-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang Wrapped Bitcoin ay isang ginawang token (tokenized) na bersyon ng Bitcoin (BTC) na gumagana sa Ethereum (ETH) blockchain.
Ang WBTC ay sumusunod sa ERC-20 — ang saligang pamantayan sa pagkakatugma (basic compatibility standard) ng Ethereum blockchain — na nagpapahintulot dito na maging ganap na maipagsasama sa ecosystem ng mga disentralisadong exchange, serbisyong pagpapautang ng crypto, market ng prediksyon at iba pang mga aplikasyon ng disentralisadong pinansya (DeFi) na pinagana ng ERC-20
Ang WBTC ay inaalalayan din ng Bitcoin sa 1:1 ratio sa pamamagitan ng isang network ng mga tagapagtinda at tagapag-ingat na awtomatikong minamanmanan, tinitiyak na ang presyo nito ay ipinagpapalagay sa Bitcoin sa lahat ng oras at pinahihintulutan ang mga user na maglipat ng paglikida sa pagitan ng mga network ng BTC at ETH sa isang disentralisado at may kasarinlang pamamaraan.
Unang inanunsyu ang Wrapped Bitcoin noong Oktubre 26, 2018, at opisyal na inilunsad noong Enero 31, 2019.
Ang Wrapped Tokens project, kung saan kabahagi ang WBTC, ay hindi itinatag ng mga indibidwal ngunit isa itong dugtong na proyekto ng tatlong organisasyon: ang BitGo, Kyber Network at Ren.
Ang BitGo, na kapwa itinatag noong 2013 ng Amerikanong computer scientist at negosyante na si Mike Belshe, ay isang pang-institusyong pag-iingat, pangangalakal at pampinansyal na serbisyong kumpanya ng digital asset. Dagdag pa sa pagiging isa sa mga tagapagbuo ng WBTC, ang BitGo ay nagsisilbi rin bilang orihinal na tagapag-ingat nito — ang entidad na may hawak ng WBTC tokens at mga susi na kailangan para mag-mint ng mas marami pa nito.
Ang Kyber Network ay isang protokol ng paglikida sa mismong blockchain (on-blockchain) na pinapagana ang pagsasama-sama ng magkakaibang cryptocurrency tokens at mga aplikasyon ng DeFi. Itinatag ito noong 2017 ni Loi Luu, Victor Tran at Yaron Velner at nakabase sa Singapore. Kasama ang Ren, nakatulong sa paglikha ng WBTC ang Kyber Network at naninilbihan pa rin bilang isang tagapagtinda sa network nito — ang institusyon na nagmi-mint at nagpapawalang-halaga sa mga token upang mapanatili ang 1:1 ratio ng tokens sa reserba ng BTC.
Kahalintulad sa Kyber, ang Ren ay isang kumpanya na nakapokus sa cross-blockchain na integrasyon ng cryptocurrency assets at mga aplikasyon ng DeFi sa pamamagitan ng mga solusyon tulad ng RenBridge, RenVM at iba pa. Itinatag ito noong 2017 ni Taiyang Zhang at Loong Wang.
Dala ng katangian ng pagiging ang pinakamatanda at pinakamalaking cryptocurrency sa merkado, makapagyayabang ng isang malaki't matibay na user base ang Bitcoin at isang pool ng paglikida ng ilang dosenang bilyong dolyar. Gayunpaman, ang punsyon ng blockchain nito ay medyo baguhan pa pagdating sa mga modernong pamantayan.
Hindi katulad ng Bitcoin, ang Ethereum ay itinayo mula sa pinakailalim para suportahan ang mas masusulong na kaso ng paggamit sa pamamagitan ng teknolohiya ng matatalinong kontrata, na nakapagpataas sa isang buong industriya na tinaguriang "disentralisadong pinansya" o decentralized finance .
Ang Ethereum at mga produktong nakuha mula rito ay nag-aalok sa kanilang mga user ng talaga namang masusulong na instrumentong pinansyal tulad ng pagpapautang (lending) at seguro (insurance), na hindi umaasa sa mga mapagkakatiwalaang tagapamagitan.
Sa pamamagitan ng "wrapping" ng BTC sa pamantayang ERC-20, pinagagana ng WBTC ang ganap na integrasyon ng isang tila Bitcoin na asset sa masulong na kapaligiran ng mga pinansyal na disentralisadong aplikasyon, dala ang napakalawak na paglikida na nauugnay sa market ng BTC.
Dagdag pa rito, higit na mas lalong pinadadali ng Wrapped Bitcoin ang trabaho para sa mga palitan o exchange , wallet at serbisyo sa pagbabayad na gumagana sa Ethereum: sa halip na patakbuhin ang dalawang hiwalay na node para sa mga network ng ETH at BTC, kaya nilang suportahan ang mga operasyon ng WBTC gamit lamang ang isang Ethereum node.
Bilang pangwakas, ang mas mabilis na average blocktime ng Ethereum blockchain — halos 15 segundo laban sa 10 minuto ayon sa pagkakabanggit — ay dinadagdagan ang bilis kung saan maaaring itransaksyon ang WBTC, kumpara sa aktwal na bitcoins.
Matutunan ang higit pa tungkol sa tokens na ipinagpapalagay na Bitcoin na nasa Ethereum network, tulad ng renBTC at HBTC.
Tingnan ang aming malalimang pang-edukasyon na pagtalakay sa kung paano dinadala ng Ren ang bitcoin sa DeFi.
Ang CMC Alexandria ay may payak na panimula sa Wrapped Bitcon dito.
Walang paunang natukoy na iskedyul sa pag-iisyu ng WBTC. Sa halip, Ang WBTC ay awtomatikong na-mint o napawalang halaga (burned) kapag ang mga user ay bumibili o nagbebenta ng kanilang tokens para sa Bitcoin sa pamamagitan ng isang sistema ng mga tagapagtinda at tagapag-ingat.
Dahil sa ang Wrapped Bitcoin ay palaging inaalalayan ng Bitcoin sa 1:1 ratio, ang bilang ng mga token na nasa sirkulasyon ay direktang dumedepende sa dami ng mga reserbang Bitcoin sa network ng WBTC. Hanggang noong Oktubre 2020, ang bilang na iyon ay higit lang 94,000 tokens, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na $1 bilyon sa kabuuan.
Ang mga WBTC token ay sine-secure ng parent blockchain na kanilang pinatatakbo — ang Ethereum. sa kabilang banda, ang ETH ay pinoprotektahan ng punsyon na proof-of-work ng Etash, isang kinatawan ng pamilyang Keccak ng mga punsyong hash.
Maaari kang bumili sa ilang mga exchange, pareho sa sentralisado at disentralisado, na nagsisilbi bilang mga tagapagtinda sa network ng Wrapped Bitcoin. Ang ilan sa mga malalaki ay kinabibilangan ng: