Front page/ Cryptocurrency/ ZEC
Zcash

Zcash ZEC

Rank #103 Kasama
ZcashPresyo
-

-

-
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.02%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.13%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

ZEC Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

ZEC Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Zcash

Ano ang Zcash (ZEC)?

Ang Zcash ay isang disentralisadong cryptocurrency na nakapokus sa privacy at pagkawalang-kakilanlan. Gumagamit ito ng zk-SNARK zero-knowledge proof technology na nagbibigay-daan sa nodes na nasa network para beripikahin ang mga transaksyon nang hindi inihahayag ang anumang sensitibong impormasyon tungkol sa mga transaksyong iyon.

Salungat sa isang pangkaraniwang maling pagkakaunawa, ang karamihan ng cryptocurrencies sa merkado, kabilang ang Bitcoin (BTC), ay walang pagkakakilanlan, sa halip ay malasagisag o pseudonymous; habang hindi nila maliwanag na inihahayag ang mga pagkakakilanlan ng kanilang mga user, bawat user ay may sariling pampublikong address o mga address na maaaring magtunton sa kanila pabalik sa pamamagitan ng mga paraan ng data science at blockchain forensics.

Ang mga transaksyon ng Zcash, sa kabilang banda, ay kailangan pa ring maipaalam sa pamamagitan ng isang pampublikong blockchain, ngunit hindi tulad ng malasagisag na cryptocurrencies, ang mga transaksyon ng ZEC sa pamamagitan ng default ay hindi ibinubunyag ang pagpapadala at pagtanggap ng mga address o halaga na ipinapadala. May isang opsyon naman, gayunpaman, ang ihayag ang data na ito para sa mga layunin ng auditing o pagsunod sa regulasyon.

Ang Zcash ay unang inilabas noong Oktubre 28, 2016, at ito ay orihinal na batay sa codebase ng Bitcoin.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Zcash?

Ang Zcash ay itinatag noong 2016 ng cypherpunk, computer security expert at negosyanteng si Zooko Wilcox-O'Hearn. Siya rin ang tagapagtatag ng para sa kita (for-profit) na Electronic Coin Company (ECC), na namamahala sa pagbuo ng Zcash.

Si Wilcox-O'Hearn ay gumugol ng higit sa 25 taon sa industriya ng cryptography at information security at nakapag-ambag sa isang bilang ng mga proyekto, kabilang ang ngayo'y lipas nang electronic money firm na Digicash, ang peer-to-peer data storing software na Mojo at ang Tahoe Least-Authority File Store filesystem.

Kanya ring itinatag ang Least Authority Enterprises, isang teknolohiyang kumpanya na nakapokus sa pagpapabuti ng digital security at pagpepreserba ng pangunahing karapatan sa privacy, at kapwa niya inimbento ang BLAKE3 cryptographic hash function.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Zcash?

Ang pangunahing bentahe ng Zcash ay nasa kanyang opsyonal na kawalang pagkakakilanlan, na nagbibigay-daan para sa isang antas ng privacy na hindi nakukuha sa regular at malasagisag na cryptocurrencies tulad ng Bitcoin o Ethereum.

Ang mga transaksyon ng ZEC ay maaaring ipadala sa dalawang paraan: malinaw (transparent) at natatakpan (shielded). Ang mga transparent na transaksyon ay gumagana sa halos parehong paraan na tulad ng Bitcoin, na ang codebase Zcash ay orihinal na batay sa: sila ay ipinapadala sa pagitan ng mga pampublikong address at nakarekord sa isang hindi nababagong pampublikong ledger (ang blockchain). Ang lahat ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga transaksyong ito ay makukuha online para makita ng lahat, kabilang ang pagpapadala at pagtanggap ng mga address at ang halagang ipinadala.

Ang mga pampublikong transaksyon na ito ay hindi naghahayag ng mga pagkakakilanlan ng user sa isang lantad na paraan: ang tanging mga tagapagtukoy na maaakses ng isang labas na tagamasid (outside observer) mula sa blockchain ay mga pampublikong address. Gayunpaman, sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng mga data scientist at pagpapatupad ng batas sa nakalipas na mga taon, ang mga paraan ng pag-aanalisa ng blockchain ay binuo sa punto kung saan ang isang interesadong partido ay medyo makakaasang maikonekta ang isang pampublikong address na nasa isang blockchain sa mismong pagkakakilanlan ng may-ari sa tunay na mundo, na talagang ginagawang imposible ang paggawa ng mga pribadong transaksyon.

ang mga natatakpang (shielded) transaksyon ng ZEC, sa kabilang banda, ay nilulubos ang teknolohiya ng zero-knowledge succinct non-interactive na mga argumento ng kaalaman, o zk-SNARKs, upang mapagana ang ganap na walang pagkakakilanlang mga transaksyon na ipadadala sa isang pampublikong hindi nababagong blockchain. Ang katotohanan na ang transaksyon ay nangyari na ay nakarekord sa ledger, ngunit ang mga address ng pagpapadala at pagtanggap at ang halagang ipinadala ay hindi inihahayag sa publiko.

Nagbibigay-daan ito sa Zcash na makapag-alok sa kanyang mga user ng karapatan sa privacy habang tinatamasa pa rin ang mga bentahe ng isang disentralisado at walang pahintulot na digital currency.

Mga Kaugnay na Page:

Basahin ang tungkol sa Monero, isa pang walang pagkakakilanlang cryptocurrency na gumagamit ng ring signatures at mga stealth address upang mapabuti ang privacy ng user.

Tingnan ang higit pang impormasyong pang-edukasyon sa CMC Alexandria.

Maghanap ng mga topikal na kuwento ng crypto sa blogng CMC.

Gaano Karaming Zcash (ZEC) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Sa kabuuan, ang Zcash tokenomics ay kahalintulad sa Bitcoin: ito ay isang kakaunting namiminang token na may kabuuang supply na 21 milyong coin.

Ang mga bagong ZEC ay nilikha sa anyo ng "block subsidies": tuwing ang isang bagong block ay namina at idinagdag sa dulo ng blockchain, isang tiyak na halaga ng coins ay minimint at hinahati sa "miner subsidy" at "founders' reward" sa isang ratio na 80 hanggang 20 porsyento ayon sa pagkakabanggit. Ang block subsidy ay kinakalahati sa regular na agwat upang mapabagal ang rate ng issuance habang ang kabuuang supply ng ZEC ay papalapit na sa limitasyon nito na 21 milyon.

Ang miner subsidy ay napupunta sa tagamina na nakapagmina ng pinakabagong block at ang founders' reward ay ipinamamahagi sa pagitan ng mga tagapagtatag ng Electronic Coin Company (ECC), Zcash Foundation at sa ECC mismo, pati na rin sa kanyang mga empleyado. Hanggang noong Oktubre 2020, ang block subsidy ay katumbas ng 6.25 ZEC.

Paano Sine-secure ang Zcash Network?

Ang Zcash network ay sine-secure sa pamamagitan ng proof-of-work SHA-256 hash function na pag-aari ng SHA-2 na hanay ng algoritmo — pareho ng Bitcoin.

Saan Ka Makakabili ng Zcash (ZEC)?

Ang Zcash ay isang may mataas na ranggo na cryptocurrency. Posible na makabili ng Zcash sa isang bilang ng malalaking exchange, ang ilan sa mga ito ay:

  • Binance
  • HitBTC
  • Huobi Global
  • BKEX
  • OKEx
Mga detalye
ZEC
¥ CNY

Zcash Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #103
  • Dominance sa Market
    0.02%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan