-
Sort | Pagpapalitan | Trading pares | Platform presyo | 24H Dami | 24H Volume | Porsyento |
---|
Ang DFI.MONEY, na kilala rin bilang YFII, ay isang sangay ng popular na disentralisadong pinansya (DeFi) na aggregator platform yearn.finance (YFI).
Inilunsad noong Hulyo 2020, naglalayon itong i-optimisa ang mga balik o returns para sa mga mamumuhuan habang sumusunod sa mga pagbabago sa isang upgrade na plano na tinatawag na YIP-8.
Bilang karagdagan sa mga pagbabago sa protocol, ang DFI.MONEY ay naglabas din ng mga bagong produkto, ang puno sa mga ito ay ang Vault, na inilalarawan nito bilang kanyang "pamatay na produkto."
Ang likas na token ng DFI.MONEY ay ang YFII, isang nakapirming supply token na kinikita ng mga tagapaglikida alinsunod sa kanilang pakikipag-ugnayan sa network.
Ang DFI.MONEY ay orihinal na nagmula bilang isang radikal na pagbabago (hard fork) ng yearn.finance, ang aggregator para sa mga balik (returns) ng DeFi na nilikha ni Andre Cronje.
Nilisan ni Cronje ang orihinal na anyo ng yearn.finance, ang iEarn, noong kaagahan ng 2020, saka nagbalik lamang para ipagpatuloy ang pagpapaunlad nito, pagkatapos niyon ay malaki ang inilago nito sa popularidad dahil sa naging laganap na tinanggap ang DeFi.
Noong Hulyo 2020, ang pagmimina at pag-aani (farming) ng YFI token ng yearn.finance ay nagtapos na, at isang panukala na protektahan ang probisyon sa paglikida mula sa "mga balyena" (mga indibidwal o organisasyon na may maraming bitcoin o cryptocurrency na kayang apektuhan ang market o whales ) ay kumita ng 80% suporta (tulong sa bumababang presyo) sa hanay ng mga kalahok sa protokol. Gayunpaman, hindi ito pinagtibay dahil sa hindi nakakatugon sa kailangang 33% na inaatas sa quorum ng yearn.finance.
Bilang resulta, isang grupo ng mga user ay nagpasyang radikal na baguhin ang protocol para likhain ang DFI.MONEY, na may sariling token, ang YFII.
Ipinatupad ng radikal na pagbabago (hard fork) ang panukala, kilala bilang YIP-8, na nakapagpapabawas sa YFII rewards bawat linggo, na sumusunod sa isang ayos o pattern na ginawang popular ng Bitcoin (BTC).
Mahalagang ginagampanan ng DFI.MONEY ang parehong tungkulin sa DeFi marketplace bilang yearn.finance, na sumasailalim sa magkakaibang panuntunan ng protokol para sa kanyang token at ilang mga bagong tampok.
Ang kariktan nito samakatuwid ay nakatuon sa mga user ng sinundan (predecessor) nito na bumoto pabor sa YIP-8, pati na rin sa mga baguhang mamumuhunan ng DeFi na gustong sagarin ang mga balik (returns) sa pamamagitan ng pagbibigay ng paglikida.
Ang website ng DFI.MONEY ay nagsasaad na ang protocol nito ay pag-aari ng komunidad at hindi nag-aalok ng mga komersyal na insentibo tulad ng mga rewards ng mga tagapagbuo (developer rewards) sa pamamagitan ng default.
Sinasalihan ng mga user ang isa o ang parehong mga pool sa paglikida na itinatampok ang Curve (CFI) o Balancer (BAL), kumikita ng YFII tokens bilang isang gantimpala o reward para sa pagbibigay ng paglikida.
Ipinakilala rin ng DFI.Money ang isang bagong tampok, ang Vault, na naghahangad na awtomatikong makamtam ng mga user ang pinakamataas na balik (returns) sa anumang token ayon sa mga estratehiya na isinumite ng user, nang hindi manu-manong isine-setup ng mga mismong user ang mga transaksyon.
Magbasa pa tungkol sa yearn.finance dito.
Magbasa pa tungkol sa Harvest Finance dito.
Baguhan sa crypto? Mahanap ang mga kasagutan sa lahat ng inyong mga katanungan sa Alexandria, ang dedikadong mapagkunan ng kaalaman ng CoinMarketCap.
Ang YFII ay isang ERC-20 standard token na may nakapirming supply na 40,000 YFII. Ayon sa mga katangian na itinakda at tinanggap sa YIP-8, walang paunang pagmimina, paunang bentahan o mga token na inilaan sa tagapagbuo (developer) ang kinuha mula sa kabuuang supply.
Inilalahad ng DFI.MONEY na ang tanging paraan para kumita ng YFII ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng paglikida sa protokol. Ipinamamahagi ang mga token ayon sa probisyon ng paglikida, na may rewards na bumababa linggo-linggo. Ang bawat isa sa dalawang pool ng paglikida ay nagsimula sa supply na 20,000 YFII.
Kinukumpirma ng isang iskedyul na ang pamamahagi o distribusyon ng token ay nakumpleto 10 linggo pagkatapos itong magsimula, noong katapusan ng Setyembre 2020.
Inilalahad ng DFI.MONEY na ang YFII ay may garantisadong nakapirming supply na 40,000 tokens na hindi maaaring manipulahin ng mga tagapagbuo (developers).
Ginawa itong posible sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga susi na nagpapahintulot sa pagmimint ng mga bagong token sa isang tinatawag na "blackhole" address, at ang akses sa mga ito ay permanenteng nawala.
Ang mga tagapagbuo ay naglathala ng mga link sa mga transaksyon na nagpapakita ng paglipat ng mga susi sa blackhole.
Ang YFII ay naging isang popular na token ng kalakalan mula ng inilunsad ito. Mula noong Oktubre 2020, available ito sa maraming malalaking exchange, na may kalakalang pares na nagtatampok ng cryptocurrencies, stablecoins at iba pang mga DeFi token.
Ang Binance, OKEx at Huobi Global ay kabilang sa mga exchange na may pinakamalalaking YFII volume.
Baguhan pa rin sa crypto? Basahin ang aming madaling gabay sa pagbili ng Bitcoin o anumang iba pang cryptocurrency.