na gumamit ng naibahaging pamamahala at teknolohiyang Internet of Things (IoT) upang lumikha ng isang ecosystem na lumulutas ng ilan sa mga malalaking problema gamit ang supply chain management.
Ang platform ay gumagamit ng dalawang in-house tokens, ang VET at VTHO, upang mangasiwa at lumikha ng halaga base sa kanyang VeChainThor public blockchain.
Ang ideya ay para ibunsod ang kahusayan, pagkatunton (traceability) at pagkalinaw (transparency) ng mga supply chain habang binabawasan ang gastusin at naglalagay ng higit pang kontrol sa kamay ng mga indibidwal na user.
Ang VeChain ay produkto ng tagalikha at kapwa tagapagtatag na si Sunny Lu, isang IT executive na dating CEO ng Louis Vuitton China.
Magmula noon si Lu ay naging isa ng kilalang pangalan sa loob ng industriya ng cryptocurrency. Nakaakit siya ng atensyon sa abilidad ng teknolohiyang blockchain na lutasin sa partikular ang pagkalinaw, kanyang ipinangangatwiran na kaya nitong lumikha ng mga istraktura na may buong pagtitiwala na walang korapsyon bilang bahagi ng supply chain.
Ang kapwa tagapagtatag na si Jay Zhang, na siyang nagdidirekta sa pangbuong mundong istraktura ng korporasyon, pamamahala, at pangangasiwang pinansyal ng VeChain, ay dating nagtrabaho para sa parehong Deloitte at PriceWaterhouseCoopers sa kalipunan ng finance at risk management.
Nakapaglunsad noong Hunyo 2016, ang VeChain ay isa sa mga pinakamatatanda na dedikadong supply chain platform ng blockchain sa merkado.
Umiiral ang VeChain upang gambalain ang mga tradisyonal na modelo ng supply chain, isang industriya kung saan may may maliit na pagbago lamang sa blockchain sa mga nakalipas na dekada.
Gamit ang malinaw na teknolohiya na walang maski isang punto ng kahinaan o kontrol, ito ay nagbibigay-daan para sa mas higit na seguridad, kahusayan at kadalian sa pagsusubaybay ng mga produkto sa isang ibinigay na supply chain, habang binabawasan ang gastusin sa pamamagitan ng lubos na napagkasunduang pag-awtomatiko (automation).
Kaya't ang modelo ng Vechain ay umaakit sa mga negosyong naghahanap na bawasan ang sigalot sa supply chain at magbigay ng isang higit na malinaw na impresyon sa mga kliyente.
Ang opisyal na literatura ng VeChain ay nagbibigay tanda na ang kakaibang proposisyon nito ay nakasalalay sa kanyang pandalawahang token (dual-token) na setup, bukod sa iba pang tampok. Ang mga bayarin sa in-house token na sinamahan ng mga paniningil para sa samu't saring serbisyo ay nakapaglilikha ng kita sa operasyon para sa kumpanya, habang ang mga may hawak ng token ay maaaring makisali sa mga aktibidad tulad ng staking (paglahok na magpasok ng token para sa gantimapala), kaya't nagkakaloob ng paglikida (liquidity) kapalit ng mga gantimpala.
Magpasa pa tungkol sa Orchid dito.
Magbasa pa tungkol sa PIVX dito.
Baguhan sa cryptocurrency? Tingnan ang Alexandria, ang dedikadong tagapaglingkod sa edukasyon ng CoinMarketCap.
Ang VeChain ay may dalawang in-house tokens: Ang VeChain (VET) at VeThor (VTHO). Inilarawan bilang isang bukod-tanging alok para sa nasabing platform, ang pandalawahang token (dual-token) na sistema ay dinisenyo para iwasan ang mga pagbaba't pagtaas (fluctuations) ng bayarin at pagsikip ng network.
Ang VET ay ang token na ginagamit para sa mga transaksyon at iba pang mga aktibidad, habang ang VTHO ay nagbibigay ng bayad ng singilin at kaya naman gumagana bilang isang "gas token", kahalintulad sa kung paano gumagana ang gas para sa mga transaksyon ng Ethereum (ETH).
Ang mga may hawak ng VET ay awtomatikong nakalilikha ng isang maliit na halaga ng passive income sa VTHO, habang 70% ng VTHO na ginagamit sa isang bayad ng VET ay sinisira.
Ang VTHO ay nalilikha batay sa VET holdings, habang ang VET mismo ay may maximum na nakapirming (fixed) supply na 86,712,634,466 tokens.
Ang VeChain (VET) ay isang proof-of-stake token, at ipinaliliwanag mismo ng VeChain na ang medyo mababang lakas sa pagkukuwenta ay kinakailangan para makamit ang seguridad ng network at panatilihin ang konsensus ng user.
Bilang hiwalay na tampok, ang proof-of-authority, ay kinasasangkutan ng authority masternode operators na nagpapanatili sa protokol sa kanilang sariling interes ayon sa mga panuntunang inilatag ng parent na organisasyon, ang VeChain Foundation.
Ang VET ay isang malayang naikakalakal na token na magagamit sa mga pangunahing exchange, habang ang mga market ay umiiral din para sa VTHO.
Ang VET ay may malalaking market sa Binance at Huobi Global bukod pa sa ibang mga platform, na may pares para sa mga cryptocurrency, stablecoin at fiat currency.
Kung baguhan ka lang sa cryptocurrency at gustong malaman kung paano bumili ng Bitcoin (BTC) o alinmang iba pang token, mababasa mo ang higit pa dito.